Chapter 20

1.3K 56 2
                                    

Chapter 20
Yazzi's POV

Naiinis na ako dito sa mga kasama ko! Grr! Ano bang dahilan?! Bakit nila ginagawa 'to?! Ayaw pa nila akong diretsuhin! Nandito lang din naman kami.

"Ang ayoko sa lahat, yung napapaligoy-ligoy!" pag-awat ko sakanila..

Nakakainis! Kanina pa sila nagtuturuan sa kung sino ang magsasabi!

"Ikaw kasi eh." pagsisi ni XD kay Trevor.

"Anong ako?! Ikaw kaya!" pagturo ni Trevor kay XD..

At patuloy silang nagsagutan..

"Pwede bang tumahimik kayo?! Nakakainis na ah?! Wala ako sa mood kaya wag nyong i-expect na matatawa ako sa pinag-gagagawa nyo! At imbes na matawa ako, nainis pa ako sa pinapakita nyong attitude! Wala na ba kayong maipakitang matino?!" sigaw ko sakanila..

Lumabas yung babae mula sa van..

"XD, Kyle. Umayos kayo." pagkasabi nya nyan ay bumalik ulit sya sa van..

I wonder, why is she like that? Hindi nga sila nagkakalayo ng anak nya.

"Fine! Eto na." pagsuko nila XD at Trevor sa sagutan..

"Anong gusto mong unahin? Yung tungkol sayo? O yung kasaysayan ng Green University?" tanong ni Trevor..

"At nakuha nyo pang tanungin sakin yan?! Mga walang puso. Kayo na ang bahala sa uunahin nyo. Makikinig lang ako." sabi ko..

Napailing-iling nalang sila dahil sa inaasal ko..

"Green University muna." sabi ni XD

"Oh, eh anong ginagawa natin dito?? Hindi ba dapat nasa GU tayo ngayon?" tanong ni Trevor.

"Bakit? Pwede namang i-discuss yung history nun kahit wala tayo dun, diba?" tanong sakin ni XD..

Tinaasan ko lang sya ng kilay.. Malay ko ba sa gagawin nilang pagdedemo.. At kung ano man ang gawin nila ay wala na akong pakialam! Ang kailangan ko lang ay malaman ang katotohanan.

"Will you fvcking stop?!" inis kong sigaw sakanila.. "Kung ano man ang sasabihin nyo, sabihin nyo na! Sinasayang nyo yung oras ko!" pagdidiin ko..

Sa halip na humingi sila ng sorry, nagpakawala nalang silang dalawa ng buntong-hininga..

"Okay.. Simulan natin ang istorya.." panimula ni Trevor.. "Nagsimulang maitayo ang Green University, halos isandaang-taon nang nakalipas.. Hindi naman talaga Green University ang pangalan ng Unibersidad nayun eh, kundi Hunter's University.."

Green University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon