CHAPTER 1: Almost a Date

1.5K 41 5
                                    

-Julia's POV-

Oh my gosh! Ten minutes late na ko. Buti di pa siya nadating. Siguro, magco-confess na siya sa'kin! Sana talaga. Tumingin ulit ako sa wrist watch ko. Kanina, thirty minutes lang ngayon isang oras na pala kong naghihintay dito.

Asan na ba si Daniel? Ba't wala pa siya?

Okay lang 'yan, Julia. Baka may mahalagang inaasikaso. Oo nga naman. Sige dahil mabait naman ako. Naghintay pa ko ng isa pang oras. Darating siya. Darating siya. Iyan ang paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.

I dialled his number pero hindi niya sinasagot. Pano kung ayaw niya na kong maka-date? Pano kung nalaman niya nang matagal niya na ko na siyang gusto tapos na galit siya? Hindi ko kakayanin 'to!

Pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila. Nagdoorbell ako sa bahay nila Daniel. Pinagbuksan ako ng mama niya.

"Julia, bakit?"

"Tita, andyan po ba si Daniel?"

"Ayy, kanina pa umalis, eh. Kasama ang isang babae. Maghintay ka na lang dito kung may importante kang sasabihin kay Daniel."

"Ay, wag na po, Tita! Mauna na ko."

"O, sige. Ingat ."

Pagkasara ng gate ng mama ni Daniel ng gate, nanatili pa rin akong nakatayo dun sa harap ng gate nila. Bigla ko na lang naramdaman na basa na yung pisngi ko. Ba't ba ko naiiyak? Kasi mas inuna ni Daniel ang ibang babaeng samahan kaysa sakin?

Hay, Julia! Wala kang karapatang mag-demand ng oras sa kanya. Kaibigan ka lang, hindi girlfriend kaya sa susunod dapat alam mo na kung saan ka lalagay, ah? Para hindi ka nasasaktan.

Tama. Muntik ko nang makalimutan, ah. Kaibigan lang pala ko. Please naman mata, oh. Tumigil ka na sa pag-iyak dyan! Mukha kang tanga, hindi bagay sayo. Hindi ka naman kasi artista. Kasi saan ko ba nakuha ang ideyang magugustuhan ni Daniel ang isang katulad ko?

Ang sakit, eh. Yung pakiramdam na hindi mo masabing mahal mo siya dahil ayaw mong masira yung friendship niyo.

Mayamaya, umuulan na pala. Ang ganda ng timing, ah! Saktong-sakto. Makakanta nga para mas ma-drama! Ay, hwag na. Mukha lang akong loka-loka.

Bakit nga ba mahal kita, Daniel? Hindi mo ba maramdaman? O hindi mo lang pinapansin? Sana hindi na lang kita nagustuhan. Edi, sana hindi ako nagda-drama sa ilalim ng ulan ngayon.

Tumingin ulit ako sa wristwatch ko. Tignan mo, 8:10 pm na. Five long hours. Para sayo nagtiyaga ako, Daniel.

-Daniel's POv-

8:10 pm na.

Malamang wala na dun si Julia. Hindi naman tanga yun para hintayin ako ng limang oras dun, eh. Malapit na ko sa gate namin nang may maaninag ako. Si Julia yun, ah! Anong ginagawa niya dun?Nagpapaulan? Gusto niya bang magkasakit? Agad ko siyang nilapitan.

"J-julia? A-anong ginagawa mo dito?"

Nakayuko siyang humarap sakin.

"Daniel, sorry kung naistorbo ko yung schedule mo ngayon, ha?"

"Ahh. Wala yun. Wag mo nang isipin yun."

"Sige, mauna na ko, Daniel. ''

Pagewang-gewang siyang naglakad papalayo. Sinundan ko siya.

"Julia, hinintay mo ba ko?"

Natigilan siya. Pumunuta ko sa harapan niya.

"HAHAHAHAHA! Ano ka ba? H-hindi kita hinintay, no! Nagpapaulan lang ako dito. Naghahanap lang ng sakit sa katawan!"natatawa niya sabi.

Tinignan ko siya. Naka-dress siya at naka-wedge pa. Ganon ba talaga sinusuot pag nagpapaulan? Nakaporma?

"Uulitin ko ulit yung tanong ko, Julia. Hinintay mo ba ko?"Alam ko nagsisinungaling siya.

She nodded. Sabi ko na nga ba, eh.

"Ano ka ba, Julia? Ang tanga mo naman."

She looked straight to my eyes. She was crying.

"Oo, Daniel. Ang tanga ko parang isiping magugustuhan mo ko. Ang tanga ko dahil kahit alam kong hindi ka na dadating, hinintay pa rin kita. At ang tanga-tanga ko dahil mahal na mahal kita, Daniel!"

M-mahal niya ko? Hindi ko alam.

"Julia, sorry. Hindi ko alam."

"Hindi mo alam kasi ang manhid-manhid mo!"

"Sana sinabi mo, Julia."

"Ba't pag sinabi ko ba may magbabago?"

Tama siya. Ang manhid-manhid ko. Si Julia. Umiiyak siya ngayon dahil sa akin.

"Di ba wala? Siguro, panahon na para tapusin ko ang kahibangan ko sayo. Pagod na pagod na kasi ako, eh."

Nilagpasan niya ko atsaka siya nagpatuloy sa paglalakad. Hinawakan ko ang kamay niya. Ang init niya!

"Galit ka ba sa'kin?"

"I hate you! I hate you for making me fall for you, Daniel!"

Tinanggal niya sa pagkakakapit yung kamay ko atsaka tumakbo siya papalayo.

Kanina pa ko nakahiga sa kama pero hindi ako makatulog. Julia loves me. Matagal niya na kong mahal pero ni hindi ko man lang naramdaman yun. Ang manhid ko pala talaga. I don't know what to think. Julia means a lot to me at ayokong mawala siya.

xx

Her First DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon