Chapter 20: Treasure

171 2 0
                                        

Chapter 20:

"Treasure"

[Mielle's POV]

"hey aalis nako ha. may next class pa kasi ako eh. enjoy your lunch" Then he winked us.

WAAAHHH! Tobats! Tobaaatsss talaga si sir!!! Kinindatan pa kami! so kelangan iwan niya talaga kaming dalawa dito ni Nathaniel?! Tapos sabay kaming kakaen dalawa?! Bakit kelangan niya pa talaga kaming iwan?! Bangkero yung sir! Wala naman siyang next class eh! Tapos sasabihin niya, Meron! =___= Alam naman ni sir na shy type ako pag dating sa crush eh! Tapos ganto pa gagawin niya?!!

Though hindi nga pala alam ni sir na crush ko si nathaniel.

Pero kahit na no! Para tuloy kaming nagdedate dalawa dito! Pero paker! Kinikilig talaga ako ngayon!

Hay, Hindi ko talaga akalaing matatapunan ko siya ng softdrinks kanina. Dahil nga one week ko na siya hindi nakakasalubong. Hiyang hiya talaga ko! Tapos epal pa si sir! Inaasar pa ko kanina. Namula tuloy ako bigla tapos tinanong pa ni sir na bakit daw ako namumula? Kinikilig daw ba ko? WTF? Tapos humalakhak pa! Tawa pa ng tawa! Buti nalang nagkaroon ako ng idadahilan kanina at sinabi kong kaya ako namula eh kasi mainit. Pero buti nalang talaga at nakisama ang panahon ngayon. Mainit talaga.

Tska Infairness ha! Ang gentleman niya! Nilibre niya pa ko ng coke, Eh samantalang natapunan ko na nga siya kanina. Tapos hindi siya maarte ha! Kita mo, Hanggang ngayon, Hindi parin siya nagpapalit ng damit. Samantalang natapunan ko sya ng softdrinks. Pero nako. Kahit natapunan ko siya ng coke, Ang bango bango bango bango padin niya. BWHAHAHAHA

"okay ka lang?"

I was back to reality nang bigla akong kausapin ni Nathaniel. Nakalimutan kong kasama ko nga pala tong lalaking to at saby kaming kumakain.

"Oo naman" sagot ko naman sakanya

"Eh bakit kanina ka pa diyan hindi nagsasalita?"

Eh kase, Pinagpapatansyahan pa kita.

"ha? ikaw din naman eh" Galing mo umarte Mielle! Perfect!

"ha? ganun ba? edi usap tayo"

 Ay? Mali pala yung sinagot ko. Kakausapin niya tuloy ako! WAAHH! Bahala ka Nathaniel Lazaro, Ikaw talaga ang sisisihin ko pag ako hinimatay dito---- SA KILIG.

"ay oonga pala. nasaakin padin yung ballpen mo" sabi niya saakin with matching super xtremely Killer smile.

Teka? anu daw?! nasakanya parin yung Ballpen ko?!! Yung ballpen na naihulog ko sa ulo niya dati?! What the? Nasakanya padin ngayon?! As in? TALAGA? TALAGANG TALAGA? WEHHHHHH

"ballpen? anong ballpen?" Syempre kunwari nakalimutan ko na. Best Actress talaga ko eh no? Pwede na ko bigyan ng award sa Oscar Awards. Oo, Yun nga. Yung sa Hollywood. BWHAHAHAHA

"wag mong sabihing nakalimutan mo na?" Nag aacting nga ko eh! Hindi mo ba naiintindihan? Bwhahahaha! "eh pinaguusapan lang natin kanina yun ni coach ah?"

"ah. eh hehehehe, yun ba? paano napunta sayo?" Ay maling tanong

"ediba pinulot ko dati yung ballpen mo dahil nga naihulog mo yun at natamaan ako sa ulo? Tapos sabi ko aakyat nalang ako sa 2nd floor para maibalik ko sayo yung ballpen mo tapos sabi mo, sige."

Eh bakit hindi niya naibalik saakin yung ballpen ko na yun? Anu nga ba ang nangyari? Nakalimutan ko na eh. Pasensya naman. May pag kaulyanin eh. =________=

"tapos? ano nangyari? nakalimutan ko na eh"

"tapos umakyat ako ng 2nd floor tapos wala kana dun. Kaya tinago ko nalang yung ballpen mo para maibalik ko sayo"

Whoah. Tinago niya talaga?! Me is so kinikilig! WAAHHH!! Teka, Oonga pala no? Nawala nga pala ko nung araw na yun sa 2ndfloor dahil tumakbo ako ng ke layo layo dahil nga pupuntahan niya nga kasi ako para maibalik yung ballpen ko! at dahil sa hiya, Tumakbo ako pababa ng hagdan at nadulas ako sa huling baitang ng hagdan dahil nga basa ito dahil umulan! At dahil dun, dumugo ang noo ko ng bonggang bongga at dinala ako sa clinic at ginamot nung mabait na nurse! At pumasok ako sa school kinabukasan nang may tapal na gauze ang noo ko.

"ah yun ba? BWHAHAHAHA!" Napahalakhak nalang ako bigla dahil nga sa kagagahang pinaggagawa ko nung araw na yun.

"ano nakakatawa?"

"wala may naalala lang ako"

"ah. haha. pero bakit ka nga ba bigla nawala nung araw na yun?" Sasabihin ko ba sakanya ang tunay na dahilan? Nako! Wag! Baka lumaki pa ulo nito dahil malalaman niyang hiyang hiya ako sakanya nun! At mahahalata niyang crush ko siya! Diba? Diba?

"tinawag kasi ako nung kaibigan ko nun eh. kaya bigla akong nawala" Palusot ko naman

"eh bakit parang ang bilis niyo naman ata nawala?" Haaay! Anu nanaman bang palusot ang sasabihin ko?

"ah eh hehehe, kas sa CR ng girls kami pumunta. eh sa 2ndfloorlang kasi din yun. kaya ayun" Pwede na tong palusot. BUWAHAHAHAHAHA

"ah okay." Then he smiled at me again

Ikaw na Killer smile!!! Mokong na to! Hahahaha! Ay nako, Nung una, sinisisi ko yung ballpen ko na yun. Dahil nga kung hindi pa nahulog kay nathaniel yun, ay hindi naman ako tatakbo at madudulas nung araw na yun. Pero ngayon, Hindi ko na sinisisi yung ballpen ko na yun. Instead, Nagpapasalamat ako sa ballpen na yun. Dahil kung hindi dahil dun, Hindi ako makikilala ni Nathaniel. Kung hindi dahil dun, Hindi ko siya ngayon kasabay kumain dito.

Though, that ballpen is a treasure.

Dapat pala, Una palang, Hindi na ko nahiya sakanya. Dapat una palang, Nasaakin na yung ballpen ko.  But good thing, Hindi niya tinapon.

"wait." Kinapa niya yung bulsa niya then may kinukuha siyang something doon.

"eto na yung ballpen mo" Bigla naman niya itong inabot saakin.

Wow. Itinago niya  talaga!!!

"thanks" ako naman ang ngumiti sakanya

"no problem. Pero alam mo, ang bigat niyang ballpen mo ha. ang sakit pa ng pagkakatama sa ulo ko. hahahaha"

"haha! sorry talaga. di ko sinasadya"

Bigla namang napalitan ng seryoso ang mukha niya "naniniwala ka ba sa destiny?"

HA?! Bakit?! Bakit niya tinatanong sakin yan?!!!

"bakit mo namang naitanong?" tanong ko naman sakanya

"wala, kasi ang lawak lawak ng mundo pero bakit ganun ang nangyari diba? bakit kaya biglang nahulog yung ballpen mo sa ulo ko nang hindi mo sinasadya? ang galing diba?" Nakakaspeechless naman tong lalaking to!!!!!

"naniniwala kaba talaga sa mga tanong mo?" 

"oo. ni hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko eh. ako din ang sumagot"

Hindi nalang ako nagsalita.

Tska teka! Ang galing talaga! itinago niya talaga yung ballpen ko. Ang galing. Hindi ako makapaniwala! Pero nako, Binigay niya lang naman eh. Wala namang meaning yun. Malabo namang magkagusto siya saakin no. ayokong maging assuming. at ayokong mag expect na magugustuhan niya rin ako. Kuntento na ako dito. Kuntento na ako na magkaibigan na kami. Mahirap mag assume no!

 Dahil baka madissapoint lang ako.

It started with a ballpen (by chumeichu) (INACTIVE)Where stories live. Discover now