(20) #TMMTH2Ball

1K 73 3
                                    

LOUISE'S POV

I'm wearing my red lava gown at nakatingin ako ngayon sa salamin. Parang masyado yatang exposed ang boobs ko rito.


"Wear this." sabi ni Jameshin sabay bigay sa'kin ang isang mask.


"Ha? Bakit ko naman susuotin 'to?" tanong ko sa kanya.


"Binago ang theme ng ball. Ginawang masquerade." sagot niya sa'kin.


Kinuha ko sa kanya ang mask at sinuot ko ito.


"Sana pala hindi na ako nag-makeup pa." sabi ko kay Jameshin.


"Tatanggalin mo yan pagpatak ng 12 midnight sa harap ng lalaking huli mong makakasayaw." sabi niya sa'kin.


"Talaga? Parang fairytale lang?" tanong ko sa kanya.


"Yeah." tipid niyang sagot.


"Ang corny naman." sabi ko na lang.


"Yeah." - Jameshin


"Dapat ginawa na lang party-party yung ball para mas exciting."


"Yeah." - Jameshin


Puro yeah na lang ba ang sasabihin ng lalaking 'to?


"Tara na nga." sabi ko sa kanya.


At pumunta na kaming dalawa ni Jameshin sa Dyosa's Ball.


- FAST FORWARD -

Pagkarating namin ni Jameshin sa isang hotel kung saan gaganapin ang ball ay konti pa lang ang bisitang pumupunta. Halatang elegante yung ball. Hindi siya puchu-puchu.


Lahat ng mga bisita rito ay nakamaskara rin. Hindi mo sila makikilala pati na rin ang mga celebrities.


Nandito na kaya si Billy sa ball? Hindi ko rin siya makita eh.


"Watch out." - Jameshin


Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Jameshin. Napayakap tuloy ako sa kanya.


May dumaan palang isang waiter sa direksyon ko na may dalang tray na may mga baso at wine. Halatang nagmamadali ito.


Pero napalayo agad ako kay Jameshin nang ma-realized kong nakayakap pala ako sa kanya.


"S-sorry." sabi ko sa kanya.


Hindi naman siya nagsalita at blanko lang ang expression niya. Ano kaya ang nasa isip niya?

The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. PresentTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang