Chapter Forty

3.1K 117 34
                                    



Hi! It's nice to be back. HAHAHA. Kamusta na kayo? May readers pa ba ako? 


Gusto ko lang magsorry at magthank you sa patuloy na nagbabasa at nag-iintay ng update ng story na ito. Ang tagal na din kasi. Kaya pagpasensyahan niyo na itong update ko. Gusto ko na rin naman kasi tong tapusin kaya nag-update ako. Ngunit itong update na ito, hindi powerful. Nangangalawang na utak ko. Hindi na yata ako marunong magsulat kaya kayo na ang magpasensya. Hindi ko na rin ito prinoof read kaya kayo na ang bahalang umintindi sa mga errors. Again, thank you :)


Have a reflective holy week. :)




Third Person's POV



"Ah... ano... hindi naman. Actually, kararating ko lang din... Janine." 




Nagulat si Carlisle sa kanyang nakita. Hindi niya sukat akalain na si Janine pa ang makakasama niya dito. Habang tinitingnan niya ito ay napagmasdan nito kung gaano kaganda at kung gaano kabuting babae si Janine kaya naman hindi na siya magtataka kung bakit nagustuhan ito ni Yves. Simula ulo hanggang paa, wala kang maipipintas. Pantay na kulay ng mga kutis. Magandang hubog ng katawan. Magandang postura. Tila lahat ay maganda. Sa kabila ng paghangang ito'y hindi niya maialis sa likod ng kanyang  isip ang galit at inggit sa taong nasa sa harapan niya.




"Layl?" at nakaramdam siya ng tapik sa kanyang balikat na siyang nagpabalik sa kanyang ulirat. "Ok ka lang ba?" 




Napaiwas naman siya ng tingin dito.




"O... oo naman. May iniisip lang." at saka niya ito binigyan ng isang matipid na ngiti.




"Ahh. Mabuti naman kung ganoon. Anyway, before we start, may gusto lang sana akong itanong sa'yo... kung ok lang naman." dahil naman doon ay tila binagsakan siya ng bomba. 




Ano kayang itatanong niya, sa isip ni Carlisle? Alam na kaya niya? Buko na ba kami? Paano ako magpapaliwanag? Paano si Yves? Paano kami? Maghihiwalay na ba kami? Magkakaayos pa ba kami pagkatapos nito? Ito ang mga tanong na parang sirang plakang paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isip. Ngunit sa kabila ng takot ay tila ba nabuo ang kanyang loob... na baka nga walang lihim na hindi nabubunyag. 




"M...may napapansin ka ba kay Yves? I mean, may nagbago ba sa kanya this past few days? I know this sounds weird kasi ako 'yung asawa... ako dapat 'yung may alam pero that's the irony eh. Kahit ako 'yung kasama niya palagi, parang... parang ibang Yves na 'yung kaharap ko. Parang hindi ko na siya kilala. I don't know kung may... may problema ba siya sa opisina, kung may kaaway ba siya o... may iba na ba."

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon