Tumikhim si mama bago umayos ng upo. "Don't worry, I personally know your psychiatrist. He would be perfect for you."

Hindi na lamang ako sumagot. Whatever happens, happens... I guess.

ISANG oras pa ang aming nilakbay bago namin maabot ang aking magiging unibersidad, katabi lang din naman kasi no'n ang tutuluyan kong dormitoryo. Literal na tatawirin ko lang.

Napatingala ako sa aking tutuluyang gusali, habang si papa ay nagsimula nang hakutin ang aking maleta mula sa compartment ng sasakyan.

Simple lang ang gusali, mula sa labas ay kapansin-kapansin ang kalumaan nito. Hindi rin naman ako nag-eexpect ng kabonggahan. Tama lang ang gusaling ito para sa katulad naming hindi naman gano'n kayamanan.

"Halika na, anak. Naghihintay na raw ang landlady mo sa taas."

Pinangunahan na ni mama ang pagpasok. Kaagad na rin naman akong sumunod.

Sa aming unang pagpasok ay doon ko napag-alaman na laundry shop ang unang palapag ng gusali. Tinahak namin ang hagdan paakyat, walang elevator. Pagkarating namin sa pangalawang palapag ay puro kainan naman ang naroon, karamihan ay milktea shops.

Tinahak muli namin ang hagdan. Sa pangatlong palapag ay puro na pinto, sa isang pinto na pinakamalapit ay may nakaabang na babae. Nang makita niya kami ay kaagad umayos ang kanyang postura. Dahil doon ay natunugan ko na kaagad na siya ang naghihintay sa amin, ang landlady ko.

She immediately approached us, specifically my mother, while I busied myself exploring the place.

Isang buong hallway lang ang palapag na ito. May tig-tatlong pinto sa magkabilang gilid, bale ay anim ang pinto. Mayroon pa muling hagdaan paakyat, pero suspektya ko ay puro na lang din kwarto ang nasa itaas.

"Fayven, tara na." Tawag sa akin ni mama. Papasok na siya ng silid.

Maagap naman akong sumunod sa kanya. Sinalubong kami ng malawak na sala, o sadyang malawak lang iyon tignan dahil katabi lang no'n ang kusina.

Sa kabilang dako ay mayroon pang tatlong pinto, panigurado ay kwarto na ang lahat ng 'yon. Sa isang kwarto ay apat kaming nanunuluyan, kaya sumatutal, labing-dalawa kaming nanunuluyan dito sa dormitoryo.

Gayunpaman, kami pa lamang ang tao rito sa ngayon. Hindi naman nakakapagtaka, sinadya talaga kasi naming maaga akong lumipat para kahit papaano ay makapag-adjust ako, para sa darating na pasukan--isang linggo mula ngayon--ay hindi na ako ganoon mahirapan.

"Dito ang magiging silid niya." Iginiya na kami ng landlady--na napag-alaman kong si ate Edith--sa aking magiging tulugan.

Binuksan niya ang pinakadulong pinto. Bumungad sa amin ang maaliwalas na kwarto. Ito ang nasa pinakadulo kaya itong kwarto ang may bintana. Kalat na kalat sa bawat sulok ang sikat ng araw. Hindi naman iyon ganoon kainit dahil nababalanse ng malamig na klima.

"Dito ang magiging kama mo. Ito naman ang closet mo. Iyong mga roommates mo ay sa susunod na linggo pa ang dating." Tumatango lang ako sa mga pinapahayag ni ate Edith.

Mula sa aking likod ay sumingit si papa. Nilapag niya ang aking maleta sa tabi ng aking magiging closet.

Iniwan naman na kami ni ate Edith matapos ipaliwanag ang ibang kalakaran dito sa dorm. Naupo ako sa aking magiging kama. May dalawang double-deck na kama ang narito. Buti na lang ay sa ibabang parte ako, mahihirapan pa ako kapag ako ang sa itaas.

"Kakayanin mo ba dito, Fayven--"

"Malaki na ang anak natin, bud. Kolehiyo na 'yan. Kaya niya na, diba Fayven?" Singit ni papa.

Napangiti naman ako. Sa kanilang dalawa kasi ni mama ay siya ang mas rasyonal mag-isip. Hindi ko rin naman masisisi si mama sa paggamit ng kanyang emosyon sa pagdedesisyon; she's a mother, she couldn't help it.

Nangungusong lumapit sa akin si mama saka niya ako niyakap nang mahigpit. "Hindi pa rin ako makapaniwala. May anak na akong psycho!"

Napasimangot ako. "Psych, ma! Psych! P-S-Y-C-H!"

"Oo na, oo na, parehas lang naman."

Mas lalo lang akong napasimangot. Ilang beses ko nang sinabi sa kanyang psych ang tamang term, pero palagi niyang ginigiit na parehas lang naman ang psych at psycho. Ayun, kapag kasama niya ang mga kaibigan niya, lagi niyang pinagmamalaki na may anak siyang 'psycho'.

"Mag-iingat ka rito, ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom, tatlong beses sa isang araw ka kumain. Lagi mo rin akong tawagan kapag may oras ka. Kapag naman nagkasakit ka--"

"Opo na ma, nasabi niyo na 'yan sa bahay. Naiintindihan ko na po lahat."

"Sinisigurado ko lang na alam mo talaga! Nag-alaalala lang naman ako-"

"Ma, bente anyos na ako. Kaya ko na po ang sarili ko."

Napabuntong-hininga na lamang siya. Sa wakas, sumuko rin.

"O'sya, mauuna na kami ng papa mo. 'Yong mga paalala ko ha? Sabado-"

"9:30 in the morning, psychological assessment. I get it." Pagpapatuloy ko.

"Good, mabuti nang malinaw."

Nagsimula na silang magpaalam. Balikan lang kasi sila, may trabaho pa si mama bukas. Si papa naman, pabalik na rin ng barko sa susunod na linggo. Kailangan niya pang pumunta ng Manila bukas para sa kanilang training.

Matapos ang muling pagdradrama ni mama ay sa wakas nakaalis na rin sila. Ang huli kong narinig ay ang pagsara ng pinto. Naiwan akong mag-isa sa silid.

Tumahimik ang paligid. It suddenly felt empty. I felt empty. Tila ngayon lang pumroseso sa akin ang lahat.

I'm all alone now. Well, I have been for the last few years, but this one's different. Ngayon ay nasa hindi pamilyar akong lugar, napapalibutan ng hindi pamilyar na mga mukha.

Gayunpaman, mas nanaisin kong manirahan sa hindi pamilyar na lugar, kaysa ang manatili sa lugar na puno ng dalamhati, puno ng memoryang sumira sa akin. This is what I wanted. I should make a paradise out of this. I need a reason to live.

Hindi ko alam ang tadhanang naghihintay sa akin dito sa Baguio. Ang tanging alam ko lang ay nasa akin ang kakayahan upang gumawa ng panibagong mga memorya.

Hopefully, here in Baguio, I'll finally heal...

I felt a subtle vibration against my thigh. Kaagad kong binunot ang phone na nakasuksok sa aking bulsa. At hindi nga ako nagkakamali, someone sent me a message.

From: mama

Saturday, 9:30AM, Seeking Light Clinic.

Umikot ang mga mata ko. Isa pa 'to.

I always ditch my therapies and assessments, pakiramdam ko kasi ay hindi naman nakakatulong ang mga iyon sa kondisyon ko. Pero sa oras na 'to, hindi ako pwedeng um-absent sa assessment na 'to, mapapauwi pa ako ng wala sa oras.

Oo nga pala at bago na naman ang psychiatrist ko. Palagi na lang. Napangisi ako. I'll bet a million dollar, susukuan din ako ng psychiatrist na 'to. Walang nakakatagal sa akin, lahat sinusukuan ako. Kung sino man ang psychiatrist na 'yan, ipagdadasal ko na agad na magawa niya akong matagalan.

No one can ever heal me, and this psychiatrist would be no different.

The Psychiatrist's Insanity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon