One

18.5K 342 28
                                    



"So... are we clear?" tanong sa amin ng instructor namin sa isa naming major subject.




"Yes Ma'am."




"So I guess it's settled? I'm expecting everyone will deliver great music ok? Goodbye."





Pagkalabas na pagkalabas niya, para rin akong pinawian ng lakas. Ito pa naman 'yung pinaka-ayaw kong parte sa pag-aaral. 'Yung practical activities. Sinasabi pa lang, pinanghihinaan na agad ako ng loob eh. And to think na may ineexpect 'yung instructor na 'yun sa'min? Mas nakakadagdag pa ng pressure.





"Layl! Tara. Kain muna tayo sa canteen." aya sa'kin ng isa kong kaklase. Si Melo.





Ngayon pa lang, iniiisip ko na kaagad kung paano ko papasahan 'yung practical na 'yun. Kaya naman kahit hindi ako gutom, para akong zombie na sumama kay Melo. Pre-occupied kasi ang isip ko. Iniisip ko pa lang, parang ayaw ko ng gawin. Hind ko rin alam kung paano ko sisimulan. Nakikita ko 'yung iba kong mga kaklase, nagtatawanan. Minsan, napapatanong ako. Paano kaya nila nagagawang tumawa eh ang hirap hirap na nga ng pinapagawa sa'min? Mukhang excited pa 'yung iba kasi may mga idea na daw sila kung paano nila gagawin. Tsk. Sana may lakas din ako ng loob at confidence tulad nila.




Teka, ang dami ko ng nasasabi. Hindi niyo pa pala ako kilala. Carlisle nga pala. Ang hirap basahin 'no? Hindi ko alam sa magulang ko eh. Ayaw yata nila akong magkaroon ng maraming kaibigan kaya hinirapan 'yung pangalan ko. HAHAHA. Pero seriously, 'Karlayl' ang basa dun. Carlisle Martin De la Vega. Third Year Bachelor of Music major in Composition student sa isang State University sa isang kilalang probinsya dito sa Pilipinas.




Siguro may hint na kayo sa'kin. Sa degree program pa lang na kinukuha ko, malalaman niyo ng I'm a fond of music. Oo, sa katunayan may banda ako. Kung tatanungin, makulit akong tao. Maingay. Malikot. Pero pagdating talaga sa mga school works, ewan ko, kryptonite ko yata 'yun eh. Parang nahihigop 'yung lakas ko. Naranasan niyo na ba 'yun?





"Dude, sabi ko naman sa'yo itigil mo na 'yang pagda-drugs mo eh." halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa narinig ko kay Melo na siyang nagpabalik sa ulirat ko.




"Gag*. Anong drugs pinagsasabi mo?" natatawa kong tugon.

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon