Thirty Three

3.9K 178 44
                                    





*Carlisle



Up 'till now hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin 'yung nangyari kanina sa mall. Siyempre unang una, 'yung ibinigy niya sa'min na mga groceries. I mean, oo, alam ko naman na walang malisya 'yun. Kasi kahit papaano eh may pinagsamahan din naman sila ni Carson, ni Nanay, kaya niya siguro naisip na kahit papaano eh bigyan kami ng kahit kaunting tulong. Actually hindi nga 'yun kaunti eh. HAHAHA. Pero ewan ko eh, may kung ano sa isip ko na... na nag-iisap na baka, alam niyo na? Baka may konti pa. Baka mahal niya pa ako. Pero sa tuwing magmomove ako papunta sa kasunod na nangyari, kung saan ko nakilala ng harapan si Janine,




"His Wife." wala sa sarili kong turan.




Napatawa na lang ako. Pati paraan ng pagkakasabi niya memorya ko pa. Mabait 'yung asawa niya. Hindi lang siya maganda sa panlabas, kundi pati na rin sa panloob. Paano ko nasabi? Ramdam mo naman 'yun eh. Magaan 'yung loob ko sa kanya. In fact, habang nagbabayad si Yves nung mga pinamili niya eh nakapagkwentuhan kami agad at ang dali niyang maiyak sa kwento ng buhay ko. 




"Grabe. Hanga na ako sa'yo. Imagine after all the hardsips... heto ka pa rin, walang sawang nagtatry. Ang galing mo." hindi makapaniwala niyang sambit.




"Wala eh, kailangan para sa pamilya ko." simple kong tugon.




"Ay oo nga pala, nakalimutan kong itanong. Kamusta pamilya mo? Ilan na anak mo?" napalaki naman ang mata ko sa narainig ko. "Bakit? May mali ba akong nasabi?" 




"Ah eh... wala. Nagulat lang ako. Ang totoo kasi niyan eh, single pa ako, Janine. Wala pa akong asawa." pag-amin ko.




"Talaga? Naku, sa gwapo mong 'yan? Tangang babae na lang talaga ang hindi makakakita kung gaano sila kaswerte kung ikaw ang mapapang-asawa nila. Imagine? Gwapo, hardworking, talented. Kung dalaga lang ako, naku, baka niligawan na kita." parehas naman kaming natawa sa biro niya. "So ano nga, bakit wala ka pang asawa?"




Tumingin muna ako sa mga mata niya, sasabihin ko ba? Bigla kong ibinaling ang mata ko dun sa taong nakatalikod sa amin... sasabihin ko ba?




"Ang totoo kasi niyan, mayroon akong minamahal noon. Kaso talagang mapagbiro ang tadhana eh, nagkaroon kami ng malaking away dahil na rin siguro sa mga nangyari sa nakaraan kaya ayun, nagkawalaan kami. Heto, hetong furniture business ko, sinimulan ko 'to para sana... kung papalarin eh gagamitin ko 'yung kikitain sa paghahanap sa kanya. Kaso... hindi na niya ako nahintay eh. May... may mahal na pala siyang iba." medyo nahihirapan kung sambit.

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon