/29/ Her Unexpected Return

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakaramdam kami ng mga yabag palapit sa'min at sabay-sabay kaming napatingin doon.

Halos lumundag ang puso ko nang makita ko si Isagani, nakatingin siya sa akin at wala man lang gulat sa kanyang mga mata. Sa tabi niya'y nakatayo si Zia, at karga ang isang batang babae...

Biglang kumirot ang puso ko nang isipin ko ang bagay na 'yon. Wala mang makapagsasabi sa'kin ng direkta pero nakuha ko kaagad kung ano ang kasalukuyan nilang estado.

Isagani and Zia also had their own child.

*****

THEY told me everything that happened to them six years ago since I disappeared.

Narito kami ngayon sa isang conference room upang pag-usapan ng pribado ang mga dapat naming pag-usapan. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong 'to na sabihin sa kanila ang plano ko na hindi natuloy six years ago.

Noong nalaman nila ang balita tungkol sa plane crash ay tinangka nilang hanapin ang aking katawan subalit nabigo sila. Sumunod na namayapa si Don Vittorio dahil sa karamdaman kung kaya't pumalit sa kanyang posisyon ang anak na si Vit. Ang akala nila noon ay titigil na ang operasyon dahil sa protesta ni Dr. Richmond Morie na walang mga Peculiar ang dinadala sa kanyang laboratoryo maliban sa kanila.

Subalit nagbago ang lahat nang dumating ang mga kasama ni Memo, isa ring mga Peculiar kung kaya't naengganyo muli si Dr.Richmond Morie. Kalauna'y naging kakaiba ang mga pangyayari, pumirma si Vit at Dr.Morie sa proposisyong gagawing board members ang mga Peculiar na dinala ni Memo.

Silang anim nama'y nagkaroon ng kanya-kanyang tungkulin sa Memoire. Hindi na sila naghanap ng mga Peculiar, naging sunud-sunuran sila sa mga misyon na binibigay sa kanila ni Memo. Sa loob ng anim na taon ay nakulong sila sa MIP at hindi basta-bastang hinahayaang makalabas.

Natapos ang kanilang pagsasalaysay at nanatili lang akong nakatingin sa kawalan.

Ibig sabihin sa loob ng anim na taon ay hindi pa rin kumikilos si Memo sa tinatawag niyang pagsakop ng sanlibutan? Anong hinihintay niya? Pero parang mas nakahinga ako ng maluwag nang malaman na wala pang nangyayaring masama, ibig sabihin hindi pa huli ang lahat, maaari ko pa siyang mapigilan.

"Sigrid?" kung hindi ko pa narinig ang pagtawag ni Annie ay hindi ako magbabalik sa kasalukuyan. "Ikaw? Anong nangyari sa'yo?" Ngayong tapos na silang magsalaysay ay ako naman ang dapat maglahad sa kanila, pero sa tingin ko hindi muna nila kailangang malaman kung anong nangyari sa akin sa El Salvador.

"Kailangan kong ipaalala sa inyo ang nangyari six years ago." hindi ko maiwasang masulyapan si Zia at Isagani pati ang kanilang anak. Hindi rin maiwasang manikip ang dibdib ko.

Sigrid, hindi ito ang oras para magpadala ka sa damdamin mo. Nandito ka para sa mas mahalagang misyon.

"Anong nangyari? Six years ago?" tanong ni Kero.

"Nakita na ni Isagani ang hinaharap," tumingin ako kay Isagani at nakita ang mga mata niyang walang buhay at kaagad ulit akong tumingin sa kanila. "Kasama ko kayo noon sa airport pero napigilan ni Memo ang plano ko noon."

"Ha? Kasama kami sa airport?" naguguluhang sabi ni Annie.

"Six years ago, pumayag kayong sumama sa akin dahil sa nalaman niyong mga mangyayari sa hinaharap. Memo is evil, he will conquer this world using Peculiars and there will be no left for humanity," hindi sila nakaimik nang sabihin ko 'yon at nagpatuloy ako. "I came back because I need to stop Memo. Kailangan ko ng tulong niyo, let's fight him... together."

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon