Kabanata IX

42.3K 801 422
                                    

I THOUGHT I already heard the most shocking news I could possibly hear, until this day came, at nalaman kong ang lalaking nagligtas sa akin noon ay siya rin palang magiging psychiatrist ko.

Hindi ko tuloy alam ang dapat maramdaman. Halo-halong emosyon at reaksyon ang namamayani sa dibdib ko. Should I be happy that I saw him again? Or should I fret knowing that he happens to be my psychiatrist?

Sa pagkakaalala ko pa naman ay personal siyang kilala ni mama. Shit. Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan 'yon! Paano kung sabihin niya sa magulang ko na tinangka kong magpakamatay?

Oo, confidential dapat ang pinag-uusapan ng mental health professional at ng kanyang kliyente, pero kapag nagpakita o nagsabi ng suicidal intentions ang kliyente sa psychologist niya, pwedeng magsalita at ialarma ng propesyonal ang magulang ng kliyente.

Mariin akong napalunok. Pakshet! Hindi pwedeng malaman ng magulang ko na tinangka ko ulit kunin ang buhay ko! Panigurado ay pababalikin nila ako sa Olongapo!

"Make yourself comfortable." Naupo siya sa kaharap kong pwesto. Naupo na rin naman ako sa kanina kong kinauupuan pero hindi ko kayang gawin ang sinabi niyang maging komportable. I was back at fidgeting again. "How are you feeling?"

Napatingin ako sa kanya, hinihintay niya ang sagot ko. Napalunok naman ako.

"Mixed emotions..." Pagsasabi ko ng totoo.

Napatango siya. "I understand where you're coming from. This might have been so surprising for you."

For me? Does that mean this isn't surprising to him at all?

I looked at him suspiciously. Sa kanyang sinabi ay hindi ko na talaga napigilang magtanong. "Matagal mo na bang alam?"

Napatingin siya sa akin, inosente ang mga mata niyang tila umamo. Napalunok tuloy ako sa tingin niyang 'yon.

"Ang alin?" Tanong niya.

Hindi ako kaagad nakasagot. Tiim-bagang lang akong napatitig sa kanya.

Noon, alam kong dala ng kabutihan ang ginawa niyang pagtulong sa akin, pero ngayong nalaman kong psychiatrist ko pala siya, hindi ko na alam. Paano kung lahat pala ng pinakita niya nung gabing 'yon ay purong propesyonalismo lang pala? Paano kung pawang tawag lang ng responsibilidad ang lahat ng pinakita niya noon?

Malalim akong napabuntong-hininga. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit tila importante ko pa iyong malaman. Siguro dahil ayoko lang isiping dala lang ng propesyonalismo ang pinakita niyang pagpapahalaga sa buhay ko ng gabing 'yon.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya bago nagsalita. "Ang ibig kong sabihin... Nung gabing pinigilan mo ako sa balak kong pagpapakamatay, kilala mo na ba ako bilang kliente mo?"

I gripped on the hem of my shirt as I wait for his answer.

Please say no. Please say no.

"No." diretso niyang pahayag. Para naman akong nabunutan ng tinik sa kanyang sagot. That was enough for me. "Nakatalikod ka sa akin ng mga oras na 'yon bago kita lapitan, how would I recognize you?"

Tila naman naudlot ang pagluwag ng dibdib ko sa sinabi niya. Nangunot ang noo ko. "Recognize me?"

Tama ba ang pagkakaintindi ko? O sadyang mali lang ang term na ginamit niya? How would he recognize me when that was the first time he saw me?

"Yes, while I was trying to convince you, never did I recognize you in any way. Namukhaan lang kita nang naroon na tayo sa penthouse."

Mas lalo tuloy akong naguluhan. Hindi naman kami magkakilala, paano niya ako namukhaan?

The Psychiatrist's Insanity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon