Thirty-four

108K 1.8K 23
                                    

Thirty-four

Issay's POV

"Baks saan kayo tutuloy ng mga bata?"tanong sa kanya ni Carla habang kumakain sila ng tanghalian.

"Hmmm...tsk si Nanay kasi at si Buboy nasa probinsya, si Lance naman may pamilya na. like wise to my sister Ana na nasa puder ni Benj. So......"pangbibitin niya.

"So?"tanong muli sa kanya ni Carla.

"Hotel muna kami...bukas na lang ako hahanap ng matutuluyan namin"sagot naman niya.

Ayaw naman kasi niyang sa probinsya magstay, kailangan niyang makahanap ng trabaho para may ipangbuhay siya sa mga anak niya.

"Sa condo nalang ni Marco kayo tumuloy"pagpiprisinta ni Kyla.

"Gaga...kung don mo patutuluyin sila Issay natural na malalaman ni Marco na nandito na sila Issay...malalaman na ni Malik"pagtataray ni Carla sa kaibigan nila.

Bigla naman niyang nilingon ang mga anak niya.

Nakita niyang natigilan ang kambal niya ng marinig ang pangalan ng ama ng mga ito. Alam na kasi ng mga ito ang tungkol sa nangyari sa kanila ng ama ng mga ito. kaya naman nakikita niya ang galit sa mga mata ng kanyang mga anak para sa tatay ng mga ito.

Ayaw man niyang magalit ang mga ito kay Malik wala naman siyang magagawa kasi hindi niya hawak ang mga isip ng anak niya.

Kahit pa ilang beses niyang sinabi sa mga anak niya na wag silang magtatanim ng sama ng loob sa tatay ng mga ito hindi pa din mapigilan ang galit ng mga ito para kay Malik.

"Tita ninang Carla, can you please don't mention that name ever again. Its annoying"nakayukong turan ni Duke.

Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ng anak niya. sa kambal kasi ito ang mas masama ang loob kay Malik. Palibhasa kasi ito ang mas malapit sa kanya kaya naman ayaw nito na nakikita siyang nasasaktan.

"Duke"saway niya sa anak.

Bigla namang nguniti ang anak niya sa kanya at nagsimulang kumain ulit ito. natatakot siya para sa mga anak niya, ayaw niya ang nakikita niya sa mga anak niya lalo na kay Duke. Hindi niya gusto ang magtanim ng sama ng loob si Duke kay Malik.

Kahit naman kasi ganito ang nangyari sa kanila ni Malik, kahit na iniwan sila nito. Hindi maitatanggi na mahal pa din niya hanggang ngayon si Malik.

"Ehem..."basag ni Carla sa katahimikan nila.

"Mas maganda baks sa may apartment nalang naming kayo tumuloy pansamantala. Wala sila mama doon ngayon kasi nasa probinsya din sila sa isang buwan pa naman sila dadating. Doon nalang muna kayo para naman hindi ka na gagastos pa"sabi ni Carla.

"Talaga Bru, salamat ha"pinasigla niya ang boses niya para naman mawala ang awkward moment nila.

Tinapos lang nila ang pagkain nila at hinatid na sila agad nila Kyla sa apartment ng mga magulang ni Carla. Hindi din naman nagtagal ang mga kaibigan niya, para naman daw makapagpahinga na silang mag-iina.

Nang makaalis ang mga kaibigan niya ay nagpahinga silang mag-iina. Hindi niya inaasahan na makakatulog silang mag-iina, paggising nila gabi na.

"Mommy, I'm hungry"reklamo ng bunso niya.

"Ako din mommy"segunda ni King.

Nakasimangot naman si Duke na nakatingin sa kanya. Wala naman pagkain sa apartment ng magulang ni Carla kaya naman pinagbihis niya ang mga anak niya at sa labas sila kakain.

Hindi naman sila lumayo ng mga anak niya, may malapit lang na fast food sa apartment na tinutuluyan nila. At dahil puro bata naman ang kasama niya doon nalang sila kumain.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now