SPECIAL CHAPTER VII

3.2K 68 2
                                    

Last 4 chapters nalang po!

----------------------------------------

XIAs POV

I filed my vacation leave for one month. Ang dami naming plano ni Alex na pupuntahan. Sobrang saya ko syempre dahil makakasama ko siya in one month, iyong kaming dalawa lang.

Una naming pinuntahan is Geogia then to Armenia. Tag 3 days lang kami doon. We really enjoyed a lot, matagal ko ng plano ang pagpunta sa mga lugar na iyon at hindi ko talaga lubos akalain na si Alex pa ang makakasama ko. Then balik kami ulit dito sa bansa kung saan kami parehong nag stay for work. Namasyal at nag enjoy sa mga tourist spot.

Then the night came for our date, I am wearing a white tube dress na five inches above the knee paired with a 3 inches white wedge sandals. Gusto ko simple lang kaya nilugay ko ang buhok ko and a light make up on my face. Syempre kahit ganun kasimple nakakablooming pa rin dahil andito na si love of my life. Charot lang. 8 PM daw ako susunduin ni Alex, 7 30 na and I'm ready.

10 minutes to 8 nung dumating siya, wearing a baby blue polo and slacks. Simpleng tignan pero ang gwapo bes! Heart heart nanaman ang mata ko. Sabay kaming bumaba ng building and we used my car syempre siya na ang nag drive tutal may international drivers license naman siya.

When we arrived at the hotel kung saan ang date namin, ang bongga! Dahil week end ngayon, madaming tao pero may naka reserve naman ng table for us at sa gitnang gitna pa talaga. Nung naglalakad kami papunta sa table namin lahat ng tao napapalingon, dahil siguro sa kasama kong gwapo, medyo agaw eksena tuloy kami.

Nang makaupo na kami may sinerve nang pagkain, alam niya ang mga gusto kong pagkain kaya nag order na daw siya bago kami dumating para hindi na kami mag antay sa mga o orderin namin. Masyado akong naka concentrate sa pagkain ko, sobra akong nag eenjoy dahil sobrang sarap kaya hindi ko napagtuunan ng pansin si Alex na pinapanuod pala akong kumain. Nailang tuloy ako bigla kaya nagdahan dahan akong kumain. "Sus! Nakarami ka na ng kinain, ngayon ka pa nahiya eh patapos ka na. Eat more. Enjoy the food. I know you're hungry." Nangingiting sabi niya. Obvious naman na gutom talaga ako ang bilis ko kayang sumubo kanina, nakakahiya tuloy baka maturn off. Pero kumain pa din ako, gutom ako. Gutom na gutom dahil sa excitement na nararamdaman ko dahil sa date namin hindi na talaga ako nakakain ng lunch kanina puro tubig nga lang ako.

"Lex, excuse for a while. Punta lang akong restroom." Magreretouch lang ako. Baka nabura na iyong lipstick ko. Ayoko pa man ding nawawalan ng kulay iyong lips ko.

Tumawa siya ng malakas. "Oh why? Nabusog ka ba masyado. Ang dami mo kasing kinain. Masakit ba stomach mo?" Tanong niya pa.

Inirapan ko siya ng bongga. "Actually, gutom na gutom pa nga ako eh. Kulang pa iyong kinain ko. Wait ka lang diyan, babalikan kita. Magreretouch lang ako tapis ipag order mo ako ulit ako ng food. Ikaw magbayad!" Binelatan ko siya tsaka umalis na ako papuntang restroom. Tumatawa lang siya habang paalis ako.

Sira ulo talaga. Iniisip niya pa atang na empatso na ako sa dami ng kinain ko. Kakain pa nga sana ako kaso nakakahiya na sakanya dahil halos lahag ng inorder niya ako ang umubos. Konti nga lang ata iyong nakain niya. Nabusog na siguro siya sa kakatitig sa akin. Inayos ko ang sarili ko. Naglagay ako ng lipsctick, tinitigan ang sarili ko sa salamin, nang makontento ako at gandang ganda na ako sa sarili ko tsaka ako lumabas.

Habang naglalakad ako ay napansin kong parang wala si Alex sa table namin at nakumpirma ko ngang wala siya doon ng makalapit na kami. Tumayo lang muna ako at nagpalinga linga sa paligid baka may pinuntahan lang o baka nasa restroom din. Huwag lang siyang umalis dahil hindi ko alam kung bayad na ba ang mga kinain ko, wala pa man din akong dalang kahit na ano, pouch bag lang na cellphone ang laman. Baka balak niya pang paghugasin ako dito. Juskow! Luminga linga pa ako pero dahil mahigit limang minuto na akong nakatayo at nakakaagaw na ako nv atensyon sa mga katabi naming table ay uupo na sana ako pero biglang nagsalita si Alex.

Napalingon ako kung saan banda nanggaling iyong boses na iyon, nasa mini stage siya kung saan may mga kasama siyang may hawak ng gitara, nakaupo sa harap ng keyboard at drums set. Parang alam ko na kung anong gagawin niya, kakanta siya. Maganda naman talaga ang boses niya dagdag points iyon sakanya. Gwapong matalino at talented. Nanatili akong nakatayo at nakatingin na ang mga tao sa paligid namin sa akin at sa kanya. "Hi people! Goodevening to all of you. Sorry for interupting you on eating. I just can't wait to do this. Hi Xia, this is for you hon!" Sobrang init ng mukha ko. Alam kong pulang pula nanaman ako. Anong pakulo nanaman kaya netong lalaking eto. Kahit medyo nangangawit na ako nanatili pa rin akong nakatayo at nakatingin sakanya.

Nagsimula silang tumugtog. Nakatitig lang sa akin si Alex.

I need you
Is all that I can say
But deep inside of me
You'll know I want you more each day
But time won't let me have the chance
So I've got to see you even at a glance

I want you too Alex, kung alam mo lang. I had the chance before pero wala akong choice kundi maghiwalay ang landas natin. Kailangan mong bumalik ng Korea para sa pamilya mo.

I know, it's hard for you to see
Exactly how much you mean to me
Since it's just a one way street
And I'm the only one who's on it
No one knows the way but me

Alam ko kung anong nararamdaman mo, ganun din naman ako saiyo.

I love you can't you hear me
Oh can't you please see through me
Oh honey I need your love so badly
It's no lie so please believe me
In my heart you'll see the real me
You just gotta give me a chance

Handa na nga ba akong bigyan ng chance iyong tayo. Nagugulahan din ako dahil natatakot ako sa sasabihin ng pamilya mo. Baka mas gugustuhin parin ng nanay mong kalahi mo ang makatuluyan mo.

Since I got that off my chest
All I need to let you know
Is I really did my best
To Keep this feeling inside
But there's just no place to hide
So please be my love

Mahal kita. Noon hanggang ngayon, ikaw pa rin kahit nagkaroon ako ng karelasyong iba. Ikaw pa rin.

I love you can't you hear me
Oh can't you please see through me
Oh honey I need your love so badly
It's no lie so please believe me
In my heart you'll see the real me
You just gotta give me a chance

Give me a chance
Give me a chance

Ikaw ang nagpapasaya sa akin. Kung hindi kita bibigyan ng chance, kung hindi ko pagbibigyan ang sarili ko ngayon baka mawala nanaman. Naguhuluhan na ako. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Ano pa ang dapat sabihin Alex? Mahal kita. Sapat na ba yun kahit maraming tututol kung sakali mang maging tayo.

"Xia, I know it's still early to ask. I don't know if you're feeling the same way I'm feeling. Years ago, I wanted to ask you the same question I'll be asking now. I wasted too much time to be with you and you to be mine. I know you have your reasons way back then but I hope this time you'll give me a chance, you'll give us a chance. Xia, can you be my girlfriend?" Hindi ako nakasagot agad. Tumulo na luha ko. Mahal kita Alex. Mahal na mahal kita.

Pero natatakot akong baka hindi mo ako kayang ipaglaban sa pamilya mo. Nakatingin lang ako sakanya ng matagal. Nag aantay din ang mga taong nakapaligid sa amin ng sagot ko.

"Xia........." Tawag ulit ni Alex sa akin kaya napatingin ako sakanya tsaka ako yumuko dahil mas lalong bumuhos iyong luha ko.

Vote! Vote! Vote!

One Night with a Korean Guy (EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora