CHAPTER 7

12 1 1
                                    

Chapter 7: NEW ME

HILA-HILA parin ako ng dalawa .Dumaan na kami sa staircase, tumakbo sa corridor hindi ko parin alam kong saan kami papunta. Napapagod na ko  . "Saan ba talaga tayo pupunta?" Pagkasabi ko nun tumigil sila sa paghila sakin. 

"Sa kwarto natin"N akangiting sabi ni Kyla .Wait . So ibig sabihin---" Simula ngayon kami na makakasama mo matulog" Said Clarity na patalon-talon pa. Excited sya. "Malayo pa ba?"  Eh kasi naman kanina pa kami takbo ng takbo.

"Haha malapit na. Tara na dali!" Tsaka nila ako hinila ulit. Ano bang problema ng mundo sakin?Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa huminto kami sa isang Err? Color pink na pinto?Too girly -_-. "So I guess eto na yun?" Sabi ko habang nakatingin sa color Pink na pinto. 

"Yup, pasok na tayo dali" And for the nth time hinila ulit nila ako papasok sa loob. Bumungad sakin ang color white and pink na pintura ng sealing at pader. Maliit na chandelier, apat na lumulutang na ilaw tig-iisa kada corner, three master bed room , baby pink na color ng kumot. Yung isang kama lang yung wala. Window glass na tinatakpan ng light pink na kurtina. matatanaw din dito ang buong Miraculous City, dalawang Sofa na may Pink na throw pillows. 

Seriously? "Ang cute nang room right?" Sabi ni Kyla na parang may heart pa yung dalawang mata. "Ah oo hehe" Ayoko mang aminin. Pink is the color that I hated the most. Pero ang cute nga ng room. Mas malaki to kesa sa kwarto ni Sir Hanzo. Maybe because tatlo kaming matutulog dito. 

"Are you sure?" Naniniguradong tanong ni Kyla ."Oo" Tiningnan nya ko na para bang kinikilatis." Nababasa ko ang iniisip mo, ayaw mo nang color pink" Tsaka sila sabay nag pout. Cute. But wait-- nababasa nya ang  iniisip ko? "Nababasa mo iniisip ko?" She nodded. "May kakayahan syang basahin ang iniisip ng isang tao" Sabi ni Clarity na naka pout parin.

"That's cool." I said in amusement. "So..You don't like our  room, do You?"tanong ni Kyla .I immediately shooked my head. "I found the room cute." Pagsasabi ko ng totoo sa sobrang cute nga. Masyado ng girly-_- .

"Really??!!" Sabay ulit sila. Tapos parang may spark pa yung mga mata. "Yes" I shortly answered. "Hindi namin nilagyan ng kumot yung sayo. Di kasi namin alam kung anong kulay gusto mo."sabi ni Kyla habang kamot-kamot yung batok niya. "Uhm..I love Gray" Nagulat sila sa sinabi ko.What's wrong with gray? Mas Cool yun.

"Seriously??!!" Gulat na tanong ni Clarity. "Yes." Tipid ko paring sagot. "Hindi ba masyadong panlalake yun?" Nadidismasyang tanong ni Kyla ."Gray is Cool." Pagsasabi ko ng totoo. That is base on my own opinion. "Alright, papalagyan na lang namin yan mamaya ng gray na kumot" sabi ni Kyla habang nakaharap sa closet.

Naghahanap sya ng damit. Pinagmasdan ko silang dalawa. Ang ganda nila. Compared sakin na para bang maid lang nila. Sinara ni Kyla yung closet pagkakuha nya nung black na Elegant Jewel necklong sleeve worsted dress ( A/N: nasa taas ang pic ng dress ^_^) . Hanggang tuhod yun. Tapos may belt sa bandang bewang. Maganda naman. "You have to change your clothes Elisha" Tsaka nya binato sakin yung dress. "Maligo ka na, we'll wait for you here. Wear that dress bagay yan sayo" Sabi naman ni Clarity habang patango-tango pa. Okay .So what's this? Make over? 

"But----" hindi na nila ako pinatapos sa pagsasalita. "Go go na. Bilis!" At tuluyan na nila akong tinulak papasok sa C.R. Wait. CR ba talaga to? May bath tub sa gitna, may jacuzzi sa right corner, at may chandelier sa C.R for Pete's Sake! May window glass din na tinatapakpan ng puting kurtina.

 "Bilisan mo ha!" Pagkasabi niya non ay sinara na ni Kyla ang pinto ng banyo. Mukang wala na rin akong magagawa. Hinawi ko yung kurtina at tinanaw ang buong Miracle City habang nakakababad sa Bath Tub. Parang kelan lang I'm just a simple servant, ngayon isa na ko sa pinagsisilbihan. Real Quick. After 30 mins. natapos din ako. Sinuot ko yung dress na binigay ni Kyla, masyado tong maganda para sakin.

 Binuksan ko ang pintuan ng C.R at bumungad sakin ang dalawa na kanina pa naghihintay. "Great! Bagay sayo!" Pumapalakpak pa si Clarity habang sinasabi yun."Come here, aayusan ka namin"Sabi ni Kyla at hinila ako tsaka pinaupo sa upuan na nasa harapan ng malaking salamin. 

Kumuha sila ng dalawang pink na suklay at tsaka sinimulang suklayin ang nag fe-feeling walis tambo kong buhok. "Elisha!! Ilang buwan ka bang hindi nagsuklay??!! " Tanong ni Clarity Kyla habang pilit hinihila yung suklay na kumapit na sa buhok ko.

 "Hindi ako mahilig mag suklay" Pagsasabi ko ng totoo. Si Clarity naman parang gusto na umiyak sa hirap na pinagdadaanan. Pilit nyang tinatanggal ang pagkakabuhol ng buhok ko. After 1 hour 35 mins. and 23 secs. natapos din. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Is this really me? Maayos at makintab ang straight kong buhok. May kung ano din silang pinahid sa mukha ko.Moisturizer daw. Inutusan din nila akong pahiran ng lotion ang katawan ko kasi masyado na daw dry. "Wow! You look so gorgeous!!!" Di makapaniwalang sabi ni Kyla. "You are sooo pretty Elisha!!!!" Sabi ni Clarity habang bahagyang inaayos ang buhok ko. "This is not me" I said frankly.Hindi naman talaga ako to. This is not the real me. 

Mukang na gets naman nila ang gusto kong sabihin kaya nagkatinginan silang dalawa. Hinarap nila ako sa kanila. "Elisha, ikaw yan. Matagal nang ikaw yan. Matagal ka nang maganda hindi mo lang alam dahil hindi mo pinagtutuunan ng pansin at ngayong lumabas na ang gandang di mo inakala, doesn't mean nagbago ka. Alright?" Pagpapaliwanag ni Clarity. Di ko alam kung maniniwala ba ko. 

Naramdaman ko ang biglang pagkalam ng tyan ko.

 ----bluurrgghhh---- (Sorry for the sound effect)

 "Oh!! Haha 12:00 o'clock na. Oras na nang lunch. Tara sa Cafeteria." Tsaka kami naglakad papunta sa dapat puntahan. Nagtitinginan lahat ng students sakin. Hindi naman siguro nila ako namumukhaan. Sana. "Look Elisha, pati sila nagagandahan sayo."Gusto ko mang matawa sa sinabi ni Clarity di ko magawa.Kung alam mo lang.

 "No, mali ka, sa palagay ko kaya nila ako tinitingnan ng ganyan dahil-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Inunahan ako ni Kyla. "Yung kinuwento ko sayo dati. Yung sa cafeteria." Tumango naman si Clarity na animoy naalala ang lahat.

 "Wag mo na lang pansinin. Inggit ang sila" Sabi nya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. "Diba yan yung server??? Don't tell me sya yung bagong member ng Miracle Spellers?!" Sabi nung dating gumawa ng pampadulas kaya ako bumagsak sa sahig. "Sya ba yun? Bakit parang nag iba ang pananamit nya? Yuck!" Dugtong nung isa nyang alipores.

 "Sya nga yun!! Gosh! Pano nangyaring nakapasok sya sa group?" Tanong nung isa pa."Baka naman nilandi nya si Blood?" Aktong susugod na si Clarity ng pigilan namin sya ni Kyla. Sya tong nagsabing wag patulan eh. "Sabi mo wag patulan" sabi ko habang hawak parin namin sya."Eh sumusobra na sila!!"Nagpupumiglas na sya. "Hayaan mo na."Pagpigil ko.

Wala nang nagawa si Clarity at sumunod na lang din. Nakarating na kami sa Cafeteria pero nakatingin parin sila. Nakakailang tuloy. Natanaw namin sila Blood, Victor, Blake at Kurt. Nasa pang pituhang table sila. "Oy!! Guys!!Dito na kayo!!!" Sigaw ni Victor. Kumakaway naman si Blake at nakangiti si Kurt. Si Blood? Nakapoker face. As usual. 

Nang tuluyan na kaming makalapit sa table.  Mas tumalim ang titig ng mga kuwago--este tao pala. "Whoah!!! Whoah!!! Whoah!!! Ganda mo naman Elisha! You look gorgeous!" Sabi ni Victor na tumatango tango pa. Sinang-ayunan ang sariling opinyon.

 "You look beautiful Elisha" Biglang singit naman ni Kurt habang nakangiti parin. Ang laki talaga ng pagkakaiba nila ni Blood. Ang cute pala ni Kurt. Hehe. Uuyy !!! Don't get me wrong!

 "Thank you" Medyo naiilang kong sabi. "Ganun parin ah. Nagsuklay lang tsaka nag dress." Pang eepal ni Blood. Kahit kelan talaga kupal sya. "Don't mind Blood gany---" Di ko na pinatapos si Clarity at ako na ang nagtuloy. "Ganyan lang talaga sya kaya pagpasensyahan ko na." Psh. Nagulat naman si Clarity pero natawa rin. "Oo haha." Mukang etong kupal lang talaga ang mahihirapan akong pakisamahan. Hindi ko alam kung pinaglihi ba sya sa stress or what. Hay! 



Miraculous AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant