Chapter 14

54 2 0
                                    

"Go.. besie!! Kaya mo yan!" Cheer ni Chloe.

"Go, Renn!" Sigaw ni Marco.

"Kaya mo yan! Go. Go. Go!" Sigaw ng mga kaklase namin.

Sila ang nagbibigay ng lakas sakin kaya lagi akong nananalo sa swimming competition. At siya..

"GO RENN!" Malakas na cheer niya sakin.

Si Chad. Ang inspirasyon ko sa bawat laro ko.

"Renn? Renn!" Unti-unti nag dilim ang paligid.

___

"Renn, gising... My pasok kaba ngayon?"

"Hmm..?" Minulat ko ang isa kong mata. Si Chad lang pala, nakasuot ng dilaw na apron na my butterfly sa gitna. Ang cute.. napangiti ako at natulog uli.

Ilang segundo..

Teka! Si Chad? Nakasuot ng apron ko?! Napabangon ako bigla..

at nahulog sa ilalim ng sofa. Tanga ko naman.

"Ouch!" Shete. Ano ba yan, Nakakahiya!

"Renn! Anong nangyare ? Saan ang masakit sa'yo?" Umupo ito at inilalayan ako.

"Wala--" waah~? ang lapit niya naman masiyado. OMG.. as in..

Oh! My Gwapo!

Nagtatanong ang mukha nito na nakatingin sa kanya.

"W-wala.. wala" hindi parin nagbabago ang epekto nito sa kanya.

3in1 kaba? Bakit ang bait, ang bango at sobrang gwapo mo ngayon?! Gosh!

"Mabuti pa siguro na doon kana sa kwarto matulog, palit tayo." Sabi niya.

"Hindi.. okay lang."

"Hindi okay. Doon kana sa kwarto. Dito ako mamaya sa sofa. Okay?"

"O..kay." titig pa lang nito parang kinokontrol na ang puso't isip ko.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Ang cute niya sa suot kong apron. Hay..

Anong oras na ba? Tingin sa wall clock malapit sa t.v.

8:52am.

Napangon ako at mabilis na tumungo sa banyo. My meeting pa naman kami ng 9am. "ahh~! Late na ko."

Nakabihis na ako pang opisina ng lumabas ako sa kwarto.

"Mag Breakfaster ka muna para my lakas ka." Nakita ko siya na naghahanda ng pagkain. Ang dami! Argh! late na ako eh.

Pero sige na nga. Nakakahiyang tumanggi sa gwapo-este sa grasya pala.

Umupo na ako at nagsimulang kumain ng kumain. Pake ng mundo pag gutom ako?

Teka..

Nakalimutan ko palang ayain si Chad. "Kain na.. di kaba nagugutom?"

"Mamaya na ako. Ang lakas mo palang kumain." Umupo ito sa harap ko at tumitig lang sa pagkain ko. Nakakailang na tuloy.

"Ahm.." nagpunas ako ng bibig bago mag salita. " 'nga pala, anong plano mo ngayon? Paano ka magsisimula? Kailan ka dadalaw sa hospital? Nakausap mo na ba ang daddy mo? Ka-."

"Reporter ka ba?" biglang nagtanong ito. Napakunot noo man ay sinagot niya ito.

"Hindi naman. 'bat mo na tanong?"

"Dami mo tanong eh."

"Sorry naman." nahiya naman ako 'dun. "So ayun nga.. Kailan ka mag sisimula? Gusto mo samahan kita dumalaw kay Chloe? At saka-" napatigil ako dahil tumawa ito bigla. "Anong nakakatawa?" taas kilay kong tanong.

"Wala.. Haha." tawa parin ito.

"Ts. Ano nga kasi?"

"Haha.. Wala nga kasi."

"Isa."

"Wag kang makulit, lalo kang nagiging cute eh." ngumiti ito.

Anong meron sa ngiti niya? Bakit.. Bakit ako.. Hindi pwede.

"Renn? My problema ba?"

"Renn?"

Nakita kong winiwave ni Chad 'yong kamay niya sa mukha ko. Bumalik ako sa katinuan. Parang na paralyze ako ng ilang segundo kanina.

"Uhm.. Teka. Aalis na pala ako. Shiit.. Sobrang late na talaga ako!" tumayo ako at nagpaalam kay Chad.

(Fast Forward)

Mabuti na lang pala na cancel 'yong meeting kanina. Kundi! Patay talaga ako.

"Renn!" tinignan ko 'yong tumatawag sakin. Si Marco lang pala.

"Bakit?"

"Yayain sana kitang mag inuman. Don't worry, sagot ko." ngumiti ito sakin na may halong pag-aalala.

I sighed. Umu-oo ako para naman makabawi ako sa kanya. Sa tuwing kailangan ko ng karamay, lagi siyang nasa tabi ko. Sa tuwing hindi ko mapigilan ang luha ko sa tuwing makikita ko si Chad na masaya.. sa piling niya. Niyayakap niya ko para icomfort, at nawawala naman 'yong lungkot ko. Ang tanga ko sobra.

Nasa kamay ko na, binigay ko pa.

Anyways.. Nandito na kami sa Bar nina Marco. Dito sa private room. Dalawa lang kami ngayon dahil busy 'yong iba kaya hindi maka punta.

Noong una masaya pa kaming naguusap. Kalaunan, nagtatanong na ito about kay Chad at kung anu-ano pa.

Naka ilang bote narin siya. Hindi naman siya pala inum ng alak. Noon umiinom lang sila ni Chad pag may okasyon samin.

"Marco, pwede iba na lang pag-usapan natin?"

Tumingin lang ito sakin saka uminom uli. "Renn. Tanda mo pa noon doon sa likod ng school?"

Hindi ako nagsalita. Alam ko kung ano ang tinatanong niya. Nanahimik lang ako at naghintay ng susunod niyang sasabihin.

"Nagtapat ako sa'yo noon na mahal kita. Noong hindi pa kilala ni Chad si Chloe." uminom uli ito at nakatingin lang sa kisami ng kwarto ng PR. "Pero nireject mo ako dahil sabi mo hindi kapa ready sa isang relasyon."

Yumuko lang ako habang nakikinig sa kanya. Hawak ko ang ladies drink na iniinum ko.

"Nagtapat ako sa'yo sa pangalawang pagkakataon noong tinutulay mo pa lang silang dalawa. Humingi ka ng tawad sakin at sinabi mong hindi mo ako kayang mahalin kasi my nagugustuhan ka ng iba." yumuko ito. Umiiyak ba ito?

"Alam mo bang mahal ka din ni Chad noon?" nagulat ako at napatingin sa kanya. "Bakit hindi mo tinuloy na maging kayo? Bakit mo binigay ang taong mahal mo sa iba? Dahil ba bestfriend mo si Chloe? Eh ano ngayon if mag bestfriend kayo? Bakit ikaw pa ang kailangan mag paraya para sa kanya?"

"Marco-"

"Dahil ba ang magulang ni Chloe ang sumusuporta sayo at sa pag-aaral mo?" paanong-

"Paano ko alam? Hindi ko sadyang marinig na nag-uusap sina Chloe ng tungkol sayo at sa buhay mo."dugtong pa niya.

Sa dami ng sinabi niya, hindi ko mapigilang humagulgol ng iyak. Hindi ko alam ang ginagawa ko noon. Iniisip ko noon na gusto ko lang ibalik ang mabuting loob na binigay ng pamilya ni Chloe sakin. Sinakripisyo ko ang kaligayahan ko para lang sa kanya.

Noong nalaman ko pa lang na si Chad pala 'yong hinahabol niya. Sumuko na ako agad. Alam kong mas bagay silang dalawa. Mayaman. Matalino. Parehong mabait lalo na si Chloe. Gusto ko lang namang suklian 'yon. Masama ba ang ginawa ko? Feeling ko trinaydor ko si Chloe noon. I felt guilty right now.


"Marco.. Kasi-" ganun na lang ang gulat ko at nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya bigla.




---

(A/N)

Pasensya na po sa hindi pag paparamdam ng ilang buwan na ba yun o weeks? (Multo po kasi ako awoooh~~. XD)

Salamat po sa mga nagbabasa nito.

Don't forget to VOTE! ~thanks!

T.c

-A.D.


If You're not The OneWhere stories live. Discover now