Chapter 16: Ana or Angela

71 0 0
                                    

Sige lang, just read, tuloy tuloy po ito, gaya ng promise ko, sa next update ko will be five chapters talaga, hehehe…

-------------------------------------------

Chapter 16: Ana or Angela

Naging maganda naman ang interview ko sa tito ni Darren. He's fun!  Gusto nga niyang ilagay na agad ako sa leading chef eh. May tatlong stage pala sila. Pinapili ako kung anong gusto ko, sa kitchen o sa sink.

Pag sa kitchen, mga pagluluto ang aasikasuhin mo. Pag sa sink, yung mga utensils ang iyo. Parang tagahugas lang ba ng mga plates…eeeeew! Hindi  para sa ganon ang beauty ko noh! Waiter pwede pa eh. Syempre irarampa ko ang beauty ko. So pag bagong pasok ka pa lang, distributing chef, pag napromote ka magiging leading chef ka na, at pag napromote ka pa magiging head chef ka na.

Mabait naman yung tito niya. Kaya pala Rest-Oh-Rant ang pangalan ng resto eh dahil sa namayapang ama ng tito ni Darren na si Amarante Marasigan Sr. Di ba? It's time for Rant to Rest kaya Rest-Oh-Rant. Kuha niyo ba?

Pinakita din sa kin lahat ng sulok ng lugar ng yun. Maluwang siya, sliding door ang main gate at may maliit na garden sa harap. Pinasok namin yung pinaglulutuan at mabango sa loob. Grabe mahihiya kang umutot dito.

Sa place naman kung saan nakaayos lahat ng mga gamit kagaya ng kaserola, kawali, mga sandok, atbp, wala kang masasabi, ang linis talaga. Walang amoy pusali at kanal.

Tuwang tuwa talaga ako, at salamat kay Ivo, at kay Darren.

"O sige mag-ingat kayo. Ana, sa Monday ka na lang magsimula para maihanda mo pa ang sarili mo" huling sabi ni Sir Rant.

Ngumiti na lang ako.

"Ah, sige po Uncle, ako na po bahala sa kanya" at umalis na din kami.

Hay salamat!!! Ang saya saya talaga. Alam mo yung feeling na may trabaho ka na tapos expected na in just a month makakahawak ka ng perang pinaghirapan mo. ^3^

**********

1:00 in the afternoon...

Ang bango naman! Ano ba yung amoy na yun?Galing yata sa kusina? Ngayon lang ako nakaamoy ng ganon kabangong food. Alam kong food yon. Dahil alam ko ang pinagkaiba ng amoy ng pagkain sa hindi pagkain -_-

"Ma, andito na kami!!!" sigaw ni Ivo mula sa sala. At…

BLINX!

Tunog ng isang bagay na nabasag.

Waaaaah!!! Ano yun?!? Napatakbo ako at nagtago sa likod ni Ivo.

"Ivo my dear! Anjan na pala kayo!!! Haha! Masaya ako't nakauwi na kayo! ^3^" sinalubong kami ni tita, ah tita, ahm tita ano, tita kwan…

ANO NA NGA ULIT PANGALAN NIYA????? >:-( kalimutan ko!

Halaya?

Malaya?

Ampalaya?

Argh! Nevermind!

Nagbesobeso pa sila, at ako naman niyakap! Wow! Ang warm naman. (Nanay kooo, miss na kita!)

"Oh, sige prepare yourselves dahil nagluluto si mommy ng masarap na tanghalian! I'm sure hindi pa kayo kumain kaya naman gusto kong tikman niyo ang Gia's  Macaroon in Hot Soup a la keso de royale with fish sauce con du 'creme" ano daaaaaaaaaaaaaaaaaaaw!!!

?___? Ano yun? Nakakain ba yun???

"Wow! I know masarap yan, naaamoy na kasi namin eh" ngiting ngiting sagot ni Ivo at halatang gutom na din.

"Iha, feel free to approach me kung kailangan mo ko ha! Ahahaha" haaaaaaaaaaa??? Ok lang naman sa kin na i-approach ko siya, hindi naman ako mahiyain, makapal nga mukha ko eh. Pero bakit kailangang tumawa siya???

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Onde histórias criam vida. Descubra agora