Chapter 10: Painful Past

70 3 0
                                    

Salamat kay Siz Camille ko!!! Siz salamat at binasa mo ang walang kwentang kwento ko, hahaha! Kaya naman this chapter is dedicated for you again! Mwah! Wait ko yung 3Weirdos mo ha...Godbless!!!

Hi, mga dear readers, salamat kay JhonaTorres na fan ko, don't worry next chapter is dedicated to you! Mwah!

And to my readers, salamat at umabot ako sa 100reads, that's why I am very inspired to make the next chapter for my story...

Chapter 10: Painful Past

Ivo's POV

Kahit napagod kami sa buong araw at oras na naman ng pagtulog, hindi ako makatulog....why why why?

Binuksan ko na yung bintana, wa epek. Isinindi ko na yung aircon, wa epek. at nagsando na lang ako, baka kasi init ang  dahilan kung bakit ako hindi makatulog,

PERO WA EPEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEK! Ay, is this what they call hell? Nakakainis naman. Sabagay, this is not the first time naman na hindi ako makatulog, and  probably, gagawin ko ang dati kong ginagawa para makatulog. Magpapahangin na lang muna ako sa labas.

-----------------------------------------------

Hay! Fresh air!! I miss you! Lumanghap pa ako ng hangin at pinuno ko ang dibdib ko. Ang lamig, nakakaantok tuloy.

HaCHOO!

HaCHOO!!!

HAAAAAAAAAA...CHOOOOOOOOO!!!

Napatalon ako sa narinig kong nagsneeze. Hanep naman yun, akala ko pa naman ako na lang ang gising! Hinanap ko kung saan galing yung nagsneeze.

Tumingin ako, sa likod sa harap sa taas sa baba at paikot-ikot pa, but to no avail. Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo ko. Hindi kaya....

AH HINDI! HINDI! Kelan pa naging haunted ang bahay namin? Diyos ko po, iligtas Niyo po ako.

"Bakit gising ka pa?" tanong ng nasa likod ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" itinutok ko ang flashlight na hawak ko sa nagsalita, at saka ako kumaripas ng takbo. Nagtago ako sa isang bush sa landscape na ginawa ng papa ko. Sumilip ako.

Ang walanghiyang Ana, nasa harap ko at tawa nang tawa.

"ANO KA BA ANA?? GUSTO MO NA BA AKONG MAMATAY HA! NAKAKAINIS KA. BAKA AKALA MO NAKAKATAWA YANG GINAWA MO! SH*T!!!" tsaka ako lumapit sakanya. Nanlaki naman ang mata niya at halatang natakot sa akin.

"Hoy sorry naman daw, hindi naman kita ginulat ah! Di ba nga tinanong ko lang kung bakit gising ka pa? Nakakatakot ba yun! Tsaka anong malay kong takot ka pala sa..."

"Pwede ba Ana! Muntik na kitang masaktan kanina, alam mo ba ang balak ko ha? basagin ang flashlight na to sa ulo mo! At pano kung nasaktan nga kita ha? Alam mo ba? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!!!" sigaw ko sa kanya agad, kahit hindi pa siya tapos sa sinasabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya, at siya, natulala at napanganga sa sinabi ko. At ako din, nagulat. Did I just say those words? Bakit yun ang lumabas sa bibig ko? The hell with this girl!

"Ahahahahaha, hahahahahaha, hahahahahahahaha, ahahahahahaha!!!" ay, ang bwisit na babaeng to. Tumawa? Ang galing ng reaction niya ha, appropriate sa sinabi ko.

Sa sobrang pagkapahiya ko sa sarili ko, tumakbo ako sa loob ng bahay papunta sa kwarto ko.

"Ivo, teka lang, uy joke lang" habol niya sa akin. Nakaakyat na ako sa kwarto ko tsaka ko isinara.

"Ivo! Ivo! Anu ka ba?? Nagbibiro lang naman ako eh, oi buksan mo nga to!" sigaw niya mula sa labas. Feeling ko nagsipag-akyatan ahat ng dugo ko sa tenga ko. Ano ba naman kasi Ivo, bakit mo ipinagkanulo ang sarili mo? AAAAAAARRRGGH!!!

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Where stories live. Discover now