CHAPTET 3

16 2 2
                                    

Chapter 3: HANDKERCHIEF

NAGKALAT ang nabasag na chandelier sa sahig. Hindi ko namalayan na nasa pinto pala si Blood at isang di pamilyar na lalaki Nasa mid- 20's sya. Maging sila nagulat sa nangyari.

"Whoah! What a spell!" rinig kong sabi nya. Nataranta ako. Baka ako pa mapagbintangan wala akong pambayad noh!

"You must be a good speller huh?" Sabi nya ulit. Di ko na sya pinansin. Pinulot ko ang mga nabasag na piraso. At dahil may angkin akong katangahan. Nasugatan ako. Agad ko rin yung binitawan. Shems!! .

"Tsk. Stupid." Isang pamilyar na boses ang nagsabi nun. 

That Blood!. "You're a good speller!" Sabi na naman nung isang lalaki. Problema nya ba?! Para na syang sirang plaka!" Hindi po ako ang may gawa nun--" I have to defend myself. "Hindi ikaw ang may gawa nung spell? Then who?" Shit. Spell sya ng spell. Ganito ba talaga mga tao dito? "What I mean is the chandelier" Tumaas ang kaliwang kilay ni Blood. Psh!. Upakan kita jan eh. 

Tungunu! Akala nya siguro nakalimutan ko na yung ginawa nya sakin kanina. "I don't believe her Sir Hanz" What the?!  "I think sinadya nya talagang mabasag yung---" Nakakainis na talaga sya. "Of course not!" He's damn irritating. If I only had the chance, I will kill him. 

"I highly doubt it" Kalmado nyang sabi habang nakahalukipkip pa. Leche to ah! "Bakit aanhin ko naman yang chandelier nyo ha!! Bakit ko naman yan pag iinteresan!! Makakain ko ba yan??" nakataas kung kilay na sabi. Kahit pa siguro wala na kaming kainin di ko pagiinteresan yang Chandelier na yan.

 "Tss. Who knows." I swear, I wanna punch this guy right here right now. "Fuvk You 100 times Blood! "Okay I'm cursing now. "Wait, Chill nga kayo. I believe you. Alam kong di ikaw may gawa nun." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Mr. Spell. "But ahm...Your spell" Anak ng piniritong butiki di ba sya titigil!!

 "I have to go" Sabi ko saka naglakad palayo sa kanila. "But your spe---" Sasapakin ko na to "Can you please stop that shit!" I don't care if I'm being uncourteous. They're not helping! I bit my lower lip ng may maramdamang hapdi. My wound is still bleeding.Ganun na ba kalala?? Maliit lang naman to ah? Idagdag mo pa yung namamaga kong braso. Plus yung masakit kong katawan dahil sa pagkadulas ko kanina. Bigti na this. 

"Wait" Tsk! Ano na naman bang problema nya?! "I said wait!" Humarap na lang ako para matapos na. "Wait?!" Inis na asik ko. "Your wound---" So ano ngayon concern sya??! "Tss." I continue walking. Wala syang kwenta kausap. "Kinakausap pa kita" His voice again.

 "Damn You! You're not even my boss so please stop acting like you are!!" Kanina lang sabi nya ayaw nya ng makita pagmumuka ko. Tapos ngayon tsk. He's maybe insane. "Would you please stop cursing me?" Nakakunot na ang noo nya. "Would you please stop ruing my day?" May hinugot sya sa bulsa nya. Panyo?

 "Take this." Tsaka nya inabot yung panyo nya. Anong gagawin ko jan? "For what?"Nanggigigil na ko. "Ibalot mo sa sugat mo. "Ang lamig pa rin ng boses nya. "Ha-ha! Ano to?! Concern ka?! Eh kanina lang sabi mo ayaw muna makita pagmumuka ko?!" Ang hirap ding intindihin ng mga tao dito!

 "First, I'm not concern. Tutulo yung dugo at magkakalat ka dito. Second, Yup. Ayoko nang makita pagmumuka ko. So Third, You may leave now. "Pilit nyang nilagay yung panyo sa kamay ko. I felt something...Err.... weird?? nung nahawakan nya yung kamay ko. 

"What are you waiting for?" Nakakunot na naman ang noo nya. Pero kalmado parin ang boses nya. "Wait sandali lang ano nga bang pangalan mo?" Nagsalita ulit si Mr. Spell. Di ko na sya sinagot at umalis na. Oo nga naman asa pa kong magiging concern sakin yung Blood na yun. Eh kahit nga ata sa mga kaibigan nun wala syang pakialam. 

********

PADABOG akong pumasok sa bahay. Padabog ko ring sinara yung pinto na anytime gigiba na. "Oh Elisha, bat ganyan muka mo?" Bati sakin ni Lola Fatima. Hay naku! kung alam mo lang lola . "Wala po." Pero alam kong di sya naniwala, si lola pa ba? Dumako ang mga mata sa braso ko down to my hand. "What happened?Bakit namamaga ang braso mo? At may nakabalot na panyo sa daliri mo? Napaaway ka ba?" Sunod-sunod nyang tanong. Wala ako sa mood para sagutin yun.

 "Wala po ito lola." Great. Ang gandang palusot ko. "Hay naku.." Pinalutang nya gamit ng spell nya yung box kung saan may first aid kit. Agad naman yung lumapit sa kanya. Binuksan nya yung box at kinuha ang Alcohol at Band aid. Agad nya naman ginamot yung sugat ko.

 "Yung panyo. Kanino galing yan?" Nagtatakang tanong ni lola na akala mo naman big deal pa kung kanino to galing. "Blood" Tipid kong sagot. "Dugo? Wala ng dugo. Nagamot ko na. "Mas lalo pang nagtaka si lola. "Kay Blood po galing yung panyo." Ano ba kasing meron sa panyo na to? Kinuha yun ni lola. Kulay red at kay logo ng Miracle Academy.

 "Alam mo bang hindi basta basta ang panyong to?" Bigla namang napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni lola. "Huh? Bakit naman po?" Panyo lang naman yan. Pinasosyal nga lang dahil galing sa Academy tas may logo pa nito. "Mga taga Academy lang ang pwedeng gumamit nyan. Kung pinahiram nya to sayo. Ibig sabihin con--" Di ko na pinatapos pa sa sasabihin si lola. 

He care? No. Never. That guy? Ha-ha. "No lola. Nagkakamali kayo sa kung ano man ang iniisip nyo. Pahinga na lang po ako." Tsaka ako naglakad papunta sa kwarto ko. I really wanted to rest. Masakit parin ang katawa ko. "Yung braso mo--" Hays. Ang gusto ko lang naman magpahinga. 

"It's nothing lola. Pahinga lang po ako." Agad naman akong nahiga sa kama ko na gawa sa kahoy at tumulala sa kisame. Ganun na ba ka precious yung panyo na yun? Kailangan mga taga Academy lang ang gumamit?? Psh. Tsaka posible kayang concern sya? Ayt. Malaking imposible. 

Napansin ko na lang ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. I need this now. Masyadong maraming nangyari. I need some rest .




Miraculous AcademyWhere stories live. Discover now