LAST CHAPTER

4.1K 201 74
                                    


LAST CHAPTER! Yieeee.


Note: Hindi ko po prinoof read ang chapter na ito so kung may mga mali man, kayo na po ang mag-adjust. Hehehe. Pasensya na tamad akong magbasa ulit eh. Sana magustuhan niyo. :) 



***



Third Person's POV




Sapat na ang init na dumampi sa balat ni Carlisle upang siya'y magising. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mata. Noong una'y Malabo ang kanyang paningin, isabay pa ang bahagyang pananakit ng kanyang ulo na para bang binibiyak. Ngunit pagdaan ng ilang segundo'y nanumbalik na at luminaw na ang kanyang paningin, nawala na rin ang pananakit ng kaniyang ulo. Noon niya nalaman na siya'y nasa hindi pamilyar na lugar. Isang kwartong puti na napaliligiran ng kurtina. At nang ilinga-linga pa niya ang mata ay doon niya nalaman na siya ay nasa hospital. Nais niya sanag bumangon ngunit naramdaman niya ang bigat ng kanyang ulo at bahagya na naman itong kumirot.



"Argh... sh*t." mahina niyang sabi.



Dahil sa kanyang munting mga galaw at pagbulong ay nagising ang kanina pang nakaidlip na tao sa kanyang tagiliran.



"Layl?! Thank God gising ka na!" wika ni Yves.Halos bumagal naman ang mga pangyayari sa kanyang utak. "Teka lang, tatawag lang ako ng n—"



"Yves? Ikaw nga ba, Yves?" bakas pa rin ang pagkamangha sa mukha niya.



Bahagya namang napangiti si Yves at dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo. Kinuha niya ang kamay ni Carlisle at inilapit ito sa kanyang labi at kanya itong hinagkan. At saka muling gnumiti sa kanya ng pagkatamis-tamis.



Halos manigas naman mula sa kanyang pagkakahiga si Carlisle. Ilang boltae ng kuryente ang dumaloy mula sa labi ni Yves patungo sa kanyang katawan. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat at tila ba naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.



Maraming tanong ang umiikot sa kokote niya ngayon. Kagaya ng "bakit siya nandito? Na'san ang asawa niya? Ano na kayang nangyari kay Janine? Galit ba siya? Bakit niya hinalikan ang kamay ko? At bakit hindi siya sa kwarto ni Janine nag-stay? Anong ibig sabihin nun? Ako ba ang pinipili niya?"



Sumilay man ang mumunting pag-asa'y hindi pa rin niyang magawa na maniwala ng tuluyan. Bahagya niyang kinurot ang sarili upang malaman kung siya'y nanaginip o hindi. Kung siya man ay nanaginip, sabi ng kanyang utak, sana ay hindi na siya magising. Sapagkat sa kanyang panaginip, siya ang pinili ni Yves. Hindi rin niya maiwasang hindi maisip nab aka dahil sa sobrang lakas ng impact ng mga bagay na nanlaglag noong siya ay maaksidente, marahil ay gumagawa ng mga imahe, larawan at tagpo ang kanyang utak ngunit ang totoo'y hindi naman ito nangyayari talaga.

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon