Chapter 17: Secret's Room

Comenzar desde el principio
                                    

"Ouch!" Isang ingay mula sa malapit ang pumunit ng katahimikan.

Agad ko itong pinuntahan. Maaaring si Zhraine iyon. Nakarating ako kung saan nanggaling ang ingay. Isang babae ang nakatayo katabi ng mga nagpatak na libro. Akala ko si Zhraine iyon pero... Nanlaki ang aking mga mata dahil sa babaeng nakatayo sa aking harapan. Ngayon ko nalang muling nakita ang itsura niya. Nakakatakot ang mga mata niyang iyon.

"Haize?" Tanong ko sa kanya.

"So, you still know me. After all that happened, after all that things that you did to me..." Nakangiti niyang sabi.

Lumakad siya papalapit sa akin at inilapit ang kanyang mga labi sa aking tenga.

"Dapat pinatay niyo na ako noon Zac, dahil ngayon, kayo naman ang paglalaruan ko." Bulong niya pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi. Namula ang buo kong mukha hindi dahil sa halik niyang iyon, hindi dahil sa kinikilig ako kundi dahil sa takot.

Ngunit bakit ganito ang nangyayari kapag natatakot ako? Nagbabago nalang bigla ang ugali ko. Hanggang sa hindi ko nalamalayang lumabas na naman pala ang dating ugali ko.

"Subukan mo lang Haize." Nakangiti kong sabi.

"Iyan ang gusto kong Zac, palaban." Sabi niya.

"Asaan si Zhraine?"

"Pakialam ko sa kanya. She's a demon herself, don't you know it?"

Hindi ko siya pinakinggan bagkos ay naglakad na ako palayo sa kanya at naglibot sa buong library upang hanapin si Zhraine pero wala, hindi ko siya makita. Asan na siya? Baka iniwan na niya ako ng hindi man lang nagpapaalam? It's weird. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang pagkawala niyang iyon at bumalik na ako sa aking dorm. Sa aking daan na nalalakaran ay makikita na ang mga bahid ng dugo. Agad din naman akong nakabalik sa aking dorm at nagtataka parin ako sa pagkawala ni Zhraine doon sa library. Muli kong itinuloy ang aking pagbabasa.

Simula ng ideneklara ang Slaughter Party at simula ng ito ay isagawa, naging payapa na muli ang Secret High. Wala nang kaguluhang nagaganap tuwing umaga at muling naibalik ang imahe ng school...

Bigla nalang may kumatok sa pinto kaya agad ko itong nilapitan at binuksan.

"Razor? Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"May meeting sa classroom naten." Sabi niya.

"Meeting? Sa ganitong oras? Ok wait lang." Itinago ko ang libro sa aking drawer bago ako umalis at inilock ang pinto. Naglakad na kami ni Razor patungo sa aming classroom. Ngayon ko nalang ata ulit nakasabay itong si Razor, kahit na pinsan ko siya, mahirap lumapit sa taong famous.

"Zac..." Tawag niya sa akin.

"Why?"

"Nothing..." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

Razor's P.O.V.

Matagal-tagal narin mula nong huling mag-usap kaming dalawa. Namiss ko siyang kausapin. Masarap siyang kausap dahil kahit anong ikwento mo sa kanya makikinig siya, with sense or with out. Si Zac... Siya 'yong taong tumutupad sa pangako, mabait pero at the same time cool at astig, kaya alam kong marami ang nagkakagusto sa kanya. Sino ba namang hindi magkakagusto sa lalaking almost perfect na? Pogi, hunk, model... Sayang lang at... SH*T!!! Ano ba 'tong mga pinag-iiisip ko?! Hindi kaya...?! Hell, no!

Tanda ko pa noong naka-usap ko si Zhraine. Masasabi kong mahal na mahal niya talaga si Zac dahil sa reaksyon ng muka niya at tono ng boses niya kapag nagkukwento siya. Sabi pa niya na... "Si Zac? Meron siyang dalawang side, minsan mala-anghel pero minsan mala-demonyo. Akala ko noong una, masama talaga siya pero nalaman ko na nagiging masama siya hindi para manakit at magpahirap kundi para maging malakas at protektahan lahat ng taong pinapahalagahan niya. Iyon ang gustong-gusto ko sa kanya." Gano'n talaga 'yong si Zac. Hindi ko masasabing kilala ko na talaga siya dahil alam kong marami pa siyang itinatago.

Anyway, kaya tinawag ko si Zac sa dorm niya, tumawag kasi sa'kin si Ycezy na may kung anong nangyare. Pumunta daw ako sa classroom at isama ko na din si Zac.

Agad din naman kaming nakarating sa aming classroom. Binuksan ko ang pinto at... Andito ang lahat sa classroom maliban kay Scarlette at kay Zhraine, at ang ilan sa kanila ay sugatan. Anong nangyare? Mukang sumabak sila sa isang gera.


Ycezy's P.O.V.

Tinatapalan ko ang aking sugat sa braso nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nandito na sila.

"Anong nangyare?" Tanong ni Zac sa akin. Sa itsura nilang dalawa, mukang naguguluhan sila sa kanilang mga nakikita.

"Ang class 1-A..." Medyo hinihingal kong sabi sa kanila.

" Ang class 1-A? Anong meron sa kanila?" Muli nitong tanong sa akin.

"Inatake nila ang ilan sa atin. Sinugod nila ang mga estudyante ng ating section sa kani-kanilang dorm at sinaktan. Pati ako naging biktima." Paliwanag ko sa kanila.

"Ha? Bakit?" Tanong ni Razor.

"Siya na ang bahalang magpaliwanag ng lahat." Muli kong sabi sa kanila sabay turo sa upuan na malapit sa akin.

"Nahuli namin siya. Natutulog ako ng bigla ko na lamang narinig ang isang malakas na ingay mula sa may pintuan. May nagpupumilit ditong pumasok at hinahampas ito ng kung anong bagay. Kinabahan ako kaya naman agad akong kumuha ng kutsilyo at inabangan ang pagpasok ng kung sino man iyon at..." Naputol ang aking sinabi nang bigla nalang nagsalita si Zac.

"Magpahinga ka na, ako na ang bahala." Mahinahon nitong sabi sa akin. Maaasahan talaga siya kahit na... basta... Pasimple akong napangiti dahil sa mga sinabi niyang iyon.

"Ok."

........

Battles Of The Gifted OnesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora