(5) #TMMTH2FoodBattle

1K 82 1
                                    

LOUISE'S POV

I'm cooking one of my husband's favorite dishes and that is Adobong Baboy.


Syempre hinding-hindi mawawala sa recipe ko ang pagmamahal ko. Lahat ng niluluto ko ay paborito talaga ni Billy at sarap na sarap siya. Syempre chef kaya 'to although hindi natuloy ang pangarap ko dahil sa nakilala ko ang real Dad ko.


Pero nakapagtapos naman ako sa pag-aaral and I'm planning to take assessment soon para maging professional chef na ako. I'm also planning to build my own restaurant dahil yan talaga ang pangarap ko.


Nang maluto na ang Adobong Baboy ay inilagay ko ito sa isang malinis na tupperware. Alangan namang sa maduming tupperware ko itong ilagay. Hehehe! Waley.


"Tara na Louise." sabi sa'kin ni Fredison.


"Teka, hindi ba natin isasabay si Billy?" tanong ko sa kanya.


"Kanina pa umalis si Billy. Maaga ang simula ng taping nila." - James


"Gano'n ba?"


"Tara na." - Fredison


📌

Nang makarating kami sa location ng taping nina Billy ay pinigilan kami ng isang babae.


"Bawal muna ang fan dito." sabi sa'kin ng babae.


Sa akin lang siya nakatingin at hindi niya napansin sina Fredison at James.


"Asawa siya ni Billy Williams kaya pwede siya." sabi ni Fredison sa babae.


Nagulat naman ang babae nang makita niya sina Fredison at James.


"Kayo pala. Pasensiya na po kayo sa ginawa ko." sabi sa'min ng babae at umalis na siya.


Halatang napahiya siya nang makita niya sina Fredison at James.


"Tara na Louise." - James


Hinanap namin nina Fredison at James si Billy.


At madali namin siyang nahanap dahil nasa set siya ngayon kasama ang ka-loveteam niyang si Samantha. Mukhang nagsisimula na yata ang taping nila.


Pinanood ko muna sila.


"Pwede ba, wag kang lalapit-lapit sa'kin feeling gwapo ka. And don't mess up with the devil." mataray na sabi ni Samantha.


"Ito naman. Gusto lang naman kitang maging kaibigan. Ang sarap mong basbasan ng holy water. Makahingi nga kay Father sa Sunday." sabi ni Billy kay Samantha.


"Whatever. Umalis ka na nga sa harapan ko kung ayaw mong ma-bully sa school ko. Paharang-harang ka sa daan. Shupi!" - Samantha

The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon