Chapter 21 Getting To know Parents Part 1

2.3K 35 7
                                    

Chapter 21 Getting To know Parents

                Dumating kami sa bahay nila Vincent at nakita kung abala ang kanyang magulang at mga kasambahay.

Nang makita kami ng mommy ni vincent ay bumati kaming dalawa. "Magandang gabi po ma'am." bati ko habang hawak hawak ni vincent ang kamay ko.

"Magandang gabi namn sayo hija." bati sa akin ng mommy nya.

"Saan si Dad, mom."

"Nasa kwarto pero pababa na rin yun. Ah..hijo pwede ba kitang makausap sandali." saad ng mommy ni Vincent tsaka siya hinila sa kusina at nagusap. Tinignan ko ang mga painting at mga picture na nakadisplay sa sala nila ng marinig ko ang boses na nang galing sa itaas.

"Ikaw pala Hija." gulat kung sabi ng matanda.

"Kamusta na ang daddy mo, ang tagal na naming hindi nagkikita. When did you arrive from states?" gulat akong sabi ng daddy ni vincent.

"Po?"

"oh im sorry, tito anton, call me tito anton at tita carla." agad nitong sabi pero gulong gulo pa rin ako. Kasi kilala nila ako.

"Hija sabi kasi ng dad mo umalis ka raw pumunta ng states. Sayang namn ipapakilala ko sana sayo ang anak ko. Mabuti namn at pinapunta ka ng dad mo ngayun dito. Kasi sabi nya kanina baka daw hindi ka makarating."

"Nagkausap po kayo ni daddy kanina?" gulat pa ring tanong ko. "oo wait sandali sino ba kasama mong dumating hija?" tanong nito

"Si Vincent po." nakita ko ang reaction nya parang gulat din siya. Hindi ata nya inaasahan na darating ako sa bahay nila.

Biglang lumabas sa kusina ang magina.

"oh Dad nakilala mo na pala ang girlfriend ko." nagkatinginan ang mag asawa sa binalita ni vincent sa kanila.

"Girlfriend mo si Lucille?" biglang tanong ni tito anton sa anak nito na pati si Vincent ay nagulat rin sa tinuran ng kanyang ama sa kanya.

"Opo nagkakilala po kami sa manila. Alam nyo po bang love at first sight ang nangyari sa amin sa manila."

"oh really, sige lets have dinner at ikwento mo sa akin yang love story nyo, mukhang maganda." sabi ng daddy nya. Bigla kung hinila si Vincent para magpahuli sa pagpunta sa Kusina.

"Anong sinasabi ng daddy mo."

"Na ano?" tanong nito.

"Hindi mo alam na magkakilala ang parents natin?"

"Hindi, kasi nong nagkita tayo 5 years akong nawala dito sa pilipinas at nag aral sa states, pinauwi lang ako ng daddy dahil kinailangan nyang may kasama sa company." i sigh at biglang na ngatog ang tuhod ko.

"at sinabi rin nya na may ipapakilala daw sila sa akin na Babae pero hindi ko gusto dahil nga sawang sawa na ako sa kakareto nila sa akin."

" Na ako ang nirereto sayo ng magulang mo, Ako ang babaeng sana ay nakilala mo pa a year ago." biglang lumapit sa akin si vincent at niyakap ako sa likod..

"Dahilan yan para pagtagpuin nga tayo ng tadhana, tignan mo hindi mo kasalanan ang nangyari sa ate ko, dahil matagal ng tanggap ng magulang ko ang nangyari, sila nga alam ng familya ko at familya mo dahil kay kuya franco. Kaya wag ka ng mag alala. Halika na masama ang pinaghihintay ang future in law mo." sabay halik sa labi.

"Kamusta ka na pala Hija, So hindi totoo na nagpunta ng states?" tanong ng daddy ni vincent sa akin.

"Pasensya na po kayo, hindi ko namn po kasi alam na anak nyo pala itong si vincent, sana naiintindihan nyo po kung dati po ayoko. Hindi ko po kasi gustong pinipilit ako ng magulang ko."

"oh no worry hija, maski nga itong anak kung ito hindi ko mapilit pilit na makipagdate sa mga nirereto ko."

"Tsaka po kasi y-yung pong...ah nangyari.." biglang pinisil ni Vincent ang kamay ko.

"Kinakabahan lang po siya mom, she didn't expect kasi na ganito ang mangyayari." tapos tumingin sa akin at ngumiti.

Pagkatapos naming kumain ay tumawag ako sa mansion na dito sa bahay nila Vincent ako matutulog. Pagkababa ko ng phone at may biglang yumakap sa akin.

"hindi ka ba makatulog?"

"Hindi pa kasi ako inaantok, tsaka iniisip ko kung paano kaya  nong time na hindi ako umalis at sinunod ko ang parents ko, makikilala pa kaya kita.?"

"Naku sympre namn..hindi mo kaya kayang tiisin ang charm ko sayo, kasi Pagtatagpuin pa rin tayo ng tadhana, tignan mo nga ngayun. mukhang matutuloy ata yung binabalak ko."

"Anong binabalak mo?"

"Basta malalaman mo nalang. i love you."

"i love you too Vincent." and he kiss me passionate.

Vincent-

Pagbaba ko sa sala ay naabutan ko ang parents ko na nakaupo doon.

"Anak so anong plano ninyong dalawa ni lucille gayong nagkakilala na kayong dalawa."

"Hindi ko pa po alam dad, Sa nakikita ko mabait namn po siya sa akin." tumayo si dad at tinungga ang baso ng alak sa kamay nya.

"Wag mong sabihing nahuhulog na nga ang loob mo sa babaeng yun, baka nakakalimutan mo siya ang pumatay sa kapatid mo."

"Nestor ang puso mo. Siguro namn ginawa ng anak mo ang kailangan nyang gawin, ibigay mo na sa kanya ang desisyon wag na tayong makialam pa."

"itong tandaan mo Vincent pag pumalpak ka pa jan, ipapatapon na talaga kita sa america Wala ka talagang silbi." umakyat na silang dalawa ng mama ko sa kwarto nila at ako naiwan sa sala at hindi pa rin kumikilos sa nangyari. Yung ang tunay na kulay ng daddy ko pagdating sa familya, kung dati nagiging mabait pa siya sa akin. Dahil nasa harap kami ng mommy ko. Pero pag hindi nya napigilan sasabog na lang siya. katulad ngayun.

FLASHBACK-

4 years ago

            "magbabayad ang familya nila sa pagkamatay ng anak ko" ganyan ang litanya ng daddy ko ng mamatay si ate.

"Wag po kayong mag alala dad, tuturuan ko ng lection ang bunsong kapatid nya."

Nang magkita kami ni Lucille sa airport kasabay ko siya sa eroplano ng araw na iyon, katabi pa nga nya ako sa plane.  Dahil kasama lahat sa plano yun, pati na ang panliligaw ko sa kanya. Ayaw kung suwayin ang daddy ko dahil alam kung mabibigo na namn ako. Mabuti nga ngayun ay pinagkatiwala na nya sa akin ang companya.

Sana matapos na ito.

*******

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Where stories live. Discover now