SPECIAL CHAPTER V

3.5K 82 1
                                    

The party went well. Dahil ayaw paawat ng mga kasama ko umabit kami ng 3 AM and ofcourse gustong gusto ko din dahil mas matagal kong nakasama si Alex na hindi talaga kami napaghihiwalay.

Hindi ako masyadong uminom dahil kailangan kong bantayan ang mga housemate ako at para makauwi kami ng maayos. Si Zane na halatang lasing na dahil pagewang gewang na siyang maglakad, si Ayen na pulang pula na ang mukha at si Yana na nakatungo na sa table dahil nakatulog na ata.

Lumapit si Alex sa akin at umakbay. "I already booked a room for you and your friends Xi. Maybe it's better if you'll stay here. Tutal wala naman kayong pasok bukas." Nakakahiya na. Masyado na siyang naparami ng gastos para sa akin at nagdagdag nanaman para sa hotel room.

Dahil malapit lang si Zane sa amin ni Alex kaya sumabat siya sa usapan. "Thank you Alex. You're so generous talaga. I love you na!" Pinandilatan ko siya ng mata. I love you daw. Sira ulo talaga tong babaeng toh eh. "Sige na friend. Tara na sa room. Hatid mo na kami para makaburlogs na. Tapos swimming tayo sa pool nila after breakfast. Kaya let's go na para maagang magising later. I'm so excited." Inalalayan ko si Zane na tumayo, Alex helped Yana and Ayen.

"How about you Alex? You'll go home?" Tanong ko habang naglalakad kami papuntang kwarto. Hirap siyang alalayan si Yana dahil tulog na ata talaga buti nalang at may room attendant na babaeng tumulong sakanya.

"No. I booked two rooms. I'll stay here also. I want to have breakfast with you later." Kinilig ako!

"She can sleep on your room Alex. So you can be together. Hahahahaha!" Nag init bugla iyong mukha ko sa sinabi ni Ayen. Tamado na talaga dahil pati siya nakikisabat sa usapan.

"Oo nga naman friend. Matutulog lang naman. Wala namang masama doon unless may gagawin kang iba kay papa Alex. You know!" Ang sarap kurutin ni Zane sa singit talaga eh. Hindi na siya nahiya sa mga pinagsasasabi niya. Hinihigpitan ko na ang hawak sa braso niya pero wala pa rin siyang paki alam. "Namnamin mo na friend habang pwede pa. Malay mo ito lang ang chance mo. Hahahahaha!" Pagpapatuloy niya pa.

Tinignan ko si Alex at ngiting ngiting naman siya. Alam kong pulang pula na iyong mukha ko. "Tseh! Tumigil ka nga diyan Zane. Mahiya ka sa pambubuyo mo! Utang na loob!" Bulong ko kay Zane.

Nang makarating kami kwarto ay agad nahiga si Zane sa kama. Tinungan ko naman si Alex ipahiga sila Ayen at Yana sa isang kama. Nang maayos na namin sila, i walked with Alex papunta sa pintuan para ihatid siya palabas at nung nasa labas na si Alex at mag gu goodnight na sana ako bigla akong tinulak ni Zane kaya nabunggo ako kay Alex buti nalang at nasalo niya ako. "Goodnight Alex! Goodnight friend! Kailangan na namin matulog. Matulog na rin kayo. Bye!" Nag flying kiss pa talaga ang g*ga sabay sara ng pinto. Mukha naman akong tangang nakatitig lang sa pinto.

"What the hell was that?!" Bulong ko sa sarili ko. Natauhan lang ako nung tumawa si Alex sa tabi ko.

"Your friend! She's crazy!" Tumawa siya ng malakas.

"Really crazy!" Baliw na talag ang isang iyon. Tinulak niya akong bigla, akala ko pa man din lasing na talaga, ang lakas pa ng pagkakatulak niya. Eh paano nalang pag wala si Alex na sumalo sa akin, plakda ang pagmumukha ko sa sahig. Sira ulo talagang babae! At ano? Paano ako? Dito ako sa labas matutulog? Hay naku!

Tila nabasa naman ni Alex ang iniisip ko. "Tara na. Let's sleep. Antok na ako, honey!" Malambing niyang sabi. Ano daw? Nakarami na ng pagtawag sa akin ng hon tong taong to ah.

"Anong honey! Kanina ka pa eh! Di ko lang pinapansin. At anong let's sleep? Matutulog tayo sa iisang kwarto?! A.Y.O.K.O!" Matigas kong tanggi.

"Magiging honey din kita! Just wait! Tsaka we will just sleep Xia. Kung hindi ka sa kwarto ko ikaw matutulog, saan sana aber?" Nakapamewang niyang tanong. Ang cute cute niya! Napapangiti ako pero hindi ko pinapahalata at at mas lalo ko pa siyang inirapan. "As if we didn't slept together before Xi." Namula ako. Lokong toh. Paalala ba naman ang past.

"Shut up! Where's your room?!" Ngumiti na siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.

"How cute you are honey! Tara na!" Hinila niya ako sa pintuan tabi ng room dapat namin nila Zane.

Pag pasok ko sa room, nakita kong dalawa ang single bed, nakahinga ako ng maluwag. "Thank you Lord! You're so good to me!" Tsaka ako nahiga sa kama. Antok na antok na rin talaga ako at sobrang pagod.

Pumasok naman si Alex sa CR. Bumangon ako at nangialam sa mga cabinet then there I saw a pair of pajama and a disposable underwear! Atleast I can clean my self bago matulog. Umupo ako sa kama at nagbabasa ng messages sa messenger when Zane sent message.

From Zane >Honey! Goodmornight! Sleep well!<

Napapangiti ako habang binabasa ko iyong message. Ang lakas niya talaga mang asar. At alam niya pa iyong honey thing na iyon. Hindi ko na rereplayan at hahaba pa ang usapan.

"You're smiling? Sino ka chat mo? Boyfriend?" Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng CR. Naka pajamas na rin siya. Ang gwapo pa rin. Natulala ako sakanya kaya hindi agad ako nakasagot. "Hey! Xia!" Tawag niya ulit sa akin.

"Ahhhh! Ano! Ahhh! Sira ulo!" Sigaw ko sakanya "Pag nag smile boyfriend agad! Wala akong boyfriend!" Tumayo na ako sa kama at nagmadaling pumunta sa CR. Ang shunga mo Xia. Buti nalang fi tumulo laway mo! Kaloka ka!

Narinig ko siyang tumawa ng malakas. "You'll be having a boyfriend soon Xia. Real soon!" Gusto ko sanang sumagot at sabihing, Sana nga at sana ikaw iyon. I just silently prayed for it.

Nagbabad ako sa bath tab, dahil sa sobrang pagod tinatamad na aking tumayo kung sana pwedeng dito nalang matulog mas nakakarelax pa pero naalala kong may kasama nga pala ako sa kwartong iyon. Gising pa kaya ang mokong na iyon. Binilisan kong magbihis at lumabas na ng banyo, pagtingin ko sa kama ay parang himbing na himbing ng natutulog si Alex, lumapit ako at tinitigan ko siya. Ang gwapo niya, mas lalong gwumapo siya ngayon, mas nagkaroon siya laman kumpara noon na mapayat, mas matured na siya tignan. "Alex, thank you is not enough to say on how grateful and thankful I am today. Grabe ka! Naiiyak talaga ako eh. Alam mo bang ang birthday wish ko lang ay iyong makarating ka na dito at makasama ka sa araw na toh pero you did more than that. Kaya iyong tampo ko saiyo simula nung hindi ka masyadong nagparamdam nawala na lahat nung nakita kita kanina, may pa surprise birthday party ka pa. Gustung gusto tuloy kitang sakalin sa yakap! Alam mo ba iyon ha? Thank you so much. I miss you a lot. Alam kong hindi mo ako naririnig dahil tulog ka na pero hindi na kasi makapag antay tong thank you ko. Debala pagkagising mo, uulitin ko ulit tong speech ko. Hahaha!" I am about to kiss him on his cheeks pero napansin kong nakangiti siya! Ang walang hiya gising pala at narinig niya lahat ng sinabi ko. Ramdam kong ang init init ng mukha ko. Nakakahiya.

He pulled me on his side nakatalikod ako sakanya then he hugged me. "Let's sleep hon. Promise wala akong gagawin. I'll just hug you. Namiss din kita, so much. So matulog na tayo, we'll have a lot of things to do later. And hon, you're most welcome!" He hugged me tighter ang kissed me on my head. Hindi na ako sumagot. Pinikit ko ang mata ko and silently thanked God for the wonderful gift i received in this special day.

One Night with a Korean Guy (EDITING)Where stories live. Discover now