Thirteen

203K 2.9K 13
                                    

Thirteen

Issay's POV

Ang bilis lumipas ng araw sa kanila. Nakakadalawang buwan na pala ang relasyon nila ni Malik. Maayos naman silang dalawa, ang laki ng improvement ni Malik.

Hindi na nagdadala ng babae si Malik sa condo niya. Hindi na din ito madalas na magpunta samga bar. Kadalasan kasama lang niya ito sa bahay at nagkukulitan lang silang dalawa.

Paglinggo naman umuuwi sila sa bahay ng nanay niya at doon magstay maghapon. Alam na din ng nanay niya ang relasyon nila. Ang galing nga kasi sinuportahan pa ng nanay niya ni Malik para sa kanya.

Masaya na siya sa buhay nila ni Malik. Perfect na ang lahat para sa kanya, hindi naman niya hiniling na makatuluyan niya ang lalaking nakakuha ng virginity niya atleast ito kasama naman niya ito palagi.

Para na nga silang mag-asawang dalawa. Kasi tabi na sila sa pagtulog. Ginagawa din nila ang ginagawa ng mag-asawa, kasal nalang ang kulang sa kanila.

Pero sabi nga ni Malik hindi pa sila pwedeng magpakasal nito ngayon kasi bata pa daw siya masyado. Gusto daw nito na mag-enjoy muna siya sa buhay dalaga. Pero syempre hindi na siya pwedeng tumingin sa mga boys. Kasi committed na siya kayMalik, kasi boyfriend na niya ito.

Well wala naman na siyang mahihiling pa. wala na siyang hahanapin pang iba, kay Malik palang sapat na ang lahat.

Binibiro pa ngasiya ng mga kaibigan niya. Para daw sugar daddy niya si Malik kasi ang dami ng binigay sa kanya si Malik.

Ang gwapo at ang bata namang sugar daddy ni Malik kung nagkataon.

"Kamusta ang maghapon mo?"tanong sa kanya ni Malik habang kumakain sila ng hapunan.

"Okay naman, nakakapagod palang mag-aral ng college"sagot naman niya.

First day niya sa college. Isa pa ito sa binigay sa kanya ni Malik, pinag-aaral siya nito ng collage. Ito na din ang magpapaaral sa mga kapatid niya.

"Sa una lang yan. Kasi first day mo palang ngayon."natatawang sagot nito.

"Hmm, oo... sabi din nila Kyla ganito din daw sila noong first day nila"napabuntong hininga siya.

"What for the sigh?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Malik.

"Nahihiya na kasi ako sayo"pag-amin naman niya dito.

Mahina naman itong tumawa.

"Ano ka ba, you deserve all these. Isa pa isipin mo nalang na for our future din lahat ito. So kailangan mong mag-aral mabuti para kapag nakapagtapos ka na ikaw naman magtrabaho. Ako naman dito sa bahay."tumatawang biro nito.

Natawa na din siya sa sinabi nito. Alam naman niyang mayaman si Malik na kahit nga hindi siya magtrabaho hindi naman magrereklamo ito.

May kasambahay na din sila ni Malik. Simula ng maging sila may pupunta ng house keeper sa condo nila na siyang naglilinis at naglalaba ng kanilang mga damit. Pero siya pa din ang nagluluto ng kakainin nila ni Malik. Ayaw kasi ni Malik na iba ang mag-luto gusto daw nito ang mga luto niya.

Nang matapos silang kumain nililigpit na niya ang pinagkainin nila ng maramdaman niya ang mga yakap sa kanya ni Malik mula sa likod. Gayon din ang mga mumunting halik nito sa kanyang batok.

"Pagud ka ba?"malambing na tanong sa kanya ni Malik.

Hindi siya makasagot sa tanong ni Malik, naglilikod na kasi ang mga kamay nito. Ang isa at nasa bewang niya at ang isa naman nasa ibaba nan g kanyang dibdib. Isa pa ang paghalik sa kanyang leeg ni Malik.

Leeg kasi niya ang pinakapaboritong papakin nito bukod sa mga labi niya.

"Malik, naghuhugas ako ng mga plato"pagalit sana niyang sasabihin ang mga iyon pero naging ungol ng maramdamn niyang pinisil ni Malik ang kanyang dibdib.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now