Sixteen

152K 3K 31
                                    

Sixteen

Issay's POV

Maaga umalis si Malik ngayon para pumasok sa opisina. May maaga daw kasi itong meeting sa isang business client nila.

Nang makaalis na ito nagsimula na siyang maglinis ng unit nila. Hindi na kasi nila pinapunta pansamantala ang house keeper nila tutal kasi sembreak nila ngayon.

Kaya balik siya sa pag-aalaga ng unit ni Mali. Siya ulit ang naglilinis, naglalaba, nagluluto sa bahay ni Malik. Para lang noong sabi nga ni Malik personal assistant siya nito.

Minsan pa nga inasar pa niya ito at tinawag niyang boss. Galit nag alit ito sa kanya, smantala naman siya tawa ng tawa.

Maayos naman na kasi ang relasyon nila. Open na sila sa isa't isa kaya naman nagagawa na niyang biru-biruin ang nobyo niya.

"Hay, maiinip na naman ako nito. Mamaya nga uwi muna ako kila Nanay."kausap niya sa sarili niya.

Nagsimula na siyang maglinis ng bahay ng biglang may nagdoorbell. Papunta na sana siya sa pinto para tingnan kung sino ang bisita nila ng bumukas na ito.

Nagulat pa siya ng makita ang isang babae. Tiningnan pa nga siya nito mula ulo hanggang paa.

Kung nakakalusaw ang tingin baka nalusan na siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.

"Who are you?"tanong ng bagong dating.

Tiningnan niya din ito mula ulo hanggang paa. Mukha itong sophisticated na babae, mukhang may kaya o sinasabi sa buhay.

Mapagkakamalan pa ngang model ito sa sobrang ganda. Baka nga model ito kasi bukod sa maganda na ito sexy at matangkad pa ito. idagdag pang ang makinis at maputing kutis na balat nito.

"Pipi ka ba?ang sabi ko sino ka? Anong ginagawa mo dito?"mataray na tanong muli sa kanya nito.

Sasaot n asana siya ng magsalita ulit ito.

"Never mind. Isa ka lang siguro sa mga babaeng habol ng habol kay Malik. Well sorry my dear, but the real queen of these house is here. Makakaalis ka na"pagtataray ulit nito.

Natigilan siya sa sinabi nito.

"Sandali, queen ba kamo ang sinabi mo?"naguguluhang tanong niya dito.

"Huh, bingi ka din. Oo queen, ako lang naman ang asawa ni Malik. So you better go out now habang mabait pa ako."mataray na pagtataboy sa kanya nito.

Para naman sinaksak ang puso niya sa narinig niya.

"I know, nagtataka ka. But to tell you honesty alam ko lahat ng kalokohan ng asawa ko. I know that you are one of those bitches na habol ng habol sa asawa."

Hindi na siya sumagot pa sa sinabi ng babaeng kaharap niya. tumalikod na siya at naglakad na papasok sana sa kwarto nila ni Malik pero pinigilan siya ng babae.

"Where do you think your going, just go out woman. Don't make me struggle you out of this unit."hawak nito ang braso niya.

"Pwede bang magbihis muna ako bago man lang ako umalis"naiiyak na niyang sagot dito.

Tiningnan siya ulit nito mula ulo hanggang paa. Naka spaghetti strap siya at short short.

Binitawan siya nito at naglakad na siya papasok sa loob ng kwarto.

Pagkasara pa lang ng pinto nila tuluyan ng tumulo ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan. Napaupo pa siya at niyakap ang sarili niyang mga tuhod.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now