Chapter 11: Rest-Oh-Rant

69 2 0
                                    

At dahil mahal ko kayo, two chapters ang in-update ko, and this chapter is for JhonaLaTorre... Hi dear, this is dedicated to you...

I just hope i-continue niyo ang pagbabasa sa mga kaambisyosahan ko. Though hindi naman ako umaasa na mapunta s On-The-Rise List, nagsusulat ako ng mga stories para lang may maishare. But please mga mahal kong readers...

COMMEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEENTS naman jan oh! ^_^ haha, sorry ha, medyo demanding ako...pero mahal ko pa rin kayo!

I am sorry, pero kung miss niyo na ang POV ni Ana, wait lang kayo ng konti, kasi sa part na ito, we will be more on Ivo's POV. And the next chapter goes like this...

Chapter 11: Rest-Oh-Rant

---------->> Angela's picture

Ivo's POV

Wow! Parang ganado yata akong gumising ngayon! Monday na naman. Buti na lang wala akong pupuntahan. Tutal 6am pa lang, maganda nang lumabas labas. Bihis muna, pajamas palit ng shorts, damit pantulog palit to t-shirt, and fury slippers palit to rubbers. Baba na muna. Diretso ako agad sa sink para mag-gargle.

"GRLGRLGRLGRLGRLGRLGRLGRL...kwerk!!!" ayan, nakamumog na. Mabango na hehe.

Kahit maaga pa, talagang inagahan ko ang magising, kasi gusto kong bigyan ng magandang surprise si Ana. Tinawagan ko si Darren.

Matapos ang ilang rings...

"O pare" --Darren

"Ah, gandang umaga pare, pwede ka pumunta sa bahay?" tanong ko sa kanya.

"Ha? E sakto pala eh, papunta talaga ako jan" --sagot niya naman

"Ah, o sige, hintay kita dito, dalian mo lang ha." ---ako

"Ok, I'm just 3 blocks away" huli niyang sabi, at pinatay ko na ang phone.

Nagtimpla muna ako ng coffee para sakto pag dumating si Darren.

*DING...DONG!...DING..DONG!...DING.DONG.DING.DOOOOOOOOOOOONG!!!!!!*

Anu ba yan, wawasakin ata ang doorbell namin eh! "Hoy pumasok ka na nga lang!!!" sigaw ko para tumigil na, baka magising pa mga kapatid ko eh.

At nakita kong pumasok si Darren. "Oh, bakit mo ko pinapunta dito? Para magkape?" tanong niya sa kin. Sarap sipain eh.

"Hoy pre, bat ikaw? Ano sana gagawin mo dito ha?" tanong ko pa sa kanya, tsaka kami nagtawanan. Si Darren ang pinakaclose ko sa mga kabarkada ko next to Travis. Pag wala si Travis, si Darren ang tinatawag ko, though sila mama naman si Bryan ang pinakagusto. Magkakaibigan kasi ang mga magulang namin.

"Ah, Ren, magpapatulong sana ako sa yo, saan ba pwedeng kumuha ng trabaho? Yung magaan lang ha, yung mejo pambabae" bungad ko sa kanya.

"Ano kamo? Trabaho? Aanhin mo naman ang trabaho? Tsaka bakit pambabaeng trabaho? Nashushuklit ka na ba teh???" tanong nito sabay padaan pa ng daliri niya sa gilid ng tenga. Nakakainis talaga to.

"Ano bang pinagsasasasasasasasasabi mo jan? Hindi! Hahanapan ko lang ng trabaho tong katulong namin, para di siya maboring pag wala kami dito sa bahay."

"Ah you mean si Ana?" tanong niya sa kin.

"Oo para sa kanya yung trabaho." sagot ko naman.

"Haha, pare, hulog ka talaga ng langit! Hindi ka lang inihulog, tinadyakan at itinulak ka pa pababa dito sa langit! Alam mo ba kaya ako pupunta dito, tatanungin ko sana kung may kilala ka bang pwedeng maging trabahador ng tito Rant ko para sa Resto niya" masigla sabi ng mukhang balakubak na to.

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Where stories live. Discover now