Thirty Seven

3.3K 126 27
                                    


Vote. Comment. Share. :) 



Third Person's POV





Walang pagsidlan ng tuwa sa puso ni Janine. Para kasi silang bumalik sa pagiging bagong kasal muli. Kanina, pagkadating-dating nila sa resort na pagbabakasyunan nila ng ilang araw lang naman ay may nakahanda ng lunch para sa kanilang dalawa. May mga tumutugtog pa ng violin at may boquet of flowers pang nakahanda. Nakaupo sila ng mga sandaling 'yun sa gitna ng dagat at may mga pulang lobong nagkalat. Para sa isang babaeng kagaya niya, maging ang pinakamalaking duda ay makakalimutan niya dahil sa effort na nakita niya. Para bang naglahong parang bula 'yung pagdududa't sama ng loob niya sa asawa. 




Si Yves nama'y tila nakalimutan na may isangtao siyang naiwan at nasasaktan. Dahil sa mga panahong ito, wala siyang ibang inisip kung hindi ang mapasaya si Janine. Masaya rin siya sa nakikitang nakangiti at masaya ang asawa niya. Para bang nakakaktaba ng puso. Hindi niya alam kung saan nanggagaling 'yung fulfillment na nakikitang hindi mapatid sa kakatawa at kakangiti 'yung asawa niya. Siguro pangbayad kasalanan na rin? Sa isip niya. 




Noong mga sandaling maalala niya si Carlisle, parang bulang naglaho ang mga ngiti sa kanyang labi. Naalala niya si Layl. Panigurado tampo 'yun sa kanya kaya naman nag-iisip na siya kung paano siya makakabawi sa minamahal. Nasa pag-iisip siya ng biglang mapansin ni Janine na tila nagbago ang timpla ni Yves, ang kanyang asawa. 




"Natatakot ako sa tuwing natutulala ka." pagbasag niya sa katahimikan na siya namang nagpabalik kay Yves sa katotohanan.




Malapit na kasi siyang madala sa imagination niya kung saan kasama niya si Carlisle gayong sa katotohanan naman ay ang asawa niya ang kasama niya. 




"Uy... Hon. Ikaw pala 'yan. Nanggugulat ka naman. Halika upa ka dito sa tabi ko." at ganoon nga ang nangyari. "Bakit ka naman natatakot kapag natutulala ako?" 




"Wala. It makes me think na baka hindi ka na masaya sa'kin. Kasi the fact the natutulala ka means, wala dito 'yung isip mo so it means you're not enjoying being with me." diretsong sabi ni Janine kay Yves ng nakatitig sa mga mata nito. 




Tinamaan naman ang isang parte ng puso ni Yves na nagdulat ng pagkaguilty kaya naman napakamot na lang siya  buhok niya at napatungo at tumawa na tila ba pinapalabas na napaparanoid si Janine.




"Saan naman nanggaling 'yan, Hon?" hindi pa rin makatinging wika ni Yves.

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon