(10) #TMMTH2Plan

1K 78 0
                                    

LOUISE'S POV

Isang linggo na ang nakalipas nang umalis si Billy papuntang Thailand.


I miss him so much.


Simula nung umalis siya ay hindi ko na siya naka-usap pa. Masyado yata silang busy sa taping nila.


"Beeeesssssssssss!"


Napatingin naman ako sa sumigaw.


Si Kate.


"Bakit Kate? May problema ba?" tanong ko sa kanya.


"Tignan mo 'to?" sabay pakita sa'kin ang screen ng cellphone niya.


Binasa ko naman ang nakalagay do'n.



Dyosa Wattpad Stories shared a link

Spotted: Hottest Loveteam Billy Williams and Sam Moore spotted together in Thailand. Are they secretly dating?

For more details: www.facebook.com/dyosaWP

6.9M Reactions • 4M Comments • 1.5 M Shares



Bigla akong nanghina sa nakita ko lalo na nung makita ko ang pictures nila na magka-holding hands.


Binasa ko naman ang mga comments.



Summer Garcia: My new favorite loveteam. #SamLyShipper

Ann Reyes: Nakakakilig silang dalawa. Sana sila na lang ang nagkatuluyan. #SamLyForever

Alex Rodriguez-Lo: Ann, may asawa na yung lalaki. Wag mo na siyang i-ship sa iba.

Ann Reyes: I know Al, pero gusto ko talaga silang magkatuluyan. At isa pa, hindi naman 'to mababasa ng asawa ni Billy.

Stephanie Garcia: Mas maganda si Sam Moore kaysa sa asawa ni Billy Williams na hindi ko na matandaan ang pangalan.

Shancai Salvador: Sana sila ang maging main cast ng Filipino Version ng Meteor Garden kung magkaroon man. I love their chemistry.



Gusto kong maiyak sa nabasa ko lalo na nung mabasa ko ang mga negative comments tungkol sa'kin.

The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. PresentWhere stories live. Discover now