CHAPTER 8

10 0 0
                                    

Chapter 8: FAVORITE PLACE

KAKATAPOS lang naming kumain ng mapagdesisyunan ng dalawa na i-tour ako.

Naglalakad kami dito sa hallway at papunta sa malaking double door bukod dun sa main door. Dahil bukas yung pinto makikita mo ang mahabang sementong daan na pinaliligiran ng mga bulaklak.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "Sa Miraculous Garden" sagot ni Kyla. "Nope, Paradise is the best word to describe that place" Pagtatama ni Clarity.

Tuluyan na nga kaming nakarating sa bungad ng malaking pinto.Namangha ako sa taas ng mga puno, kahit simpleng mga halaman lang pero ang ganda tsaka yung mga bulaklak ang gaganda, idagdag mo pa ang ibat-ibang kulay ng nagliliparang ibon at paru-paro.

Ang mga pulang rosas ang nag sisilbing parang daan sa magkabilang gilid ng. Tama si Clarity.

Paradise is the best word to describe this place. Matatanaw sa dulo ng daan ang Waterfalls na pinaliligiran ng mga bato at may mga nagliliparan ring mga alitaptap.

Habang papalapit sa falls ay napapalitan ng lupa ang sementong daan. Siguro para mapanatili ang pagiging natural ng lugar.

"The Hermione Clayne Falls" Bulong ni Kyla. Hango yun sa pangalan ng isa sa pinakamalakas na spellers noong unang panahon. Si Hermione Clayne Agnus. Nang tuluyan na kaming makalapit sa gilid ng falls ay umupo kami sa malaking bato. Sobrang ganda ng paligid, dapat hindi nila to tinatago.

"Beautiful right?" Nakangiting tanong ni Kyla. Umiling ako "Hindi, hindi lng maganda subrng ganda ng lugar nato. Ito na yata ang pinakamagandang lugar na nakita at napuntahan ko." Pagtatama ko habang pinagmamadas ang talon. "Alam mo bang favorite place to ni Blood?"

Nagulat naman ako sa tanong ni Kyla. Pero nakuha nya rin ang atensyon ko. Pano ba naman kasi ang lalaking pinaglihi sa stress ay paburito ang ganitong klase ng lugar. "Really?" I asked in amusement.

"Oo." Nakangiti nyang sagot. Bigla naman akong napaisip. "Kyla, crush mo ba si Blood?" Diretsyahan kong tanong. "H-ha? Ahm..ano..Oo.." Nahihiya nyang sagot habang nakayuko. Napangiti naman kami ni Clarity. Ang cute kasi mag blu-blush sya. Pero bakit naman si Blood? I mean. Oo gwapo sya. Pero bukod sa gwapo ano pa? Masungit? What?

"Pero alam mo bang bagay kayo" Ako naman ngayon ang nagulat sa sinabi nya. Pati si Clarity na shock. "Kyla?Akala ko ba crush mo sya?" Nagtatakang tanong ko. "Oo nga, pero crush lang yun. Paghanga kung baga, lumilipas din. Pero kayong dalawa may spark." Bigla namang ngumisi ng nakakaloko si Clarity sakin. Anak ng-- kahit pa sya na lang ang nag-iisang speller sa Miraculous City hindi ko sya magugustuhan at tsaka si Kurt ang crush ko. Yup, crush ko si Kurt.

"Ayyiieeeee" Panunukso ni Clarity. Hay naku. "Hinding-hindi ako magkakagusto dun. Si Blood?Psh. "Totoo naman eh. Tsaka isa pa, wala akong panahon sa love na yan. "Hay naku, wag magsalita ng tapos Elisha. "Sabi ni Kyla na hindi sumang ayon sa sinabi ko. "Si Blood, hindi mo pa sya ganun kakilala kaya mo nasasabi yan." Isa pa yan si Clarity.

Ano pa bang dapat kong malaman sa lalaking yun?? Psh. Tinuon ko na lang atensyon ko sa ganda ng paligid. Me? Magkakagusto kay Blood? No.Never. Inenjoy ko na lang ang sarili ko sa pagbibilang ng paru-parong dumadaan.

This is now my Favorite Place.

*******

A/N Hi Spellers!!! Share your reactions in the Reply Box!

******* Saranghaeyo guyseu!! ****

Just wait for the next update! · · ·

Miraculous AcademyWhere stories live. Discover now