Sinenyasan nito si Naomi na lumabas muna, nang maiwan naman silang dalawa ng ama nito naupo siya sa harapan nito.

"Ano ang pag-uusapan natin Malik?"seryosong tanong nito sa kanya.

"Tungkol sa gusto niyong mangyari after ng kasal namin ni Naomi"nakangiting sagot naman niya.

Gusto kasi nito na bumaba siyang CEO ng kumpanya niya at ilipat ang kanyang pwesto ditto. ang idinadahilan nito ay para makapagfocus muna siya sa anak nito.

"What about that?"makahulugang ngumiti naman ito sa kanya.

"I just think about it, medyo nag-aalangan kasi ako na bumaba na CEO ng company. kaya ko naman magfocus sa company as well as husband of Naomi at the sametime I guest."sagot niya.

Nawala ang ngiti nito sa kanyang labi.

"Oh, ang akala ko ibibigay mo na saakin ang trabaho mo. I can take good care your company Malik kung iyan ang iniisip mo"tumayo pa ito at lumapit sa kanya.

"Ayaw mo naman siguro na biguin ang father-in-law mo kung magkataon"bulong panito sa kanya ng makalapit ito sa kanya.

"I will think it more further. Magkita nalang tayo siguro before the dinner."sagot naman niya.

Nagpaalam na siyang aalis, tumayo na siya kahit hindi pa niya nahihintay ang sagot nito.

Tiniyak niyang mapipikon sa kanya ito ngayong araw para naman gamitin na nito ang mga tauhan niya. iyon ang nasa plano nila, kapag nangyari na inilabas nito ang pagiging drug lord nito at pinagbantaan siya nito ng harapan doon na ito huhulihin ng mga pulis.

"Baka kailangan mo pa ng tulong ko para makapagdesisyon ka na ng mabuti"turan pa sa kanya nito ng nasa pintuan na siya.

"Makikita natin"sagot na lang niya ditto.

Tuluyan na siyang umalis sa tanggapan nito. nagderetso lang siyang lumabas ng bahay ng mga ito. nakita niya si Naomi pero hindi niya ito isinama pauwi. Kasama sa plano nila ang iwanan niya doon ang dalaga para mas lalong maprovoke ang matandang Lopez sa kanya.

..............

Dumating ang araw ng usapan nila ni Lopez para sa pag-uusap nila tungkol sa pagbaba niya sa pwesto niya bilang CEO ng company niya.

Nagkita lang sila sa isang restaurant para kumain ng dinner. Hindi naman nagsasalita ang kaharap niya, tuloy lang ito sa pagkain.

Kinakabahan man siya hindi niya nalang pinahalata. Ang alam ni Arnold Lopez mag-isa lang siya na nakipagkita ditto. samantalang hayagan na may mga kasama itong mga tauhan nito na makikita sa paligid nila.

"Ehem... so lets talk"simula niya ng matapos sila sa pagkain.

"Lets talk about it in some other place. More private Perez. I have place"tumayo na ito at nagsimulang maglakad palabas ng restaurant na iyon.

Sinundan lang niya ito hanggang sa parking lot, hindi na siya pinasakay nito sa sasakyan niya. pinilit siya nitong sumabay nalang sa sasakyan nito.

Hindi naman niya pinahalata ang pagkabalisa niya sa harapan nito. habang nasa biyahe sila hindi niya maiwasan na magpalinga linga para hanapin ang mga kasama niya. nakahinga lang siya ng maliwag ng may mapansin siyang isang pamilyar na kotseng nakasunod sa kanila.

Nakarating sila sa isang abandunadong gusali sa dulo na halos ng Manila. Wala na nga nagagawi sa lugar na pinuntahan nila ngayon.

"Why did you bring me here?"hindi niya naiwasan na tanungin ang kasama niya.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon