CHAPTER 5

9 1 1
                                    

Chapter 5: DEAL

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatulala sa kisame. Still thinking about the offer. Kapag tinanggap ko yun malaki ang mababago sa buhay namin. Hindi na kami mamomroblema ni lola ng kakainin namin mamaya, bukas, sa makalawa at sa mga susunod pang araw.

Mapapaayos na rin ang bahay at makakapag-aral na ko, but at the back of my mind, natatakot ako. Natatakot akong gamitin ulit ang spell ko. Naalala ko ang huling sinabi sakin ni Master Victorino

. 'Hindi ba mga black spellers ang pumatay sa mga magulang mo? Give them justice Elisha. Accept our offer. Be part of the group'. 

 Naguguluhan parin ako. Nalilito. Natatakot. Kinakabahan. Lahat na ata ng negative emotions na sakin na. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako ang napili nila. Basta sabi salin ni Sir Hanzo.

 'You have the 1st class spell type Elisha.' 

Hindi ko alam kung anong spell type ang pinagsasabi nya. Tuluyan na kong tumayo sa kama ko at naglakad na parang zombie papunta sa sala. "Oh 7:30 na Elisha , hindi a papasok sa trabaho mo?" Tanong ni lola habang pinapalutang yung mga plato papunta sa lamesa. Nasabi ko na sa kanya yung tungkol sa offer. 

"Iniisip mo pa ba ang offer nila?" Okay nababasa nya ang iniisip ko. "Opo lola" Umupo ako at ganun din ang ginawa ni lola. "Iha , kung ano ang sinasabi ng puso mo, yun ang sundin mo." Ano nga bang sinasabi ng puso ko? Kapag tinanggap ko yung offer malaking tulong yun samin. Pero di nyo naman ako masisisi kung tanggihan ko. Hays!

***** 

Nandito ako ngayon sa cafeteria ng Academy 7:45 palang kaya break time pa nila. Ayoko lang aminin pero hinihintay ko si Blood. Naalala ko ang sinabi ni lola 'Elisha , never hesitate to do something just because of the past. Past can't do anything about the present dahil tapos na yun .Isa pa, ayaw mo bang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo? Don't waste the opportunity for someone may steal it from you.' Hay naku. 

Pinagtitinginan na naman ako ng mga hayop este tao pala. Malamang naalala nila yung nangyari nung isang araw. "Gosh! Ang lakas ng loob nyang bumalik dito ha!" Sabi nung nagsasalitang uwak ay.. TAO pala sya.-_-   "Oo nga" Ungol nung baka..ay tao pala.-_-  "Baka naman may gusto sya kay Blood" 

Parang gusto kong masuka sa huli nyang sinabi. Si Blood? Napaka yabang, masungit, short-tempered lahat na ata ng bad attitude sinalo nya. Sino namang tanga na babae ang magkakagusto dun? Oh. Sila. 

Di ko na lang pinansin yung mga unggoy--este tao pala. Kailangan kong makita si Blood. Nagpalinga linga ako at yun! Nakita ko syang naglalakad ng nakapamulsa kasama yung tatlo nyang alipores. Agad ko naman syang nilapitan. "Blood pwed---" Pero nilagpasan lang ako. Kupal talaga. Wag nyo kong pigilan uupakan na to!

"Blood!" Pero di nya parin ako pinansin. "Di mo man lang ba papansinin? Chics na yung lumalapit pare haha" Sabi nung lalaking may Blonde na buhok .Isa pa syang kupal. Kinuha ko yung tsinelas ko halos mapudpod na tsaka ko binato sa likod nya. Ayun! Sapul! Natigilan lahat ng alien--este tao pala sa ginawa ko. At sa wakas humarap din sya. "hahahahaha.. Boss Blood .. Hahahahaha binato ka hahaha" Humahalakhak na si Mr. Blonde habang nakahawak pa sa tyan. Baliw. I wonder kung ganito lahat ng tao dito.-_- 

Siniko nung may black na buhok. Unti-unting lumapit sakin si Blood with his piercing look and cold dark aura. Kalmado parin sya pag tiningnan. Kaya mas lalong nakakatakot. Kyah! Sorry naman Eh! sa ayaw nyang pansinin ako eh! 

Huminto sya sa paglalakad ng tuluyan ng makalapit sakin,  as in sobrang lapit. Subrang lapit na nararamdaman ko na ang hininga niya. Di ko alam kung sinasadya nya ba. Sinubukan kong lumayo pero Damn! Lumalapit parin sya.

Tutok na tutok lahat ng tao na akala mo nanonood ng live show. Okay tinatanggap ko na. Kusa kong inilahad ang braso ko at nakahanda na para lamugin nya. "Here, sige na etong kanang braso ko naman ang lagyan mo ng marka" Sabi ko habang nakapikit at nag re-ready na sa mararamdamang sakit. "What's your problem?" Unti-unti kong binukas ang mga mata ko at nakitang nakakunot ang noo nya. 

Binaba ko na yung Braso ko. "Eh kasi hindi mo ko pinapansin!" Err...Don't get me wrong!! Bigla naman syang napangisi. Yung nakalaloko. "So gusto mong napapansin kita?" Sabi nya na halos pabulong na. Sobrang lapit ng mukha niya sakin na pwedeng pwede ko ng sapakin kung gugustihin ko. Feeler. Tinulak ko sya palayo.

"Eew!! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!! Gusto ko lang maka-usap si Sir Hanzo"  Bumuntong hininga sya saka nagsalita. "Hindi ako Lost and Found." Bwisit. "Grrr..!! Blood!!" Lumapit sakin yung lalaking may brown na buhok. Nakangiti sya.

"Come on, I'll bring you to Sir Hanz" Buti pa to kahit papaano mabait di tulad nung isa dyan. Nagsimula na kaming maglakad. Nakasunod yung dalawang alipores. Malay ko kung nasan si Blood at tulad ng dati napapanganga parin ako sa mga nakikita ko. Mula sa maraming Chandelier , Carpeted floor, Golden curtain na tumatakip sa window glass, at mga lumulutang na ilaw sa kisame na pinapagana ng spell. 

Tulad ng dati dumaan kami sa mahabang staircase pero hindi na sa double door na color red kami tumigil. Naglakad kami sa corridor at huminto sa isang Black na pinto. Hindi na sya double door pero malaki parin. Kumatok si Mr. Brown hair. Bumukas yung pinto at iniluwal si Sir Hanz.

 "Oh Irish, pasok kayo." Pumasok naman kaming apat. Halos mapanganga ako sa ganda ng kwarto nya. ANG GONDO NOMON. Mas malaki pa yung kwarto nya sa bahay namin. May mini library, malaking kama, maliit na chandelier, apat na lumulutang na ilaw tig-iisa kada corner ng kisame.Napaka well-organize.Matatanaw din sa window glass nya na tinatakpan nang Black kurtina ang buong Miracle City. 

Mahilig sya sa black, napansin ko lang dahil black din ang kumot nya. "Elisha..." Natauhan ako at nalaman na kanina pa pala sila nakatitig sakin. Nakaupo na sila sa sofa na kay itim na throw pillow. "Sit down..kanina pa kita sinasabihan." Masyado ata akong na attract sa kwarto ni Sir Hanzo. Umupo na rin ako. Katabi ko si Mr. Brown hair sa kabilang gilid ko si Mr. Blonde sa kaharap na sofa si Sir Hanzo at yung may black na buhok.

"So, what brings you here Elisha? Don't tell me nakapag decide---" di ko na sya pinatapos sa pagsasalita. " I'm accepting the offer. " Napangiti sya sa sinabi ko. Lahat pa sila napansin ko, maliban kay Blood. Mahilig ngumiti ang mga tao dito. "You made the right decision Elisha. Ako na ang bahalang magsabi nito kay Master." Sana nga lang tama ang decision ko. "So kasali ka na group!!" Tuwang tuwa si Mr. Blonde. 

"Let me introduce myself to you" Saka sya tumayo." I am Victor John the most handsome among them. Nice to meet you Elisha." Saka nya inilahad ang kamay nya. Inabot ko naman at nakipag shakehand. Natawa ako sa kanya. Di ko alam na may ganitong klase ng tao dito. "Nice to meet you too" Siguro naman di ako ma-a-out of place kahit papaano.

"Ako naman si Blake Chanser. Wag kang magpapaniwala kay Victor ako talaga ang pinaka-gwapo. Nice to meet you Elisha" Tsaka sya nakipag shake hand. Kahit pala papaano mababait naman ang mga tao dito. Maliban lang ata talaga sa Blood na yun at sa mga fans nya -_-. 

"Haha...and I'm Kurt Perez. Wag kang magpapaniwala sa kanila. Nice to meet you..Elisha" Nakangiti nyang inilahad ang kamay nya at tinanggap ko naman yun.S iguro naman di ako mahihirapang pakisamahan sila. "So welcome to Miraculous Academy" Isang ngiti lang ang isinukli ko. 

Wala ng atrasan to.

 I'm now part of the group.

Miraculous AcademyWhere stories live. Discover now