C17: Betrayals

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumingin ako sa kanya. Napangiti na lang ako nang nakita ko na mas lalo siyang nagalit sa akin.

"Ang karugtong ng taling ginamit sa biktima. Nasa bag mo noong mga panahon na yon diba?" ngumiti muli ako. Para akong nakikipagasaran sa isang bata.

Ilang sandali ay nakita kong ngumiti siya.

"Ano naman kung alam mo? Wala ka nang magagawa. Nasa kamay na namin ang buhay mo. Akalain mo yon? Mapapatay ka ng isang tulad ko?"

"Papatayin mo ako?" 

"Oo!" nakatingin pa rin siya sa akin nang ubod ng sama.

"Talaga lang ha?" ngumiti lang ako muli.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?!" muli niyang isinigaw.

"Alam na ng tauhan ko ang lahat.Ang tungkol sayo, tungkol sa ginawa mo at kapag nalaman nila na sa school nyo ako nawala.... hindi ba ikaw ang unang pagbibintangan?" sabi ko habang naglalakad muli sa paligid niya. Pwede naman akong magsinungaling ngayon diba? dahil ang totoo, ako pa lamang ang nakakaalam sa mga ginawa niya.

Nanahimik siya ng ilang sandali habang nakayuko. Napangiti na lang muli ako hindi ko alam na magiging masaya pala ito. Kinuha ko ang martilyo sa sahig at binigay sa kanya."Sige ipukpok mo na sa akin." Inaabot ko pa rin sa kanya ngunit ayaw niyang tanggapin. "Natatakot ka? Tignan natin kung hanggang saan kayo mapoprotektahan ng batas."

Napatingin ako sa pinto dahil sa may pumasok na isang babae. Hindi siya masyadong matangkad, maputi at shoulder length lang o medyo mahaba pa doon ang buhok. Agad naman siyang lumapit sa taong nasa harap ko at hinawakan ang balikat nito.

"It's about time. Tapos na tayo kay Rain. Magpahinga ka na, ako na ang bahala rito." At tumingin siya sa akin. Isang nakakalokong tingin. Umalis naman agad ang kausap ko kanina at naiwan kaming dalawa ng babaeng ito sa kwarto.

"Chief, ikaw pala." Bati niya sa akin. "Naalala mo pa ba ako?" may mga patak ng dugo siya sa damit at mukha niya. Napansin ko  rin ang hawak niyang malaking tanikala. Nakapalupot ang magkabilang dulo nito sa dalawa niyang kamay at hinahatak hatak ito na para bang mayron siyang ikukulong na malaking baboy.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Mukhang di mo na ata ako kilala."  Umupo siya sa harap ko hawak pa rin ang tanikala. "Eh si Sir Brian.. naalala mo pa ba?"

Nanlaki ang mga mata ko noong naalala ko ang librarian na walang awang pinatay... siya ang pumatay? Narinig ko siyang tumawa... mahina ngunit nakakakilabot. Pigil na pigil ngunit nakakapagpataas ng balahibo.

"Kilala mo na ko?" nakangiti niyang sinabi. "Haaay talaga naman." Tumayo siya at naglakad habang ako ay naiwang nakatayo. Bigla siyang tumigil sa harapan ko at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa tanikala.

Papalapit siya nang papalapit.

"Kailangan mo nang magpahinga... tanda."

Ang huli kong narinig sa kanya.


Vince's POV

Inilagay namin si Rain sa isang madilim na kwarto sa isang abandunadong gusali. Hindi pa siya nagigising. Nawalan siya ng malay kanina noong binugbog ko siya. Hindi ko napigilan ang galit ko. Hindi ko nakontrol ang sarili ko.

Umalis ako ng sandali upang bumili ng yosi. Walang masyadong tao sa paligid maliban sa mga pumapasok sa isang malaking bar sa harap. Tumingin muli ako sa paligid, wala bang tindahan dito? Pakshit naman oh. Kung kelan ko kailangan doon naman wala.

Lumapit ako sa isang bouncer.

"Boss, may yosi ba kayo diyan?" tanong ko sa kanya. Binigyan naman niya ako ng isang stick at inilabas ko ang lighter na nasa bulsa ko at sinindihan ito. "Salamat boss!" sabi ko. Tumayo muna ako doon sa may harap ng bar habang hinihithit ko ang sigarilyo.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon