CHAPTER 2

17 2 0
                                    

Chapter 2: Disaster

KASALUKUYAN akong naghahatid ng pagkain papunta sa isang table. Dala dala ko ang tray na naglalaman ng Melon Shake at Vegetables Salad. Masyado namang health conscious ang kakain nito.

Pinagmasdan ko ang babaeng umorder nito. Lagpas balikat ang brownish nyang buhok, maputi at makinis ang balat nya. Mapungay din ang gray nyang mga mata. She's smiling sweetly towards me. Mukha naman syang mabait.  

"Eto na po." Nakangiti parin sya so I smiled back,  kawawa naman baka nangangalay na sya. "Please talk to me less formal. Halos mag kasing edad lang naman tayo." Ang sweet ng voice nya. And guess what? She's still smiling!  Hindi naman sya mahilig ngumiti noh?  "Sige." At isang alanganing ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Ilalapag ko na sana ang tray nang may lalaking lumapit sakin. Samin pala. 

"Ilagay mo yan sa table ko"  His voice is full of authority. His cold dark aura is quite creepy. Pero kahit na! Hindi nya ko madadaanan sa paganyan ganyan nya.  "Why should I? Hindi naman sayo to" Tsaka ko nilapag sa table yung pagkain. Nakakainis sya akala mo kung sino. Tsk. Nilagpasan ko na lang sya. Pero nabigla ako nang hawakan nya ko sa braso dahilan para mapaharap ako sa kanya. "Ano ba! Bitawan mo ko!" Nasasaktan ako dahil ang higpit ng pagkakahawak nya. 

"Hey! Blood!Stop it!" Narinig kong asik ng babae na ngayon ay nakatayo na. "How dare you." Hindi yun isang tanong. Kundi statement. Nagtitinginan na lahat ng tao samin. At halos malamog na rin ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak nya. "B-bitawan mo ko.." Okay. Natatakot na ko sa kanya.  

"Do you know me?" What a stupid question malamang di ko sya kilala. His voice is so cold. Dapat pala binigay ko na lang sa kanya yung tray. But damn this guy! Pwede ko naman syang bigyan mamaya kung makapaghihintay sya diba?  "Stop it,Blood" .Bahagya akong lumingon sa likod at nakita ang tatlong lalaking, kaibigan nya ba to? 

 "I said stop". A guy with a brown shiny hair said and his voice is also full of authority. What's with this people? "Hey Blood! Tama na yan. Wala syang laban sayo". Sabi naman ng isang lalaking may blonde na buhok. "Wag kayong makialam" Shit! Feeling ko bali na yung buto ko sa braso. "Let me go!" Isang lalaki pa ang nagbalak umawat but I think wala na rin silang magagawa. Tungunu!

 "Hayaan mo na sya Blood.  Don't waste your time on someone like her. Aba!  As if naman gusto ko ring pag aksayahan ng oras ang lalaking to! Pagkasabi nung guy na may brown na buhok binitawan nya na ko. Thank God!  "Ayoko nang makita pa ang pagmumuka mo dito" Saka sila umalis nung tatlo nya pang kasama. As if naman gusto kong makita ang pagmumula nya! Kupal. 

 "Pagpasensyahan mo na si Blood. Ganun lang talaga yun." Parang gusto kong matawa sa sinabi nya. Pagpasensyahan? Eh halos mabali yung braso ko sa lalaking yun! Pagkasabi nya nun umalis na rin sya. Mabuti naman. Napansin kong nagbubulungan yung mga students. "Gosh! Nagawa nyang galitin si fafa Blood! Sino ba sya sa tingin nya?!" Wow ha! Parang ako pa yung may kasalanan! Naglakad na lang ako palayo. Pero bago yun may narinig ulit akong boses. "Let me use my spell to punish her" .Ano daw? Spell? Punish? Me? Duh! 

Pinagpatuloy ko na ulit ang paglalakad ng may kung ano akong madulas na natapakan. Dahilan para ma slide ako at bumagsak sa sahig na made of tiles. Ouch! Narinig ko ang mga tawanan nila. So yun pala. tsk. She used her spell to create a slippery thingy. Agad akong tumayo dahil feeling ko lalamunin na ko ng lupa sa kahihiyan. Pumunta ako sa locker at nagpalit na ng damit. Damn! I wish ground could open up and just swallow me.

 Naglakad ako papunta sa library. Napangiwi ako ng may maramdamang sakit sa braso ko Tiningnan ko yun at nakita ang marka ng kamay nung Blood ba yun? Naku lang. Wag ko lang talaga syang makita sa kung saan. Babangasan ko muka nya. Baka di na sya maka graduate ng High School. 

Pagpasok ko sa library. Agad kong inayos sa pagkakasalansan sa shelves yung mga libro na iniwan nung mga tamad na students. Then kinuha ko yung map at nilinis ang sahig. Buti na lang ako lang ang tao dito. 

While cleaning, I wonder how lucky they are, the students here. While I'm working hard in order live and survive,they're busy on judging people around them instead of focusing on their studies. If they only know how lucky they are. How blessed they are. Pagkatapos kong maglinis kumuha ako ng libro sa shelves. History book ang pinili ko. Kahit hindi ako nakakapag aral at least may idea ako sa mga lessons nila naalala ko nung buhay pa ang mga magulang ko. My Mom taught me how to count, and my Dad taught me how to read and write. Tsk. I can feel the liquid in the corner of my eyes. Pinigil ko ang luha ko. Tsaka binalik ang libro. 

Wala rin namang pumapasok sa utak ko. I decided to go home. Tutal naman tapos na trabaho ko. May narinig akong nakalas sa taas. Tiningnan ko yun. Damn!! Babagsak sa sa mismong pwesto ko yung Chandelier!! Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. I don't know what to do. Ilang pulgada na lang at tatama na sa ulo ko ang Chandelier. 

I closed my eyes in frighten. Pero binuksan ko rin ng walang maramdamang kahit anong bumagsak sakin. I was shocked by what I did. May puting enerhiya ang lumabas sa kamay ko dahilan upang mapigil ang pagbagsak nito.

A/N: 

Naks naka update na ko! i hope magustuhan nyo!

Miraculous AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon