Truth or Consequence?!

7.5K 134 3
                                    

Noong una ay tinatantsa ko ang iniinom ko dahil ayoko talaga ng sobrang nalalasing. Dahil sa epekto ng hangover at pati na rin sa ugali ko pag nasobrahan ako ng alak. Nagiging mainggay ako, salita ako ng salita, tawa ng tawa at mapang asar. Kaya laging andiyan si DD sa mga panahong nagkakainuman.

Pero dahil sa mga larong pinangunahan ni Pat, napapadalas ang tungga ko dahil panay panay ang talo ko. Medyo nahihilo na nga ako, pero kaya ko pa naman. Mababa lang din talaga ang alcohol tolerance ko.

Kakaubos pa lang nung unang bote ng alak, na ako ata ang may pinakamaraming nainum. Si Pat, pinalitan nanaman ang larong nilalaro namin kanina. Spin the bottle at  truth or consequence nanaman daw ang choice pag sayo tumapat iyong bote. Pumayag naman iyong mga kasama namin. Tumanggi ako kaso inasar nanaman ako ni Pat na KJ kaya pumayag nalang ako. Wala nanaman akong choice.

Masaya ang naging laro namin nung una kasi iyong mga consequence na ibinibigay ni Pat na siyang madalas nang uutos ay puro kalokohan. Sasayaw sa gitna ng kung anu ano. Kakanta, magtutula, magdradrama at kung anu ano pa. Maliban nalang nung tumapat kay Alex iyong bote. "Hohoho bespren! Ikaw na, ikaw na" Tuwang tuwa si Pat na pinapaikot pa iyong hintuturo niyang nakaturo kay Alex. "Truth or consequence! Ha-ha-ha!" Ang tagal bago sumagot ni Alex inaasar din ata niya si Pat, kunwari pa siyang nag iisip. "Ano ba bespren, why it takes you long time to think. Truth or consequence lang ohhhhh!" Nabubugnot nang sabi ni Pat.

Tumawa naman si Alex bago sumagot. "Just wait! I'm thinking hard. Why so excited my friend?" Pang aasar ni Alex.

"Eh bakit ba, excited na kung excited. Bilis na. Truth or consequence?" Di pa din sumasagot si Alex. "Sabihin mo nga, ilang minuto ka pa ba mag iisip? O baka naman abutin ka na ng ilang oras dyan, matulog nalang tayo. Napakatagal! Itigil na natin toh! Inaantok na din sila." Mukhang asar na asar na talaga si Pat. Hindi naman umiimik iyong mga kasama namin. Nakatingin lang kami sa kanila na parang hindi kami kasali sa laro. Masyadong madaya si Pat dahil umiiwas siya sa bote pag malapit nang tumigil sa pwesto niya.

Nananahimik kaming lahat nang magsalita si Alex, "Ok let's go to sleep! Haha." At akmang tatayo na siya nung hinila siya ni Pat paupo ulit. "Oh bakit ba, sabi mo inaantok na kayo. Tara nang matulog, itigil na natin toh!" Dagdag niya pa.

"Op Op!" Pigil nanaman ni Pat kay Alex sa pagtatangkang pagtayo niya ulit. "Bespren, huwag kang masayadong madaya. Ginawa nila iyong mga inutos ko para sa consequence nila. Ikaw nalang ang hindi at si Xia, kaya dali na. Truth or consequence?!" Tanong niya ulit kay Alex.

"Fine! Fine! Consequence!"-Alex

"Consequence lang naman pala ang pipiliin, pinatagal pa!"-Pat

"Oh sige binabawi ko na. Truth nalang!"-Alex

"Hindi na pwede bespren. Nakapili ka na eh, gawin mo nalang iyong papagawa ko! Hahahaha!"-Pat

"Bakit parang ang daya! Ikaw ng ikaw ang nagbibigay ng consequence sa amin. Lahat tayo kasali dito ah!"-Alex

"Nag a agree naman sila sa pinapagawa ko ah. So anong problema doon?"-Pat

"Ah ganun? Tignan natin mamaya. Ano na? Sabihin mo na kung anong gagawin ko. Ang tagal naman."-Alex

"Woiiii!! Masyadong excited si bespren. Hahaha."-Pat

"Ano ba Pat! Atat na atat ka kanina sa kakatanong sa akin kung truth or consequence, ngayong sinabi kong consequence ang tagal tagal tagal mong sabihin kung anong gagawin ko. Tara ng matulog. inaantok na sila kakaantay sa ipapagawa mo!"-Alex

Pat looked at Alex then smirked, may kalokohan atang ipapagawa to kay Alex ah!

"Um it's like this bespren, kissxiaonherneck!" Mabilis iyong sinabi ni Pat kaya di namin naintindihan.

One Night with a Korean Guy (EDITING)Where stories live. Discover now