Kabanata I

109K 1.2K 206
                                    

I WAS 14 years old when I encountered the greatest downfall of my life. I was too young for it. Pero para namang may pagpipilian tayo sa mga pangyayari sa buhay natin, wala naman.

However, we may not be responsible for our traumas, but we're still responsible for how we would handle it. It's our choice whether to give up or to move forward.

As for me, ilang beses ko nang sinubukang sumuko, pero si kamatayan na rin yata mismo ang sumuko sa akin. Hindi kasi matuloy-tuloy ang suicide attempts ko. Kaya siguro napagod na rin siyang sunduin ako. Palaging false alarm.

Kasalanan ko bang hindi epektibo ang suicide attempts ko? Well, I guess partly...

"Fayven, hindi na ba talaga namin mababago ang isip mo?" Mula sa bintana ay nabaling kay mama ang tingin ko.

Malungkot itong nakatingin sa akin mula sa passenger seat. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Ma, nandito na tayo sa Baguio, tsaka pa ba ako aatras?" Malumanay kong sagot.

"Nag-aalala lang ako, hindi ka sanay mag-isa." Muntik na akong matawa sa pahayag niya.

Para namang hindi niya alam kung gaano ako ka-introverted. Malamang ay sanay na sanay akong mag-isa. Kaya ko ngang maunod sa sine ng mag-isa. Maging pagkain ng lunch sa school, mag-isa ako palagi. I'm not a loner, I'm just an avid fan of peace and silence.

"Ma, uuwi naman ako kapag kaya ko. Malapit lang ang Baguio sa Olongapo, anim na oras lang ang byahe."

"Pero hindi ka sanay mag-commute sa bus-"

"Which is a basic life skill, the more I need to get out of my comfort zone, don't you think?" Pagpapatuloy ko.

Pahirapang pangungumbinsi ang ginawa ko para lang payagan nila akong dito sa Baguio mag-aral ng kolehiyo. Ngayon pa ba ako aatras gayung tumatama na sa balat ko ang malamig na hamog ng Baguio?

Inayos ko ang jacket na suot. Nananayo ang balahibo ko sa lamig. Hindi ako sanay sa ganito kalamig na klima.

Hindi na nakapagsalita si mama, maging si papa na abala lamang sa pagmamaneho.

Binalik ko ang tingin sa bintana. Bahagya ko iyong binaba para mas mapagmasdan ang tanawin. Kaagad namang tumama ang malamig na hangin sa aking mukha.

Nasa bungad pa lamang kami ng Baguio, pataas nang pataas ang kalyeng dinaraanan namin. Kitang-kita ang matatarik na bangin. Nakakalula.

"Basta mag-iingat ka palagi, ha? Wala na kami sa tabi mo para bantayan ka nang maigi." Habol ni mama.

Hindi na ako sumagot pa.

For her, it's such a bad thing to be away from me. Pero para sa akin, isang malaking pasasalamat ang mawalay sa kanila. I can't bear to be with them anymore. I need to leave, I have to. For how can we heal in the same environment that broke us?

"Oo nga pala, huwag mong kakalimutan 'yong assessment mo. Don't you ever think of ditching it again, Fayven Leone." Nilingon niya ako para panlisikan ng mata. "Kapag nalaman naming hindi mo muli in-attendan 'yon, humanda ka nang umuwi ng Olongapo."

Napabuntong-hininga na lamang ako. As if I have a choice.

"Hindi naman malayo ang clinic sa dorm mo, walang dahilan para hindi mo 'yon puntahan. Huwag mong kakalimutan Fayven, Sabado, 9:30 in the morning, iyon ang oras ng unang assessment mo."

Umikot ang mga mata ko. Napa-halumbaba na lamang ako sa bintana. Paano ay ilang beses niya nang inuulit-ulit 'yan sa akin na halos bumaon na sa utak ko ang oras at araw na iyon.

The Psychiatrist's Insanity Where stories live. Discover now