Chapter 16 Sweet Gesture

2.9K 50 7
                                    

Chapter 16

                “Hoy Girl… Gumising ka na jan baka malate ka sa trabaho mo.” Yugyog sa akin ni jonard habang nakapikit pa ang mata ko. “Anong oras na ba?” ano na bang oras, di ko kasi namalayan na parang inumaga pa kami ni Vincent sa kakakwentuhan sa baba, ayaw pa nyang umuwi kaso pinilit ko nalang.

 “7:30 na po kaya, Pinapagising ka nga ni tita dahil hindi ka na daw napunta sa bahay, kaya sabi ko baka inuwi na ni Vincent sa kanila.” Nagulantang namn ako ng sinabing 7:30 kaya dali dali akong bumangon at nagpunta ng banyo.

“Mauna ka na bakla, mag taxi nalang siguro ako.” Sabi ko sa kanya pero nagsalita siyang muli. “Ano ka, ginising lang kita dahil nanjan na sa baba yung sundo mo.” Sigaw nya sa akin. Bigla akong nahimasmasan sa sinabi nya.

Pagbaba ko nakita ko si Vincent na nagbabasa ng Diyaryo.

“bakit di ka man lang nagpasabi na susundo ka, sorry na late ako ng gising.” Sabi ko at bigla siyang tumayo at lumapit sa akin at hinalikan sa labi. “namiss kasi kita ehh, kaya bumalik ako, di kaya ako nakatulog kanina, kasi gusto kasama kita. Sabi ko namn kasi sayo sana di mo na ako pinauwi.”

Bigla ko siyang kinurot dahil nasa sala pa si Jonard at hinihintay kaming dalawa na matapos.

“tara na baka malate tayo, alam mo namn ang tito mo pag nakikita ako nag iinit lagi dugo nya sa akin.” Sabi ko sa kanya tsaka kami lumabas at nagpaalam kay jonard na ang haba ng nguso.

Nasa loob na kaming dalawa ni Vincent ng madaanan namin ang isang billboard ni shen kasama ang current boyfriend nito na si Crawford.

“ang ganda ganda talga ni Shen ano.” Sabi ko sa kanya. Hinawakan nya “mas maganda ka, tignan mo oh, mukha palang ikaw na. kaya love kita eh.”

“sus binola mo pa ako. Ay siya nga pala, tumawag sa akin yung Company ng kaibigan mo sa japan. Approved na daw ang mga materials para sa itatayong mall doon. At pinapatanong nya kung kailan ka daw pupunta.”

“gusto mo bang sumama sa japan?” tanong nya, bigla akong na excite. “loka marami akong gagawin, alam mo nasa atin ang mga mata ng tao sa company, ayaw ko namng sabihin nilang favorite mo ako.”

“Eh favorite namn talaga kita. Kasi ikaw ang mahal ko.”

“tsaka may pinapagawa ang tito mo sa akin, gusto nya matapos ko ito by next week.” Biglang tumingin sa akin ni Vincent na nagtatanong.

“hindi ko nasabi sayo na kinausap ako ng tito mo last 2 weeks ago, at sinabi nyang gumawa daw ako ng proposal para sa ipapatayong branch ninyo sa Visayas.”

“so hindi ka makaksama sa akin sa japan?” sabi nya sabay pangsimangot. Alam kung nagtatampo siya gustong gusto nya kasi akong isama lalo na at taglamig doon.

“next time, marami pa namng pagkakataon diba, basta behave ka lang doon ah.” Sabi nito at nagpark na siya. Bumaba namn ako at nauna ng pumasok sa loob.

Pagdating ko sa table ko ay nakita ko ang isang bulalak na nakapatong sa mesa ko. Tumingin ako sa labas at saktong dumaan si Vincent at sabay kindat sa akin.

Pagkaupo ko ay nag beep agad ang phone ko at nakita kung kay Vincent galing ang message.

From: Vincent.

        Wag masyadong magtrabaho ah, nandito lang ako, lunch tayo later. Love you.

Reply: Me..

             Okay ikaw rin…love you u 2 mahal ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala dahil ngayun kami na ni Lucille. Hindi namn ganito dati nong naging kami ni shen, lagi siyang busy at nawala ng oras sa akin. Marami sana kaming pagkakataon kung hindi lang sa lintik ng trabaho siya, naging malaki ang ulo nya mula nong sumikat siya at nabigyan na ng magaganda project sa Showbiz.

Biglang may kumatok sa pinto ko.

“pasok” pumasok sa loob si Lucille at dala dala nya ang kape ko. “you don’t have to do this, mapapgod ka lang.” sabi ko sa kanya at hinila ito at umupo siya sa lap ko. “ano ka ba Vincent. Baka may makakita sa atin dito?” sabi nya habang nagpipigil akong tumayo siya.

“wala namang masama diba, girlfriend kita at boyfriend mo ako. Gusto mo ipagsigawan ko pa.” sabi ko pero biglang kumunot ang noo ni Lucille. “yan ang wag na wag mong gagawin, tsaka na natin sabihin sa kanila. Pag nagkaayos na kayo ng tito mo. Alam mo namn na subrang init ng dugo sa akin non, ayaw ko namn na mamaya mag away pa kayo dahil sa akin.” Sabi nya tsaka siya tumayo. “sige mauna na ako, magkita nalang tayo mamaya sa baba malapit dito sa office may masarap na restaurant doon gusto kung matikman” pagkasabi nito ay lumabas na siya.

“Bukas na ang alis ko, hindi ka ba talaga sasama sa akin, pwede ko pa namn ipahabol ang ticket mo” sabi k okay Lucille habang kumakain kami sa isang restaurant malapit sa apartment nila. “ang kulit mo talga Mr. Lopez sabi ng hindi diba, at tsaka hindi ka namn siguro magtatagal doon. Pangako hindi ako titingin sa iba kahit na alam kung marami pa nman mas gwapo  jan.” napasimangot ako pagkasabi nya.

“joke lang namn ikaw namn hindi ka na mabiro. Oh ito, alam kung malapit sa japan,” nilabas nya ang isang scarf. “ginawa ko yan matagal na kaso di ko namn ginamit nong nagpunta kami sa states dahil summer.” Kinuha ko ito at nilagay sa  leeg ko.

“bagay ba?” tanong ko sa kanya, sabi ko at bigla siyang lumapit sa akin at inayos ito. Subrang lapit ng mukha nya sa mukha ko at di ko napigilan na halikan siya. Nagulat siguro siya sa ginawa ko dahil kinurot nya ako at hinampas hampas.

“masakit yun ahh.” Sabi ko sa kanya habang nag tatampo ang mukha ko. “kasi namn wag mo akong binibigla. Alam mo namn kasing magugulatin ako.”

“sorry na…” hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at dinampian ng halik ang labi nito. “mamimiss kita” bulong ko sa kanya.

“mamimiss din namn kita ehh. Basta behave wag na wag titingin sa iba, kundi hindi ka pa nakakababa  ng eroplano ipapasalvage na kita.” Biro nyang sabi tsaka tumawa ng tumawa.

“grabe namn yun. Kahit pababain mo muna ako ng eroplano at Makita ko.” Sinakyan ko na ang kalukuhan nya.

“halika na nga ihahatid na kita, pwede ba magstay sa apartment mo? Hanggang 12 lang please tapos uuwi na rin ako.” Sabi ko sa kanya at tumango namn siya.

Nasa Apartment na kami at humiga sa kama.

“hintayin kitang makatulog tapos aalis na rin ako. Gusto kasing Makita kang matulog at isipin habang nasa japan ako.” Sabi ko sa kanya.

Nakahiga si Lucille sa braso ko habang nakatitig lang sa kanya. Hinawi ko ang buhok  nya at hinampos ang mukha nito. Dinampian ko ng halik ang kanyang noo, mata, ilong at labi. “goodnight babe.. I will see you in 2 weeks” nang maramdaman kung nakatulog na siya ay dahan dahan kung tinanggal ang kamay ko sa pagkakaunan nya at hinawi ang kumot at kinumutan siya. Binigay ko ulit sya ng halik bago ako bumaba.

*

Sana po ay hindi nyo nakalimutan ang story ko masyadong busy kasi kaya now lang nakapag update...chapter 17 later post ko ulit...

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Where stories live. Discover now