"Oh my god! Anong nangyari?! At saan ka napadpad?! Alam mo bang nag aalala kami sa'yo?! Ang lawak lawak ng isla na 'to bes! Tapos ngayong gabi mo pa naisipang mag ala Dora the stupida negra explorer?! Bag pack bag pack and where's the map where's the map ang peg?! Adventure galore tayo bes eh gabi na?! Aminin mo nakahithit ka ba?! Gemmy namaaaa--"

"Bago mo ituloy yung panenermon mo sa akin, pwede bang kunin KO muna yung first aid kit? Nakakahiya kasi sa'yo e, nakakahiya sa sugat ko so pwede ba? Pwede bang kunin saglit yung first aid kit saka mo ipagpatuloy yang panenermon mo habang nililinisan ko yung sugat ko?"

"---sabi ko nga."

Ibinaba na ako ni Harold doon sa couch. "Salamat." Tipid lang siyang ngumiti at napatingin ulit sa sugat ko. Hindi ko alam pero na we-weirduhan ako.

Pagkatapos akong gamutin ni Rose, si Oliver ang bumuhat sa akin papunta sa kwarto.

"Salamat ha?"

"Ayos lang." Bago pa siya lumabas pareho kaming napatalon sa gulat. May narinig kasi kaming malakas na kalabog mula sa labas.

"Teka dito ka lang Gem, titignan ko muna yun."

Naiwan akong mag isa sa kwarto pero gusto ko ring malaman kung ano yun. Sinubukan kong tumayo at nangapa-ngapa ako doon sa pader para kumuha ng balanse. Lumapit ako sa bintana at binuksan yun. Wala namang kakaiba?

Wait.

Napatigil ako habang nakatingin doon sa parang anino sa likod ng puno. Anino ba yun? Hindi ako sigurado pero parang may nakatayo kasi doon sa tabi ng puno tapos parang hulma ng lalaki ang pangangatawan niya. Pero siguro namamalik mata lang ako.

Aalis na sana ako kaso biglang gumalaw yung anino. Para bang alam niyang nakatingin ako sa kanya.

Nanlaki ang mata ko at mabilis kong isinara yung bintana. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Niyakap ko yung tuhod ko at sinubukang kumalma hanggang sa may mapansin na naman akong note na nakaipit sa flower vase sa tabi ng kama ko.

Kinuha ko yun at nag aalanganing binasa.

I DON'T LIKE HOW THOSE BASTARDS TOUCHED YOU. YOU ARE MINE. ONLY MINE. YOU'LL SEE.
-H

****

"Paano pala kayo nakapag paalam sa new boss natin na magbabakasyon tayo ng 3 days?"

"Duh siya nga nag sabi na bibigyan niya tayo ng 1 week vacation. Bait diba? Di tulad ni Mr. Tan."

"Sino ba kasi yung bago nating boss?"

"Di ko rin alam e. Basta ang sabi pribadong tao." Nagkibit balikat si Chris at nagpatuloy sa pagnguya ng pakwan.

"Uy Gemma, gusto mong buhatin kita sa labas para makapag sun bathing ka man lang? Nakakabagot kaya dito, halos silang lahat nag e-enjoy sa labas."

Umiling ako. Baka hindi na kamay ni Chris ang mapuruhan kapag hinawakan niya ulit ako. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako pero naniniwala na talaga akong akong bampira si H. Wala na kasi akong ibang maisip na dahilan e. Tulad nung nangyari kagabi, may tao bang kayang gumawa nun?

"Sure ka?"

"Oo. Kainin mo nalang yang pakwan mo doon sa labas baka magkalat ka pa dito."

"Pero---"

"Sige na! Kaya ko na sarili ko." Nang makalabas na siya, humiga ako doon sa sofa. Inaantok ako sa totoo lang kasi hindi ako nakatulog buong gabi. Dahil na rin siguro sa takot isama mo na rin yung sugat ko na humahapdi palagi.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now