Chapter 6 No Choice

4.5K 57 11
                                    

YES....thank you po ng marami sa naging feedback nyo sa last chapter ng story ko...subrang happy po talaga ako at naging maganda po ang mga comment ninyo, surbrang na inspired akong gumawa ng chapter 6....

please leave a COmment, and VOTE PO... FOLLOW na rin  po ninyo ako...

THANK YOU SA MGA NAG ADD SA KANILANG READING LIST ANG YOU AND ME AGAINST REALITY...

HAPPY READING EVERYONE....

****************

Lucille's POV

Habang nagdrive si vincent ay panay ang sulyap ko sa kanya, minsan nahuhuli ako ni vincent kaya nahihiya na ako tumingin sa kanya.

Biglang nanlamig ang katawan ko dahil sa aircon ng kotse nya, wala pa namn akong dalang panglamig.

"Ito isuot mo muna para di ka lamigin" sabi nito at binigay nya sa akin ang jacket nito.

"No okay lang ako" sabi ko pero nilapag na nya ang jacket nga sa lap ko, kaya wala na akong nagawa kundi kunin ito at isuot.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa pasay.

"Saan dito ang bahay ninyo?" Tanong nya.

"Liko ka nalang jan sa unang kanto." Sabi ko

Pagliko nya ay nagpababa nalang ako sa may di kalayuan.

"Sigurado ka bang dito ka nalang malakas pa ang ulan" sabi nito

"Okay na ako dito"

"Sige na ihahatid na kita," pagkasabi nito ay hindi na ako nagpapigil tinuro ko na kung saan ang apartment ko.

Pagpasok ng kotse ni vincent sa loob ay nakita ko na agad ang kotse ni jonard.

"Nandito na siya?" Mahinang sambit ko.

"Sino?" Agad na sabad ni vincent.

"Ahh si jonard friend ko"

Bumaba na ako tsaka nagpaalam sa kanya.

"Gusto mo bang pumasok muna para magkape" pag anyaya ko sa kanya.

"Sana hindi na" mahinang sambit ko.

"Naku wag na pagod ka sa first day mo kaya i will let you rest. I'll see you tomorrow"

Sabi nito tsaka nya pinaharurot ang kotse nito.

Nang hindi ko na ito makita ay bigla akong nagulat dahil may umakbay sa akin.

"Kamusta namn ang unang sakay mo sa loob ng kotse ng BOSS mo?" Tanong ni jonard sa akin habang nakangiti ito sa akin.

Paglingon ko ay pinaghahampas ko siya.

"You did this on purpose didn't you?" Sabi ko.

"Sabihin na natin na, umaayon lang sa lahat ang mga gusto ng isang baklang katulad ko"

"Yeah!!!!! I hate you.."

"Oi kay Mr. Gwapo ba yang suot mo?" Tanong nya. Nakalimutan kung isuli sa kanya.

"Pinahiram lang nya sa akin dahil sa nilalamig ako,"

"Galing mo talaga girl!!"

"Che!! Mauna na nga ako sayo.. Ewan ko sayong bakla ka, sabi mo gagabihin ka ng uwi kaya di mo ako nasundo yun pala planado mo ang lahat." Sabi kung ganon tapos naglakad palayo sa kanya.

"Hindi noh!! I'm actually on my way to pick you up, but then nakita ko siyang kinakausap ka kaya naisip ko bakit di nalang siya ang maghatid sayo" sigaw ni jonard at napahinto ako sa harap ng pinto ko.

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Where stories live. Discover now