Nawala sa isip niyang hindi pa nga pala siya nakakapagpalit ng damit simula pa kagabi. Kaya naman may dugo pa ni Malik ang kanyang damit.

"Hmm.. nasugatan kasi si daddy, wala naman akong damit na pangpalit kaya hindi na ako nakapagpalit"pag-amin niya.

"What?"sabay-sabay pang tanong ng mga bata.

"Where is daddy?"nagsimula na namang magpalahaw ng iyak si Jade.

"Nasa hospital"alanganin niyang sagot sa mga anak.

Nagsimula na namang umiyak ang mga anak niya sa sagot niya kung nasaan si Malik. hanggang sa makaakyat siya sa kwarto umiiyak ang mga ito at kinukulit siya ng mga ito na puntahan si Malik sa ospital.

"Let your mom change her clothes first and take a rest"malambing na turan ni Ana sa mga anak niya.

"But Tita Ana, we want to see daddy na"pangungulit pa di ni Jade sa tita nito.

"Magbibihis lang ako ng damit Ana, pupunta na kami ng ospital"aniya sa kapatid.

"Pero ate, tinawag sakin ni Benj wala ka pang pahinga. Hindi ka pwedeng mapagod ng husto. You have to take care of your self more kasi hindi ikaw nalang ang mapapagod ngayon"sermon naman sa kanya ni Ana.

"Sa hospital na ako magpapahinga Ana, wala naman akong gagawin doon babantayan ko lang si Malik, don't worry okay maayos kami ni BABY."natatawa niyang sagot sa kapatid niya.

"Mommy sinong baby? Si Daddy po ba?"nagtatakang tanong sa kanya ni Jade.

Hindi pa nga pala alam ng mga anak niya ang tungkol sa pagbubuntis niya.

"Mom?"naiinip na tanong naman ni King sa kanya.

"Buntis po si Mommy niyo nga kids kaya wag niyo ng kulitin si Mommy niyo na puntahan si daddy niyo, pagpahingahin niyo muna si mommy niyo"si Ana ang sumagot para sa kanya.

Nagtatalon naman ang mga anak niya ng malaman na buntis siya.

"Yehey, magkakababy na tayo.. magiging ate na ako.."masayang turan naman ni Jade.

"mommy alam na ba ni Daddy?"masayang tanong naman ni Duke.

Tumango lang siya bilang sagot sa anak niya. Mas lalo tuloy siyang kinulit ng mga ito na puntahan na si Malik para naman makwentuhan na dawn g mga ito si Malik.

"Ate"tawag sa kanya ni Ana.

"Hayaan mo na Ana, hindi naman na ako mapapagud sa ospital"sagot niya dito.

Nang makapagbihis na siya umalis na din sila ng mga anak niya patungo sa ospital.

Pagdating nila doon nagulat pa ang mga kaibigan ni Malik na dumating sila. Kasi naman halos dalawang oras lang yata siyang nawala sa ospital.

"Daddy!!!"tawag ni Jade kay Malik.

Hindi pa din naman nagigising si Malik.

"Shhh, wag kang maingay Jade baka magising si Daddy"saway naman ni King sa kapatid.

"Kaya nga ako nag-iingay kasi po gigisingin ko na si Daddy"sagot naman ni Jade.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan ni Malik sa mga kakulitan ng mga anak nila.

"Issay dapat nagpahinga ka na muna"baling sa kanya ni Marco.

"I'm fine...mas gusto ko kapag nagising si Malik nandito ako"sagot naman niya.

"Baka hindi pa magising yang damulag na iyan ngayon Issay. Nakageneral anesthetic eh"turan naman ni Jake.

"Mom whats general anesthetic means?"inosenteng tanong naman ni Jade.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now