Before I Let You Go

6.7K 126 0
                                    

One week before my flight when my friends decided to have farewell party. Despidida daw and i hate it, ayoko ng may drama and saying goodbye. Alam ko namang magkikita kami ulit kaso hindi ko alam kung kelan ulit mangyayari yun. Baka matagalan, o baka nga hindi pa mangyari dahil sa iba't ibang lugar kami nanggaling. Magkakaiba kami ng probinsya.

Sa condo ni Pat nag celebrate. Gaya ng nakasanayan nag inuman at naglaro nanaman sila. Hindi na ako sumali kasi nadala na ako the last time na nakainom ako. I played games with them, truth or dare. I was looking for Alex pero ang sabi nila sa akin i try daw niyang humabol kasi may ginagawa pa daw siya. I felt bad. After what happened parang nag iiwasan na kami. Ang daming what if's sa utak ko. Kung wala bang nagngyari sa amin ganun pa din kaya siya sa akin. Hindi ako nagsisisi, masaya akong nagawa kong maki one night stand at sakanya ko na experience. Gusto ko lang siya makita for the last time, makapag pa alam lang ba. Alam kong pinaalalahanan ako ni Sui ng paulit ulit, hindi ko lang napigilang mahulog sa kanya. Alam ko namang mahal niya ako kahit papano at hindi lang yun ang habol niya sa akin.

Patapos na ang party nung dumating si Alex. Lumapit siya sa akin and he hugged me. Tinukso naman kami ng mga kasama namin. I hugged him back. Namiss ko siya, sobra. Kung pwede lang sana mag stay ako dito kasama siya. Pero ilang araw lang aalis na din siya pabalik ng Korea. So wala talagang chance.

He also explained kung bakit inakala kong nag iiwasan kami, busy daw siya sa school kasi mag fa finals na sila. And ako inamin ko naman na nahihiya ako sakanya. Though he assured me na ok lang at wala dapat ikahiya dahil pareho daw naming ginusto yung nangyari. So now, i'm comfortable being with him. Instead of going home, we decided to stay there at dun nalang matulog. Pero hindi kami natulog ni Alex, nagkwentuhan kami magdamag, about our plans in the future. He also wanted to stay kaso pinapabalik na siya ng parents niya para tumulong sa business nila. Ako naman kelangan ko din umalis para magtrabaho at makatulong sa pamilya ko. Mas maganda ang offer doon kesa mag stay dito sa pinas.

"I'll miss you Xi. I hope i'll see you again one day." Sabi niya habang nakatitig sa mata ko. "For sure, i'll miss you too. Eh malay mo naman pag nagbakasyon ako dito sa pinas andito ka din so may chance na magkita tayo. Or malay natin, mag tour ako sa Korea, di pwede mo ako puntahan at i tour sainyo. Diba?" Then he hold my hand. "I love you Xia, i really do." Hindi ko na siya sinagot. I hugged him tight and kissed him on his cheek. Mamimiss kita Alex. Kung pwede ko din sanang sabihin na mahal kita at tayo nalang kaso pareho lang tayong mahihirapan sa sitwasyon natin.

"Xi, did you have your peruod already?" Biglang tanong niya. Napag usapan namin yung about sa hindi paggamit ng proteksyon nung may nangyari sa amin. "Not yet. Lets wait. I usually have irregular period. Wala pa namang bago sa nararamdaman ko. Lets just hope na wala." Lord please! Kahit alam kong nasa tamang edad na ako at tapos na ako sa pag aaral ko, ayaw kong lumaki yung anak ko na wala siyang tatay. "What if you're pregnant?" Hindi ako nakasagot agad. Nag isip akong malalim. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. "I dont know. Lets just wait and pray that i'm not." Ngumiti lang siya at niyakap ako. "I love you Xia. If ever you're pregnant, I will be with you no matter what. Just stay in Korea with me." Kung ganun lang sana kadali, pero hindi. "Lets see Alex. We're not sure yet. I'll inform you if whats the result. Next month." Tumango nalang siya. Wala naman akong masabi puro let's see nalang. Kasi naguguluhan talaga ako. Kinakabahan at the same time. Hindi pa ako handa. And wala naman sigurong nabuo. I cant feel anything different, its been 1 month when that thing happened.

"Lets sleep." Natulog kami sa sofa nang nakaupo.

When we all woke up, nagpaalam na kami sa isa't isa para umuwi na sa kanya kanyang bahay. I really need to take a rest. Feeling ko lutang na lutang ako. Ilang oras lang ba yung tulog ko? Sobrang inaantok pa talaga ako. I went near Alex and kissed him goodbye.

Then we all went home....

One Night with a Korean Guy (EDITING)Where stories live. Discover now