(19) #TMMTH2MallWithJameshin

1K 74 3
                                    

LOUISE'S POV

Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakahintay kay Billy. Paggising ko ay wala pa rin siya sa tabi ko. Saan kaya siya natulog?


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-process ng utak ko ang sinabi niya kahapon na makikipaghiwalay siya sa'kin.


Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya? Kailangan ko siyang kausapin.


Pagkalabas ko sa kwarto ay nadatnan ko sina James at Kate na nanonood ng TV. Nagtatawanan sila habang nanonood ng Spongebob Squarepants. Buti pa sila masaya.


*krrriiiiiiiiinnnnnnggggggg!*


Biglang tumunog ang phone ko.


Lumabas muna ako ng boarding para sagutin ang tawag.


"Hello? Sino 'to?" tanong ko sa caller. Unknown number kasi ang tumawag. Akala ko nga si Billy. Nag-expect pa naman ako.


("It's me, Jameshin.")


Bigla namang nanlaki ang mga mata ko.


"I-ikaw? Teka, paano mo nalaman ang number ko?" gulat kong tanong sa kanya.


("I have my ways to get your number.") sagot niya.


"Ha?"


Hindi ko kasi ma-gets ang sinabi niya.


("Ang sabi ko, ang bingi mo. Linisin mo nga yang tenga mo.") sabi niya na ikinainis ko.


"Tumawag ka lang ba para mang-asar? Sinasayang mo lang ang oras ko." tanong ko kay Jameshin.


("Syempre hindi, gusto ko lang ipaalala sa'yo na mamayang gabi na yung Dyosa's Ball. I'll fetch you later at 1pm para ayusan ka.") sagot niya sa'kin.


Oo nga pala, mamaya na pala yung ball. I totally forgot about that.


"Pero teka, pati rin tirahan ko alam mo?"


("Yup.") - Jameshin


"Are you stalking me?" tanong ko sa kanya.


("Of course not.") depensa ni Jameshin.


"Tell me. Paano mo nakuha number at address ng tirahan ko?"


("Nakuha ko lang naman 'to sa asawa mo. You didn't tell me na asawa mo pala si Billy Williams. I've been his fan for four years pero hindi mo man lang sinabi sa'kin.") - Jameshin


"Ha? Fan ka niya? Akala ko ba kalaban mo siya sa showbiz?" nagtatakang tanong ko.


The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. PresentWhere stories live. Discover now