Chapter 25

1.2K 61 3
                                    

Chapter 25
Yazzi's POV

Hanggang ngayon wala parin akong natatanggap na tawag o text manlang mula kay Xyrgian.

"Ano? Okay na ba kayo?" tanong ni Chizza.

Alam nya yung nangyari dahil ikinwento ko sakanya nung tuesday ng gabi, pagkauwing-pagkauwi namin dito sa bahay.

"Di'ko nga alam, eh. Hanggang ngayon kasi wala pa syang text or tawag manlang."

"Ikaw na kaya tumawag?"

"Ano?? Ayoko nga. Sya ang may kasalanan, sya ang dapat mag-sorry at manuyo."

"Ah, ganon? Pataasan nalang ng pride? Atsaka, 'wag ka ngang umarte na parang wala kang kasalanan? Kasi sa totoo lang? Parehas kayong may kasalanan. Kaso, matataas yung mga pride nyo kaya hanggang ngayon di kayo nagkakaayos. Haynako! Bahala na nga kayong dalawa."

Iniwan nya ako sa canteen, take note ha? Padabog syang umalis.. Pinsan nya kasi kaya parang concern na concern sya..

Dalawang araw na mula nung nangyari yung away o sagutan namin.. Pero hanggang ngayon, hindi sya nagpaparamdam.. Hindi ko na nga rin nakikita, eh.. Parang umiiwas talaga? Sa tuwing pupunta naman ako sa opisina namin, palagi syang wala. Si Jestin na nga yung lagi kong kasama, eh.. Bahala sya!

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno na tambayan ko..

Si Xian? Nagsasalita sya ng English, ayaw nya lang sa harapan ng Kuya nyang magsalita nun.. At bakit sya nasali sa usapan? Dahil papalapit nanaman sya sa'kin..

"Anong problema? Bakit hindi maayos ang pakikitungo ninyo sa isa't isa?" tanong nya.

-__- nose bleed.

"Wala."

"Ilang araw nang nagsusungit ang aking kuya, at palaging mainit ang ulo nya. Ano ba ang inyong problema?"

Wooh! Nagsisitaasan yung balahibo ko sa pananalita nya.

"Hayaan mo muna kaming ganito, Xian. May namis-interpret lang yung magaling mong kapatid."

"Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ninyo naaayos ang problema nyo?"

"Bahala sya sa gagawin nya."

"Pride."

Green University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon