Chapter 3

1.8K 118 12
                                    

Chapter 3


Papunta sina Ash Lear at Sigrid sa conference hall para umattend ng symposium nang makasalubong nila si Ms. Samantha Fabray sa hallway.

"Hi, Lear," bati nito. 

"Hi," tipid at tila walang ganang tugon ni Ash Lear. 

Ngunit hindi niya inalis ang tingin dito lalo’t sa loob-loob niya ay tila may itinatago ang ngiting ‘yon ni Sam Fabray.

"Hi, Ms. Sam!" magiliw namang bati ni Sigrid.

"Hi! You're the captain of the women's football team, right?"

"Magkakilala kayo?"

"Yes. Siya ang bagong assigned doctor ng school natin. Nakilala ko siya kahapon nang dalhin ko si Jas sa clinic dahil sa biglang pagka-sprain ng paa niya."

Tiningnan ni Ash Lear ang doktor para hingin ang kompirmasyon nito.

"Yes. Ms. Caroline appointed me here," anito.

"I see."

Lihim siyang napaismid. Hindi na siya nagtataka na kagagawan ’to ni Caroline De Beauchamp. Ramdam niyang gagawa ito ng paraan para mapalapit sa kanya si Samantha, and who knows, baka ito rin ang gagawin nitong mga mata para mabantayan siya sa mga pinaggagawa niya.

***



"This is why I don't like to be early. Ayoko nang naghihintay," wika ni Ash Lear pagkarating nila sa conference hall. Halos kalahati pa lang ang narito.

"Ayos lang 'yan. At least makakapili ka ng magandang pwesto para matulog," ani Sigrid at pumunta sila sa pinakadulo.

Lihim siyang natawa dahil alam nito kung ano ang gagawin niya sa nakakabagot na symposium na 'to. 

Sino ba naman kasi ang may pakialam sa history? It's an obsolete thing. Hindi na dapat pinagkakaabalahan pa kundi ay hinahayaan na lang sa nakaraan. Mas importanteng mag-focus sa nangyayari sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Isa pa, simula't sapul ay ang tungkol lang naman sa mga kadakilaan daw ng mga maharlikang angkan ang tungkol sa kasaysayang laman ng bawat history book, at paulit-ulit na kinukuwento at inaaral sa bawat eskwelahan. Kaya naman ang symposium na ito ay isa lamang pag-aaksaya ng panahon.

Hindi nagtagal ay napuno rin ang conference hall at dumating din ang speaker, si Amanda von DeVere. Sinalubong ito ng mga guro at nakipagkamay rito. Kagalang-galang ang ayos at madunong ang unang impresyon niya sa babaeng aristokrata. 

Though, it still doesn't make history an interesting topic for her.

Ilang sandali pa ang lumipas ay hindi pa rin nag-uumpisa ang symposium. Kahit naka-set up na ang lahat ay nanatili pa rin si Amanda sa kinauupuan nito at nakikipag-usap sa head ng school. Parang may hinihintay pa ang mga ito.

Pinatong niya ang bag sa desk at inunan 'yon. Pumikit siya pero hindi pa man siya nakakaidlip ay niyugyog siya ni Sigrid.

"Oh my!" narinig niyang wika nito. 

Nag-angat siya ng tingin dahil parang may kakaibang nangyayari.

"The nobles are here to attend!"

Nakumpirma niya 'yon nang makitang pumasok ang ilang mga kagalang-galang na pigura na napapaligiran ng mga bodyguard. Doon lang din niya napansin ang mga naka-suit na nagkalat sa gilid ng conference hall.

Then, nag-umpisa nang magsalita si Amanda von DeVere at binati ang mga representative ng noble houses. Nakita pa niya roon si Caroline bilang representante ng De Beauchamp. Pinagmasdan rin niya ang mga katabi nito na malamang ay representative pa ng ibang noble houses; ang Rykkin, Van Zygmunt, Visconti, Lanarkis, Frimer at Montblanc

The Void CenturyWhere stories live. Discover now