/14/ He Can See the Future

122K 4.4K 653
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I can't sleep.

Natatakot akong ipikit ang aking mga mata, hindi ko alam kung dahil pa rin ba kay Andrea o dahil sa mga nalaman ko kay Memo kanina. My father is not well, I want to see him and Memo promised me to take me home for a visit. I can't quit now, dahil ang Night class ang nagsisilbing life line ko sa Atlas University.

Kahit na medyo masama pa rin ang loob ko kay papa dahil sa hindi niya 'ko pinakinggan noon na hindi ako nasisiraan ng bait, gusto ko pa ring tuparin ang mga pangarap niya sa'kin, ang makapagtapos ng pag-aaral, iyon ang kabayaran ko sa pagkupkop nila sa akin. Ayoko munang bigyan pa sila ng aalalahanin, at alam kong marami silang isinakripsiyo para lang ipadala ako sa eskwelahang ito na ikinasasama ng loob ni Ate Sara.

Bumangon ako at dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko ang pinto at sinigurong hindi iyon maglilikha ng ingay. Nang makalabas ako'y tahimik na tahimik na ang buong paligid. Pasado alas-onse pa lang ng gabi kaya hindi ko sigurado kung tulog na ba sila. Pinapagitnaan ngs silid nila Annie at Ruri ang aking kwarto, mukhang tulog naman na sila kaya bumaba ako sa common room. Madilim na madilim pero buti na lang may liwanag mula sa labas ng bintana ang tumatanglaw kahit papaano. Namalayan ko yung sarili ko sa pintuan palabas ng dorm.

What are you doing, Sigrid? Tanong ko sa sarili ko.

I don't know why I'm sneaking out. Nakalabas ako ng dorm at tumambad ang mahabang hallway. Creepy pero buti na lang hindi ako ganon ka-matatakutin sa mga multo. And then...

I sensed someone.

Sa may training room. Dali-dali akong pumunta roon at sumilip mula sa pintuang nakaawang. Patay ang mga ilaw pero may tao sa loob. Sa may mesa malapit sa malaking bintana ay may nakaupo, nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang itsura niya, pero alam kong siya 'yon. Si Isagani.

What are you doing, Sigrid? Parang pinipitik ako ng kunsensya ko sa gagawin ko. But I got curious... I... peek into his mind but... I hear nothing.

What? How? Wala akong mabasa sa isip niya?

"Alam kong nandyan ka," nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa kinaroroonan ko, kitang-kita niya 'kong nakasilip, nakaupo siya malapit sa may bintana. "Come in." too late. Wala na kong nagawa kundi pumasok.

"Sorry, hindi ko naman sinasadyang abalahin ka," nahihiya kong wika. "Sige—"

"Can't sleep?"

Napatango lang ako pero nakatayo lang ako sa kinaroroonan ko habang nakatingin sa kanya.

"Upo ka." sumunod naman ako sa kanya at umupo ako, may limang upuan ang namamagitan sa aming dalawa.

Namayani ang katahimikan at tila nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino ang magsasalita, una kong napansin na hindi 'ata siya naninigarilyo ngayon. Tumikhim bigla si Isagani.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon