12

927 32 2
                                    

Salamat talaga :) Naniniwala ba kayo sa mga wizards???


"Paumanhin kung hindi kami nagpakilala sa inyo ng maayos, ako pala si Pamela, ang reyna ng kaharian na ito ng Umbrea, at gaya niyo may kapangyarihan ako."

Nagsalita na rin ang lalaki, "Ako naman si Carlos.. ako ang pinuno ng mga guro dito, patawad din pala kung ganun ang pagsalubong ko sa inyo."

"Alam ko kung bakit ganun ang inasal mo Carlos, gusto mo lamang protektahan ang Kaharian ninyu." wika ni Lina.

"At gaya mo may kaharian din kami na pinoprotektahan, ang Alegria at naghihintay ito sa amin." sabi ni Arman.

Tumingin sa amin si Reyna Pamela at parang hindi siya naniwala.. "Ganun ba? Paano kung may ipapakita ako sa inyo?"

Binuksan ng Reyna ang kanyang mga palad at ipinakita niya ang Alegria at ang nagaganap dito. Nag-alala ng husto silang apat dahil sa nakita nila.

Sumigaw si Athena "Ang Anito at ang kampon ng Oscuro!"

"Bakit tila hindi sila gumagalaw, at bakit walang nagaganap dito, parang bago pa silang dumating." tanong ni Leah.

"Dahil nandito kayong apat sa kaharian na ito." Paliwanag ni Reyna Pamela... dinagdagan niya pa, "Leah diba gusto mo ng isang paaralan ng mahika? Nandito ka na sa iyong tahanan."

Sa mga binitiwang salita ng Reyna, mas lalong nalito silang apat kaya inutusan ng Reyna si Carlos na dalhin sila sa isang lugar kung saan, mababasa nila ang katotohanan sa Umbrea.

"Sumunod kayo kay Carlos, kailangan ko pang turuan ang mga studyante ko."

Nakita nila ang iba't ibang gawain at pagsasanay ng mga tao doon. May kaunting pagsabog pa nga ang naganap dahil sa hindi tamang paggamit ng mahika.

"Ang saya nilang tingnan..." sinabi ni Athena kay Leah.

Ang kanilang paglalakad ay hindi nagtagal, nakarating sila sa isang silid... nasa loob ng silid na ito ang malaking bato na may nakasulat.

"Basahin niyo yan, hindi ko rin alam kung sino ang nagsulat niyan, pero ayon kay Reyna Pamela, galing yan sa isang Bathala.''

"Wala namang nakasulat dito. Nagbibiro kaba?" sinabihan siya ni Arman.

Ngunit ilang sandali pa ay lumiwanag na ang bato at lumitaw na ang mga salita.

Ito ang nakasulat sa malaking bato.

Ang Kaharian ng Umbrea

Ang kahariang ito ay walang bukas, ngayon at kahapon.

Wala itong oras, ang sinumang pumasok dito ay hindi tumatanda, ang kanyang edad ay mananatili mula nung una niyang pasok dito.

Ginawa ko ang lugar na ito at ginawa ko rin ang Ina niyo na si Pamela... Siya ang magiging Reyna dito.

Ito ang kaharian na puno ng mahika at kapangyarihan. May boses din ang lugar na ito, dahil tumatawag ito sa mga nilalang na gustong gumamit ng kapangyarihan na nagtataglay ng gintong puso.

Ngunit darating ang panahon na makukuha ito ng mga masasamang Bathala kaya, dapat maghanda kayo sa panahon na iyon.

Walang ibang magliligtas sa buhay niyo kundi kayo.. May mga nilalang na akong tinuruan noon at ngayon ay inililigtas na nila ang Kahariang walang pangalan na sa kasalukuyan ay may pangalan na. Isa sila sa tutulong sa Umbrea.

Sa oras na makarating sila dito. Ang kanilang buhay sa Kaharian nila ay hihinto, ngunit hindi nila matatakasan ang kapalaran.

Kailangan pa rin nilang harapin ang Kadiliman  at Kasamaan, na nagdudulot ng Kamatayan sa mga tao.

Huwag kayong mag-alala parati niyo akong kasama at ang iba pang Bathala.

Sana maginng bukas ang Umbrea sa mga taong nais matuto at sana patuloy  niyo itong alagaan.

"TAYO ba ang tinutukoy dito!" sigaw nilang apat sa pagkagulat nila sa kanilang nalaman.












Sila kaya ang "mga nilalang" na sinasabi dito... Sino kaya ang nagsulat sa bato na iyon.




Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon