"Were going out"turan pa ni Owen sa kausap nito.

Nasa may pintuan na sila ng may nagpaputok ng baril mula sa labas. Kaya naman nagising si Issay sa kanyang pagkakabuhat.

"Malik?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Issay.

"Fuck!!!"mura naman ni Owen.

"Shhh..stay still okay"utos niya kay Issay.

Niyakap siya nito ng mahigpit.

"Owen"tawag naman niya sa kaibigan niya.

"Magtago muna kayo Malik doon, kami ng bahala dito"utos naman ni Owen sa kanya.

Tumango siya at dali dali siyang nagtago sa isang sulok ng dresser sa loob ng kwarto.

"Anong nangyayari Malik?"naiiyak ng tanong ni Issay sa kanya.

"Owen is an NBI agent honey, he's here to save us"sagot niya dito.

Niyakap niya ito ng mahigpit para kahit papano maibsan ang takot na nararamdaman nito. kampante naman kasi siya na makakaalis silang ligtas dito dahil kasama nila si Owen. Malaki ang tiwala niya dito na mailalabas sila nito ng ligtas.

Nagkaroon ng palitan ng putok ng baril sa loob ng kwarto kung nasaan sila. Nakita pa niya si Owen na lumapit sa kanila para protektahan sila sa mga paparating na mga tauhan ni Lopez.

"I need a back here Marco"narinig niyang turan ni Owen.

Kasama pala ng mga ito ang kaibigan niya, baka hindi lang si Marco ang kasama nito baka pati sila Jake at Benjamin ay kasama na rin nito.

"Shit"mura muli ni Owen.

Nilingon niya ang bandang pintuan, ung kaninang apat na kasama ni Owen isa nalang ang natitira, at mukhang madami pa ang paparating sa pwesto nila.

"Owen, give me a gun"utos naman niya kay Owen.

"Malik no..."si Issay ang sumagot.

Tinapunan niya ito ng pansin, muli nakita na naman niya ang pag-aalala nito sa kanya.

"Don't worry honey, tutulong lang ako kay Owen. Kailangan niya ng tulong."bulong niya.

Tinapunan siya ni Owen ng isang baril, hindi naman bago sa kanya ang paghawak ng baril kasi meron naman siyang baril talaga hindi nga lang niya nagagamit pa.

"Just point it forward and full the trigger"turo naman sa kanya ni Owen.

"Okay"sagot niya.

Mas lalo niyang hinapit palapit sa kanya si Issay ng may dumating na naman na mga tauhan ni Lopez. Agad naman pinaputukan ang mga ito nila Owen ng natitira nitong kasama ang mga bagong dating.

Nakaantabay lang naman siya doon, hanggat maari ayaw niyang gamitin ang baril na hawak niya. kaya lang naman siya kumuha ng baril para maprotektahan niya si Issay.

"Malik"tawag sa kanya ni Owen.

"Bakit?"tanong niya.

Naubos nila ang mga taong nagtangkang pumasok sa loob ng kwarto, kaya lang maski ang kasama ni Owen wala na din. Tanging si Owen at silang dalawa ni Issay ang natitira sa loob.

"Be ready, lalabas tayo na tayo dito"utos sa kanya ni Owen.

Tumayo naman si Owen at nagsimulang mamulot ng mga baril ng mga nakahandusay na mga tauhan niya at tauhan ni Lopez.

Sumenyas naman si Owen na sumunod na sila dito. inalalayan niya si Issay na makatayo, at sumunod sila kay Owen.

May mangilan ngilan na sumasalubong sa kanila ni Owen na mga tauhan ni Lopez pero bago pa man makaporma nauunahan na iyon ni Owen. Nasa likod lang nito si Issay at nasa likod naman siya ni Issay.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now