Chapter 13: The Announcement

69 1 2
                                    

Dahil medyo matagal tagal din akong di nag-update, dalawa ang post ko ngayon. Ang sama ng panahon sa kin. May summer class ako, kaya sana wag naman po kayong maasar pag medyo matagal tagal ang update ko, at kahit di kayo marunong mag-ingay, i'm still doing my best para matapos ko etong short story ko.

Unfortunately, ito na ang best ko kasi I'm still a novice and I'm looking forward for these following days na someday somehow I'm going to take another step forward as a writer (even though being a writer is not my dream)

And I hope ipagpatuloy niyo ang pagbabasa...maraming thank you sa inyo!

Chapter 13: The Announcement

Ana's POV

"Angela, meet Ana, friend namin" pagpapakilala sa kin ni Ivo sa babae na nasa harap namin.

"Yeah Angela, this is Ana. Kaibigan namin, taga, ahm Ana taga san ka na ulit?" tanong ni Travis.

Pero yumuko lang ako. Hindi ko din kasi alam kung saan ang sasabihin kong lugar. Simula kasi nang dumating si Ivo sa buhay ko, ayoko nang magsinungaling.

"Ah, sa Rising Sun Village din. Kapitbahay ko siya. Pero dahil close na kami, sa bahay na siya nakatira ngayon. Nagipit din kasi siya kaya hindi niya nabayaran yung upa niya." pagpapaliwanag ni Ivo, inakbayan niya ko kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa kin at ngumiti.

"Ah, that's good! Nice meeting you Ana" in-offer niya ang kamay niya at masaya ko namang tinanggap yun. Mabait naman pala tong si Angela eh. Bakit kaya kung ano-ano sinasabi ng mga siraulong to?

"Hello Angela! Masaya akong makita ka. Madalas kasi kitang marinig kila Ivo eh" at ngumiti din ako sa kanya.

"Oh! Really? Natuwa naman ako sa sinabi mo. For me that's a very very good news. Miss ko na din si Ivo eh. I'm sure miss na din ako niyan, dahil sabi mo nga nababanggit niya ako sa iyo" napakunot-noo ako sa sinabi niya. Bakit ganon ang sinabi niya? May connection ba si Ivo sa kanya?

"Ah, tama. Happy birthday Angela!" binati ko din siya. Hindi naman ganoon kasama ang ugali ko eh.

"So what are we waiting for? Guys, doon na kayo sa harap. I prepared for an exclusive table for you. Please please, follow me."

At dinala kami ni Angela sa isang table na iba sa lahat. Mas maganda ang table na ito kaysa sa iba kaya naman talagang pang-VIP ang seat na ito. Pero, anim lang ang seats doon. Para siguro kay Bryan, Alex, Travis, Darren, Kelvin, at Ivo. Sabagay ay ngayon lang naman kami nagkakilala kaya siguro kulang ng isa.

Umupo na sila, pero in-offer ni Ivo ang seat niya sa kin.

"Ana, dito ka na umupo, kukuha na lang ako ng ordinary seat" paalis na siya pero hinawakan ko ang kamay niya, with puppy eyes, siguro naman ay nakuha niya ang ibig kong sabihin...

"Wag mo kong iwan, please" sabi ko sa kanya.

"Don't worry Ana, magkatabi pa din tayo. Hindi kita iiwan dito. Sige na, I will join this table. Hello, dito ako nakaassign na uupo ano." ngumiti siya sa kin kaya naman hinayaan ko na lang siya.

Bumalik din siya after a minute.

"So it seems like you are all in your places now! Before we celebrate, ladies and gentleman, let's first welcome the birthday celebrant!!!" pagkatapos ay isang nakakabinging palakpakan ang sumingaw sa kabuuan ng bulwagan.

At lumabas na si Angela, pero ang suot niyang damit, hindi katulad ng damit na suot niya kaninang nagpakilala siya sa akin. Mas maganda ang dait niya, more likely, I can tell that she is a princess.

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon