Chapter 2

1.8K 112 6
                                    

Chapter 2

"Ali, 'di ka ba sasama sa amin?" tanong ni Sigrid kay Ash Lear nang mapansin nito ang huli na naglakad sa kasalungat nilang direksyon habang hila ang bisikleta. Pupunta kasi ang buong team ng Montblanc sa isang mamahaling restaurant pagkatapos ay sa sing-a-long para ipagdiwang ang kanilang pagkapanalo, ngunit ang kanilang ace player ay mukhang hindi na naman sasama.

"No, Captain. 'Pag nanalo na tayo sa finals kesa na ako sasama," wika nito at tinalikuran na si Sigrid. Ni hindi na ito nagpaalam pa sa coach at sa ibang ka-team. Gayunman ay balewala na ito sa kanila dahil mula't sapul ay ganito na ang ugali ni Ash Lear, sanay na sila.

Samantala ay isinuot ni Ash Lear ang earphones at nagpatugtog mula sa phone. Nang makarating siya sa kanto ay sumakay siya ng bisikleta at tinahak ang daan pauwi sa apartment na tinutuluyan niya sa siyudad. Ilang kilometro ang layo nito sa stadium pero balewala 'yon sa kanya kahit bisikleta lang ang gamit niya.

Buhay na buhay ang siyudad kahit gabi na dahil sa mga upbeat na musika sa magkakabilang establisimento at nagkikislapang ilaw na may iba't ibang kulay kasama ang ibang palamuti na makikita kahit saang direksiyon tumingin. Isang beses lang itong mangyari at iyon ay tuwing sasapit ang anibersaryo ng pagkakatatag ng bansa. Kahit ang mga tao ay nasa labas pa at nakakalat sa siyudad at nakikiisa sa mga aktibidad tulad ng tanghalan, dula o kung anu-ano pa. Kung tutuusin ay mas magarbo ang pagdiriwang ng anibersaryo ngayon dahil ang taong ito ay ang ika-isang libong taong pagkakatatag ng bansa. Isang milenya na ang nakalipas mula nang itatag ito ng pitong maharlikang angkan.

Sa kabila ng napakaraming tanawin sa siyudad ay isang lalaki na nasa limampung-taong gulang ang nakakuha ng atensyon ni Ash Lear. Binagalan niya ang takbo ng bisikleta hanggang sa huminto na siya at itinuon ang atensyon sa lalaking nasa gilid ng plaza. May hawak itong mga placard ngunit hindi niya iyon pinag-aksayahan ng panahon lalo pa't hindi niya naman mababasa ang mga nakasulat doon. Ang nakakuha ng atensyon niya ay ang pagsisigaw nito lalo pa't ang ibang tao ay pinagtatawan ito. Tinanggal niya ang earphone sa kanang tainga para marinig kung anuman ang pinaglalaban ng lalaki.

"Nalalapit na ang katapusan! Muli silang babangon dala ang bagyo ng kawakasan at walang magagawa ang mga maharlika! Tutupukin tayong lahat ng nagngangalit na apoy!"

"He's crazy, dude!" wika ng isang binatilyo sa kasama nito.

Nagtatawanan ang mga itong dumaan sa harapan ni Ash Lear.

'Yeah, he's insane,' sa isip niya.

Muli niyang pinaandar ang bisikleta ngunit agad din siyang napapreno nang marinig ang dalawang katagang isinigaw ng lalaki. Nilingon niya ang lalaki na ngayo'y kinakaladkad na ng mga pulis dahil sa mga kakatwang ipinagsisigawan nito.

Naalala niya ang kakaibang pangyayari kanina sa gitna ng laro lalo na ang mga katagang parang ibinulong ng hangin.

Ang Alpha at Omega.

"Tch."

"Poor guy."

Napalingon siya sa nagsalita. Nakita niya ang isang matangkad at magandang babae na malapit sa kanya. Simpleng blouse at pants lang ang suot nito na pinaresan ng flat sandals. Gayunman ay hindi kayang itago ng simpleng ayos nito ang aura at tindig ng pagka-aristokrata nito. Idagdag pang ang samyo ng gamit nitong pabango ay mamahalin.

Lumingon ang babae kay Ash Lear at malapad na ngumiti. "Sa tingin mo ba ay may katotohanan ang mga sinabi niya?"

Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Ash Lear at hindi ginantihan ang bati ng kaharap. Nagkibit-balikat pa siya bilang sagot sa tanong nito.

"Who knows? At saka totoo man o hindi, walang may pakialam," wika pa niya at muling pinaandar ang bisikleta.

Binilisan na niya ang takbo. Hindi na rin siya nagtingin o nagliwaliw sa siyudad para makauwi na siya ngunit nang patawid na siya ng kalsada ay hinarang siya kasama ng ibang mga motorista ng ilang traffic enforcers.

The Void CenturyWhere stories live. Discover now