Baka naman sa pagkakataon na ito wala ng balikan pa kasi naman parang nagsawa na bigla sa kanya si Malik.

"Hindi ko alam inay..."tuluyan na siyang napahagulgul sa harapan ng ina niya.

"Shhh..tahan na anak. Malalagpas niyo din iyang dalawa ni Malik."niyakap pa siya ng ina niya.

"I will tell this to Kuya Malik ate"sabi naman ni Ana sa kanya.

Mabilis siyang umiling dito. ayaw niyang balikan siya ni Malik ng dahil lang sa nabuntis siya nitong muli. Gusto niyang manalig sa sinabi nito noon sa kanya na kahit anong mangyari dapat si Malik lang ang paniniwalaan niya.

Na kahit anong marinig o makita niya alam niyang siya lang ang mahal ni Malik. at kailangan niyang maghintay.

Kahit pa nahihiraan at nasasaktan na siya.

Isipin pa lang niya makakasal si Malik sa ibang babae sobrang pagsisikip nan g dibdib niya ang nararamdaman niya. paano pa kaya pagnangyari ng nakasal na ito kay Naomi.

Ilang araw nalang kasi kasal na ng mga ito.

Tapos ngayon nandito sila sa probinsya malayo kay Malik.

"I think I need to go back in Manila"bigla nalang niyang naibulalas.

Kumakain sila ng agahan kasama ang buong pamilya niya. ang masayang kwentuhan ng mga ito ay biglang natigil.

"Why mommy?...tapos na po ang vacation natin?"may bahid na lungkot ang tanong sa kanya ni Jade.

Binalingan niya ang mga anak niya, mukhang nalungkot ang mga ito sa sinabi niyang pagbalik sa Manila.

"No my babies, si Mommy lang ang babalik. Dito muna kayo kila Lola niyo. I just need to do something important, that why I have to go back in Manila."paliwanag niya sa mga ito.

Nakita niyang muling sumigla ang mga ito, nag-aalala namang tumingin sa kanya ang ina at si Ana. Hindi pa nila nasasabi sa mga anak niya ang kalagayan niya. alam niyang matutuwa ang mga ito kapag nalaman na magkakaroon na naman sila ng kapatid.

Pero bago niya sabihin sa mga ito kailangan muna niyang makausap si Malik.

Babawin ko lang ang dapat ay saakin.

Hindi na siya makakapayag na bubuntisin na naman siya ni Malik tapos manganganak niyang hindi niya kasama si Malik. at higit sa lahat hindi na siya makakapayag na manganganak siyang hindi pa din kasal.

Aba sumusobra na yata si Malik sa kanya ngayon. Hindi naman pwedeng anak lang ito ng anak sa kanya. Dapat naman panagutan na siya nito this time.

"sigurado ka ba ate?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Ana.

Pang ilang beses na siya nitong tinanong kung sigurado ba siyang umalis ngayong dis-oras ng gabi.

Hindi na kasi niya mahintay pang hindi makausap si Malik. dapat kasi talaga bukas pa siya aalais paMaynila. Kaso bigla siyang nakaramdam ng kaba kaya naman biglang gusto na niyang bumalik sa Manila kahit pa maghahatinggabi na.

"I will be fine Ana...kaya ko pa naman magdrive"pagbibigay niya ng assurance sa kapatid niya.

Wala namang nagawa ang kapatid niya para pigilan siya. Maging ang ina nila ay wala ding nagawa sa pag-alis niya.

Nang maibilin niya ang mga anak niya sa mga ito agad siyang sumakay sa sasakyan niya, at nagdrive na paMaynila.

.................

Third Person's POV

Hindi naman namalayan ng mga nagbabantay sa dalaga ang pag-alis nito sa tahanan ng mga ito sa probinsya. Naging kampante kasi ang mga ito na hindi na aalis pa si Issay sa bahay ng mga ito dahil maghahating gabi na. kaya naman nakaidlip ang mga ito habang nagbabantay ang mga ito sa di kalayuan. Dala na din ng matinding pagod at puyat kaya naman nakaidlip na ang mga ito.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now