Chapter 1 Ang unang pagkikita nila

5.9K 78 16
                                    

Chapter  1

Lucille POV

                “LUCILLE…!” sigaw ng daddy ko sa akin habang palabas ako ng pinto at bitbit ko ang maleta ko.  

“Oras na lumabas ka jan sa pintong yan, wag mong asahan na may babalikan ka pa tandaan mo yan.” Rinig kung sabi ng daddy ko. Pero hindi ko sila pinakinggan, bagkus ay dirediretso lang ako ng lakad palabas.

                Matagal ko ng pinag iisipan ang paglalayas ko sa mansion, dahil nakakasakal na rin si daddy. Hindi sa nag rerebelde ako pero pakiramdam ko kasi sa bahay ako nalang parati ang mali, ako nalang parati ang may kasalanan. Gusto nila sila ang masusunod. Paano naman ang pangarap ko.

                Bata palang ako pangarap ko ng maging flight stewardess. Pero sa kagustuhan ng parents ko na sumunod sa yapak nila sa pulitika, doon na ako tumutol. Gusto kasi nila lahat ng mga bagay sa sabihin nila dapat mong sundin. Paano namn ang pangarap ko. Kaya ngayun nagpasya na ako.

                “Fay saan ka ngayun pupunta, tiyak na malalaman ng daddy mo na nandito ka sa bahay, tsaka hindi ka namn pweding magtagal dito kasi alam mo na..” sabi ng kaibigan kung si Hanna.

“wag kang mag alala hanna bukas na bukas rin aalis ako, tsaka naiintindihan kita” kaibigan din kasi ng parents ko ang parents ni Hanna kaya hindi tlaga ako pweding tumuloy doon ng matagal.

“eh anong balak mo ngayun? Saan ka pupunta nyan?” tanong nya sa akin habang inaayos nya ang kama.

“siguro luluwas ako sa maynila”

“maynila?? Magulo doon..bakit di ka nalang maghanap ng matutuluyan mo dito?”

“Hanna…Governor ang daddy ko..tiyak papasundan at papasundan ako kahit na nandito ako sa Cebu”

“Sabagay.. pero hindi ka ba natatakot Fay..maynila na yun ehh?” pag aalalang sabi ni Hanna sa akin. Siya na kasi ang tinuring kung kapatid mula pa nong nasa elementary pa kami.

“Bahala na siguro kung anong mangyari sa akin sa maynila.”

“Eh paano ang allowance mo?”

“Nakapagtabi namn ako ng kunting pera kahit papano, kahit putulin ng daddy ko ang mga credit cards ko okay pa rin ako, tsaka hahanap ako ng trabaho doon.”

Tumayo ito at pumunta sa drawer nito at kumuha ng kung alin doon.

“Fay ito lang ang maibibigay ko sayo, sana makatulong ito.”

“Naku hanna wag na, okay lang ako tsaka tama na yung perang naitabi ko.” Tutol ko sa kanya.

“hindi kunin mo na Fay kailangan mo yan sa pagluwas mo ng maynila. Pag di mo yan tinanggap magagalit na ako sayo.”

“Pero… utang ito hanna ahh..basta pag nakaluwag ako babayaran kita.”

“Ano ka ba Fay… parang di namn tayo magkaibigan sa lagay na yan..Okay sige..basta mag ingat ka sa maynila, tatawagan mo ako pag may problema..luluwas ako kahit anong mangyari.”

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Where stories live. Discover now