Chapter 11 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Byun Baekhyun, totoo bang nakabihis pambabae ka daw isang araw na pumunta kayo sa mall kasama ang ibang members ng exo?"

Ilan lang yan sa mga tanong nila. Hindi naman sila sinagot ng exo at tuloy tuloy lang sa pagpasok sa loob ng Hotel. Nakakita din ako ng mga fans ng exo sa gilid na pinipilit pumasok. Ang iba ay may hawak na banner at doon nakasulat ang mga pangalan ng EXO. Hinigpitan ni Yeol ang hawak nya sa kamay ko. Hindi na nya kasi binitawan yung kamay ko nung inalalayan nya ako bumaba ng sasakyan. Tumingin ako sakanya. Ngumiti sya sakin at syempre nginitian ko rin sya.

Pagkapasok namin sa loob ng Hotel ay sinalubong kami ng Manager (sa tingin ko lang) ng Hotel at yung mga VJs ng Myx.

"Hello there! It's really nice to have you all here. Thank you for coming." bati ng Manager ng hotel sa exo.

"Yes. Thank you also for inviting us. It's our pleasure to be here tonight." sabi naman ng Manager ng exo. 

"So, let's go?" aya ng manager ng hotel. Tumango si Manager ng exo at sumunod kami sakanila. Hanggang ngayon ay hindi parin binibitawan ni Yeol yung kamay ko.

"Hyung! Tsansing ka kay Althea ah! Hanggang ngayon hindi mo parin binibitawan yung kamay nya." bulong ni Sehun habang naglalakad kami. Sinamaan lang sya ng tingin ni Yeol pero hindi parin nya binibitawan yung kamay ko. 

"Here. Dito magaganap yung press con. May mga press na rin po sa loob." ani manager ng hotel. Tumango yung ibang member at nagsabi ng thank you. Nakita kong lumapit samin ni Chanyeol yung manager ng exo at may ibinulong sa amin.

"Ganto ang plano, sa oras na itanong ng press o ng ninumang DJ ang tungkol kay Althea, doon mo palang Chanyeol ipapakilala si Althea. At Althea once na sinabi ni Chanyeol ang tungkol sayo at kapag tinawag ka nya, doon ka palang lalabas. For now, sumama ka muna sa akin sa may gilid. Okay ba 'yon?" tanong ng manager samin.

"Yes." sabay naming sagot ni Yeol.

"Okay. Yung sinabi ko kanina ah? You two should act sweet things. At kapag may tanong ang mga press sagutin nyo nalang sila." pagkasabi ng manager na yun ay tinawag na yung exo at sabay sabay silang pumunta doon sa maliit na stage sa loob. Bago pumasok si Yeol sa loob ay tinignan nya ako at binigyan ako ng isa nyang genuine smile.

"Goodluck!" I mouthed at lalong lumaki ang ngiti nya. Nagulat ako ng bigla nya akong kindatan.

dug dug dug dug OMO! B..bakit nya ako kinindatan? At b...bakit lumalakas nanaman ang tibok ng puso ko? HALA! Masama na yata 'to! Lagi nalang tumitibok ng malakas yung puso ko sa tuwing may ginagawa si Yeol sakin. B..bakit naman kaya?

"Tara na Althea, pumasok na tayo sa loob." ani manager ng exo. Tumango ako at sinundan sya sa gilid. Natatanaw ko mula dito sa kinatatayuan ko yung buong exo na ngayon ay nakaupo. May mga mineral water sa harap nila at mga mic. Sa gilid naman ay nakatayo ang dalawang VJ ng myx. Si VJ AI at VJ Chino.

"Let's give a big round of applause for EXO!" ani VJ Chino kaya naman nagpalakpakan ang lahat pati ako ay nakipalakpak narin.

"It's really nice to have you all here. So, let's start? We have a few questions for you guys. First question, can you please do introduce yourself?." sabi ni VJ AI kaya naman nag simula na mag introduce ng sarili nila yung exo. 

"Suho."

"Kris."

"Lay."

"Chen."

"Kai."

"Baekhyun."

"Chanyeol."

"D.O"

"Sehun."

"Luhan."

"Xiumin."

"Tao."

Pagkatapos nila mag pakilala ay may few question na tinanong si VJ AI at Chino sakanila about dun sa concert at ngayon ay turn na ng mga press na magtanong.

"This question is for Baekhyun. Totoo bang pumunta ka ng mall na naka pang babaeng suot kasama ang ibang members ng exo? Ayon sa nakalap naming news ay ikaw daw iyon dahil medyo halata sa mukha mo." Tinignan ko si Baekhyun at nakikita ko ang kaba sa mga mata nya. He don't know what to answer. May binulong sakanya si Yeol. (magkatabi sila sa upuan). Bumuntong hininga si Baekhyun bago sumagot.

"Ah yes. It's me. Wala akong dalang ibang damit kundi pangsayaw lang. We wanted to go to mall 'cause we re really bored that time. Chanyeol requested me to wear his noona's dress. At first, I dont want to wear it but they forced me to. I have no choice but to wear it.. Please don't laugh on what I look like that day. Thank you." ani Baekhyun. Tumango naman ang ibang reporters at nagsimula ulit sila magtanong.

"This question is for Chanyeol. Is it really true that you are dating Althea Kim? Nakita di umano kayo ng ibang reporters na magkahawak kamay pagkatapos ng concert nyo patungo sa parking lot." ohmygosh! eto na! tinanong na nila! wahh I feel really nervous right now! Paano nalang kung matapilok ako habang naglalakad ako papunta doon? Pano kung magkamali ako sa pagsagot? Paano kung madulas ako at masabi kong pretend relationship lang kami ni Yeol? Paano kung-- Naputol ako sa pagiisip ng magsalita si Yeol.

"Yes. I am dating Althea Kim. Actually, she's here now." nabulagta naman ang mga reporters pagkasabi ni Yeol nun.

"Be ready Althea." bulong sakin ng manager ng EXO. Tumango ako at inayos ang sarili ko. Nakita kong tumayo si Yeol sa kinauupuan nya. Nagbuga muna sya ng malalim na hininga bago magsalita.

"I want you all to know about my girlfriend. She's here now. Let us welcome the girl whom I fall in love with. Let us all welcome, Althea Kim." pagkasabing pagkasabi ni Yeol nun ay lumakad na ako papunta kung nasaan sya. Ngumiti ako sakanya bago humarap sa mga press. Click ng mga cameras ang naririnig ko. At yung flashes ng camera, masyadong nakakasilaw. This is it! Alam kong pagkatapos ng press conference na ito ay magbabago na ang buhay ko.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon